news

Bangs Garcia, who plays Zanjoe Marudo's love interest in Kristine, says Bea Alonzo has nothing to be jealous about

by Mark Angelo Ching posted on January 18, 2011  STATS: 16782 Views | 11 Comments

 

"Ang name ko dito, si Ellen. Ako yung nurse na sobra-sobrang type ni Conan, si Vhong. Actually, dun iikot ang istorya. Dun iikot ang buong story kung bakit may bulong. So, kailangan yun abangan ng tao," says Bangs Garcia about her character in the horror-comedy film Bulong.

 

Photo By: Sany Chua

Tingin ni Bangs Garcia, maganda ang suwerte niya ngayong 2011. Ito ay dahil kasama siya sa Bulong, ang unang pelikula ng Star Cinema ngayong 2011.

Isang horror-comedy ang Bulong, na tinatampukan din nina Vhong Navarro at Angelica Panganiban. Si Chito S. Roño ang direktor nito.

Sa presscon ng pelikula kagabi, January 17, sa Dolphy Theatre sa ABS-CBN, idinetalye ni Bangs sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nararamdaman niyang kaba at saya dahil sa Bulong.

"Sobrang masuwerte and pressured. Kasi di ba, 2011, baka mag-expect sila sa Star Cinema and most especially sa aming mga artista na involved dito. Kay Direk Chito, proven na 'yan, e, na hit lahat ng ginagawa niyang projects.

"Pero yung kami, yung kaming tatlo lang na pinagsama sa isang movie, pressured, and sobrang honored ako na makasama dito sa cast na 'to kasi kakaiba siya, e.

"First time kong nakatrabaho silang dalawa, si Angelica at si Vhong," saad ni Bangs.

Dahil sa kilala na sina Vhong at Angelica sa linya ng comedy, kinaya ba ni Bangs na tapatan sila sa pelikulang ito?

"Well, manood na lang kayo," sagot niya. "Pero, kung maaalala n'yo, nagsimula ako sa isang youth-oriented sitcom. So, kahit papaano, nauna ako sa comedy sa industry kaysa sa horror or sa kahit anumang klaseng acting. So, ayun."

Ang tinutukoy ni Bangs ay ang dating sitcom ng ABS-CBN na Let's Go at Gokada Go!, na ipinalabas noong 2006 at 2007.

Pagpapatuloy ni Bangs, "Tapos kahit na nauna ako sa ganung klaseng palabas, medyo mahirap pa rin. And kakaiba, itong sina Vhong at Angelica, e, natural comedians sila, e. Ako, hindi ako yung tipong ganun.

"Meron din, may sense of humor din ako. Alam ko dahil wala namang nagrereklamo sa akin na boring akong kasama.

"Pero iba yung kanila, may spunk sila. May kakaiba silang spunk sa comedy, na tipong isang ganun lang, kaya nilang magpatawa."

Dahil dito, ine-expect daw niyang magiging hit talaga ang Bulong.

"Yes, nag-e-expect ako," saad niya. "Kasi kakaiba na, e, casting pa lang, e. Si Vhong at Angel, Direk Chito pa. Star Cinema pa. Tapos dinagdagan ko pa!

"May ganun? So, lahat, all-in-one, di ba? Parang, ano na 'to, buong package na 'to. So, inaasahan ko nang magiging big hit 'to."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  sleepingchild

    01/18/2011 | 04:12 PM
    sana wag na siya magpa puti kasi mas bagay sa kanya ang morena.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  sleepingchild

    01/18/2011 | 04:11 PM
    she's really beautiful.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • cutenginamo

    01/18/2011 | 01:34 PM
    pretty sya...very innocent ng fez...i like the way she act sa Kristine.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • flightforge29

    01/18/2011 | 01:27 PM
    More projecys for Bangs. Pinay na pinay talaga ang ganda nya!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • sodalover

    01/18/2011 | 01:18 PM
    Bangs is one of the nicest artist I know, not only gorgeous but she is definitely honing her craft, wala ding reklamo kahit sinong katrabaho nya. I'ts nice to read some news about her. Tahnks PEP Excited na ako sa Bulong
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pinay014

    01/18/2011 | 10:40 AM
    Ganda ni Bangs! magkamuka kme wahahahahaha Pinay na Pinay ang Beauty...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kuribachi

    01/18/2011 | 09:55 AM
    nasa title yung pangalan nya, yun eh kung marunong ka ding magbasa
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jas_anderson02

    01/18/2011 | 09:37 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jas_anderson02

    01/18/2011 | 09:36 AM
    cnu xa?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • akosimadam

    01/18/2011 | 09:35 AM
    jas - nanonood ka ba ng tv or nagko-comment ka lang dito?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jas_anderson02

    01/18/2011 | 09:32 AM
    da who?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About