news

Vhong Navarro clarifies report that he is starving his driver

by Rey Pumaloy posted on January 18, 2011  STATS: 1217 Views | 31 Comments

 

"Siguro, kung meron akong nalimutan na bigyan siya minsan, e, dahil siguro sa dami kong ginagawa. Sabi ko nga sa kanya, after no'ng mangyari na lumabas yung mga balita na yun, sabi ko sa kanya, 'Kasi sabihin mo sa akin nang diretso, huwag nang idaan pa sa kung kani-kanino,'" says Vhong Navarro about report that he is starving his driver.

Photo By: Sany Chua

Nasasalang sa isyu ngayon si Vhong Navarro kaugnay sa lumabas na balitang ginugutom daw niya ang kanyang driver. 

Nakarating na kay Vhong ang balitang ito kaya naman kahit hindi ito itinanong sa kanya sa presscon proper ng pelikula niyang Bulong kagabi, January 17, agad itong nilinaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya matapos ang press conference sa Dolphy Theater.

"Oo nga, e. Sabi nga, ginugutom ko raw yung driver ko? 

"Nagulat ako doon kasi kung makikita n'yo, yung driver ko, parang ako yung ginugutom niya kasi ang laki ng katawan, e!" biro niya.

"Ako po yung tao na hindi ako madamot, especially sa pagkain. So, dapat sini-share 'yan. 

"Kung ano po ang pagkain ko sa bahay, yung din po ang pagkain ng mga kasambahay ko," seryoso niyang pagtatanggol sa sarili. 

"Siguro, kung meron akong nalimutan na bigyan siya minsan, e, dahil siguro sa dami kong ginagawa. 

"Sabi ko nga sa kanya, after no'ng mangyari na lumabas yung mga balita na yun, sabi ko sa kanya, 'Kasi sabihin mo sa akin nang diretso, huwag nang idaan pa sa kung kani-kanino.'

"Kasi, family friend ko siya. Matagal na sa akin yung driver ko, nine years na."

WHERE THE NEWS CAME FROM. Pinagalitan ba ni Vhong ang driver niya sa paglabas ng kuwento?

"Hindi ko siya pinagalitan. Tinanong ko lang siya. Hindi niya inamin.

"So, sabi ko, 'Baka sa akin galing kaya lumabas 'yan?'

"Sabi ko lang sa kanya, 'Pag may mga ganyan, diretso mo sa akin. Huwag kang mahiya.' Wala na kaming hiyaan kasi barkada nga ang turing ko sa kanya, e."

Dagdag niya, "Siguro, baka nga nakaligtaan ko, humingi na ako ng paumanhin sa kanya noon."

Naniniwala ba siya na galing mismo sa kanyang driver ang balitang ginugutom niya ito?

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

31 Comments

  • 31  sasha19

    01/19/2011 | 07:46 PM
    Maganda yung teaser nung bulong..im sure..maganda yung movie and nakakatawa talaga si Vhong and Angelica. Galeng galeng! Im sure, box office hit tong movie na to. Kaya Vhong, bigyan mo na driver mo pambili food.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  teenette16

    01/19/2011 | 02:14 PM
    naku naman parang di ganun si vhong, pagusapan na lang natin talent nung tao. we support you vhong, from lloydies' supporters---kelan ba ang kanto boyz movie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  aquos11

    01/19/2011 | 12:09 PM
    palakihin daw ba issue. duh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  yanzee

    01/19/2011 | 12:03 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  chevalier

    01/19/2011 | 11:59 AM
    To chechelarue and all the others before that made a comment that Vhong Navarro is not a good actor and comedian. Vhong Navarro was nominated for URIAN best actor for JOLOGS in 2002. JOLOGS is one comedy of Star Cinema that merited multiple nominations from the MANUNURI. It is the uncontestable proof of Star Cinema that Vhong Navarro is a good actor. Besides, his director in JOLOGS is Chito Rono.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  dulcinea

