PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heart Evangelista loves talking about Daniel Matsunaga: "I want them to know what a wonderful person he is..."

Heart and Daniel plan to visit his parents in Brazil.
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 9, 2011
"Kilala n'yo naman ako. I may have relationships, pero I really seldom talk about it. Medyo limited ang mga sinasabi ko noon. Now, I really don't know why I love to talk about Daniel. Iba kasi ito, e. I feel different with him. Kaya nga nasabi ko na he's my Angelito, my angel," says Heart Evangelista about boyfriend Daniel Matsunaga.

Hindi mawala ang magandang ngiti sa mukha ni Heart Evangelista tuwing pag-uusapan ang kanyang relasyon sa Brazilian-Japanese hunk na si Daniel Matsunaga.

Marami ang nagugulat na very open si Heart na pag-usapan ang kanyang buhay pag-ibig ngayon. Di gaya noon na halos itago at ipagdamot niya ang kanyang pakikipagrelasyon sa mga naugnay sa kanyang mga lalake, tulad nina John Prats, Ian Dy, at Jericho Rosales.

Paglilinaw naman ni Heart, nagkukuwento naman siya kapag tinatanong siya noon. Pero hindi rin niya maintindihan kung bakit sobra siyang overwhelmed sa kanyang relasyon ngayon with Daniel.

"I guess I am very proud of him, gusto ko siyang makilala ng maraming tao. I want them to know what a wonderful person he is at pati na ang pamilya niya," sabi ni Heart sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Dwarfina.

Dagdag niya, "Kilala n'yo naman ako. I may have relationships, pero I really seldom talk about it. Medyo limited ang mga sinasabi ko noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Now, I really don't know why I love to talk about Daniel. Iba kasi ito, e. I feel different with him. Kaya nga nasabi ko na he's my Angelito, my angel.

"Tapos, nakilala ko pa ang family niya, and mababait silang lahat. I've never met such a happy family.

"Nakita ko ang kasimplehan nilang lahat. Na puwede ka naman palang maging masaya sa mga simpleng bagay lang.

"Kaya malaki ang naging impluwensiya nila sa akin. Kaya I'm more masaya because I learn to value the simple things in life.

"The world had become so materialistic na kasi, we forget about humble beginnings.

"Yun ang natutunan ko sa pamilya ni Daniel," saad ni Heart.

SAYING GOODBYE IN MACAU. Nakasama ni Heart ang parents ni Daniel noong nakaraang December 31, 2010 sa Macau. Magkakasama raw nilang sinalubong ang New Year doon.

Sa Macau rin sumakay ng eroplano pabalik ng Brazil ang parents ni Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagkaiyakan pa kami sa airport talaga," sabi ni Heart.

"I never felt so emotional before. Noong papauwi na sila, talagang naiyak ako kasi alam kong mami-miss ko sila.

"I had such a happy time with them. Ngayon pa nga lang, as we speak, I miss them so much.

"But nag-promise naman kami ni Daniel that we will visit them in Brazil. Gusto ko namang mapuntahan ang homeland niya. I want to see and feel kung ano ang buhay doon.

"Enjoy naman ako mag-travel, e, and I haven't been to that part of the world. I haven't been to South America and tamang-tama lang na Brazil would be the first country that I will visit in that continent.

"I know na medyo mahaba ang traveling time, pero I would not mind. Just as long as the people I love are there sa pupuntahan namin, it will be all worth it."

TRIP TO BRAZIL. Pero paplanuhin pa raw nila ni Daniel ang kanilang pagbakasyon sa Brazil dahil hindi pa puwede sa ngayon. Nagsimula na si Heart magtrabaho sa Dwarfina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang ibinibigay naman sa aking bakasyon at the most is two weeks lang. So we will plan it carefully para hindi yung tipong nagmamadali kaming umuwi because may naghihintay na trabaho.

"Nagsimula na nga ang Dwarfina and, alam ko, Daniel will start with a new show as well. So, magtrabaho muna kami and we will plan our trip to Brazil soon," nakangiting sabi ni Heart.

WEDDING TALKS. Marami ang kinilig sa sinabi ni Daniel noong mag-guest ito sa Showbiz Central na siguradong-sigurado na siyang si Heart ang kanyang pakakasalan. Wala na raw ibang babae para sa kanya kundi si Heart.

Inamin ni Heart na sobrang kinilig siya dahil wala pa raw guy na umamin nang gano'n sa kanya on live national television.

"Naku, I almost cried!" sabay tawa ni Heart.

"You know, no guy has ever done that... I mean, walang nagsabi ng ganyan sa akin with all confidence on live television. Kaya it makes me love him more for being proud of our relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung sigurado siya, siyempre sigurado rin ako, di ba? I can't say anything more. This is what I call love!"

Napag-uusapan na raw nila ni Daniel ang tungkol sa pagpapakasal, pero hindi naman daw sila nagmamadali. Gusto pang mag-ipon ni Daniel para sa mga plano nila ni Heart in the future.

Ayaw rin daw ni Daniel na maging hadlang sa magandang career ngayon ni Heart kaya may tamang panahon daw para sa kanilang pag-iisang dibdib.

"I will admit, excited ako. Pero sana naman huwag mangyari ito next month, di ba?" tawa pa niya.

"We are talking about it, pero may kasunduan naman kami ni Daniel. We will work muna and we want everything na maayos.

"Hindi puwede sa amin ang rush-rush ang lahat. Mas maganda nga na may plano and we are prepared.

"Daniel knows how much I love my career and I know din that he wants to work hard as well. Doon muna kami, and if we are ready, malalaman n'yo naman 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi namin itatago ang mga magaganap pa sa relasyon namin," saad niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kilala n'yo naman ako. I may have relationships, pero I really seldom talk about it. Medyo limited ang mga sinasabi ko noon. Now, I really don't know why I love to talk about Daniel. Iba kasi ito, e. I feel different with him. Kaya nga nasabi ko na he's my Angelito, my angel," says Heart Evangelista about boyfriend Daniel Matsunaga.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results