    01/19/2011 | 11:37 AM
    at siguro hindi lang minsan nangyari yan, baka lagi-lagi na ... kasi kung minsan lang nangyari, mauunawaan pa ng driver, na naka-ligtaang bigyan ng allowans, e bakit umabot ng maikwento sa iba, di ba? ibig sabihn, napapadalas o nauulit yung sitwasyon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  dulcinea

    01/19/2011 | 11:31 AM
    kuya, responsibilidad mo ang driver mo, dapat ikaw mismo ang nag-aabot sa kanya, kahit magkaibigan kayo, nahihiya pa rin namang humingi yan ng pang-kain niya. dapat habang nasa sasakyan kayo, binibigay mo na ang allowans niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  daring_nina

    01/19/2011 | 11:16 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  Glak9

    01/19/2011 | 10:38 AM
    depende yan sa contract, kaya dapat kamgaanak man or hindi, laging may contract, nagiging mabait ka na nga, ikaw pa ang sasagpangin, ano yun titigil si vhong sa paghohost para pakainin siya, baby ba siya, laging pinapasama ang amo, at yung mga walang magawa, gagatungan naman, pustahan may sulsulero na naman
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  BETCHA68

    01/19/2011 | 09:23 AM
    Dapat sa mga drivers magdala ng baon like sandwich, pandesal or skyflakes man lang just in case makalimutan siya ng amo niyang pakainin. Ganyan pala diyan sa Pilipinas ang drivers libre pagkain. Buti pa sila kaysa mga empleyado.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  ellenbermu

    01/19/2011 | 05:26 AM
    Vhong, di porket mataba ang isang tao ay di nagugutom,hwag ka ng palusot,shame on you!!!! feed your helpers well...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  det_navi

    01/19/2011 | 02:50 AM
    Tumaba si Vhong?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  yunikrose

    01/19/2011 | 12:14 AM
    sige ang reklamo nyo tungkol sa mga katulong nyo at driver. marami ang mga DH na nasa singapore and hongkong karamihan sa mga yan mga edukada at edukado yan ang kunin nyo at talagang they mean business, basta ba tatapatan nyo ung mga sahod nila overseas tiyak makukuntento kau sa servicio nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  pabima

    01/18/2011 | 11:46 PM
    Pati ba naman pagpapakain sa driver isasali sa gimik para mapagusapan ang pelikula?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  hooney

    01/18/2011 | 10:28 PM
    minsan nga mga katulong kung kailan tumatagal saka nagiging reklamador at pakialamera, bumili ako ng new undies at hindi ko pa binubuksan sa pagkaka stapler sa paperbag, ipinatong ko lang munsa sa table for a while, pagbalik ko bukas na at tinitingnan na ang binili ko, haha ganun talaga siguro pag naging familiar na masyado
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  littlebunnies

    01/18/2011 | 09:42 PM
    Siguro may nakapansin lang dun sa studio na di pa kumakain yung driver. Baka tinanong at ang sabi di mo pa siya binibigyan ng pera. By your own admission, nakakalimutan mo minsan. Nagsimula siguro sa ganun hanggang sa nanganak na yung kwento.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  snoopy_08

    01/18/2011 | 09:35 PM
    cristy fermin had a blind item, and it was about this issue. all of us know shrek very well... just making up some issues. well, good luck to your movie vhong!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  chismosang_totoo

    01/18/2011 | 08:24 PM
    lagi ka palang busy, di sana bigyan mo na lang sya ng weekly allowance para hindi mo na makalimutan and hindi na sya magutom. kung family friend sya, hindi mo gagawing daily basis na kailangan pa nyang humingi ng pambili ng food everyday sa yo. okay lang kung minsan, pero kung lagi, hindi na maganda yan. sana lang idn yung driver, hindi na ichinismis pa sa ibang tao, kailangan ang loyalty mo nasa amo mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  sasha19

    01/18/2011 | 07:58 PM
    na blind item to sa kabilang station.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  cutenginamo

    01/18/2011 | 07:22 PM
    non-sense issue...duh????!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About