"Siguro naman lahat ng magulang, pumipili ka rin naman ng magiging boyfriend ng anak mo, di ba? Mahirap kasing mag-judge physically. Mabait naman si Alwyn. So, huwag na nating anuhin sa tattoo-tattoo," says Jean Garcia about her daughter Jennica's boyfriend, Alwyn Uytingco.

Photo: Noel Orsal

For a change, mabait naman ang role ni Jean Garcia sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Alakdana. Ginagampanan ng aktres  rito ang mapagmahal na ina ng baguhang si Louise delos Reyes, na siyang gumaganap sa pangunahing papel.

Natutuwa naman si Jean na sa dami na ng nagawa niyang projects sa GMA-7 ay hindi sunud-sunod na kontrabida roles ang nabibigay sa kanya.

"Pansinin n'yo, kapag gumagawa ako sa GMA, usually, ha, salbahe ako, yung next project ko, mabait ako. Yung ganoon.

"Parang sa sampung nagawa ko, lima na ang mabait, lima ang hindi. Siguro para hindi rin nakakapagod at hindi rin mapagod ang audience. 

"Sana lang, hindi mapagod ang GMA or else, wala na akong trabaho! Huwag naman, di ba? Bilang mamamatay yata ako kung hindi na ako aarte!" natatawang sabi ng aktres sa presscon ng Alakdana noong Lunes, January 17.

Per project lang daw ang kontrata niya sa GMA-7, pero limang taon na siyang Kapuso.

"Siguro ang pinakamatagal kong tengga, mga two months," sabi niya.

"Mabait naman ang GMA sa akin. Hindi naman ako nakakapagpahinga ng matagal. Alam n'yo naman na ito talaga ang bread and butter ko."

Kapag walang project, doon daw pumapasok ang pagiging domesticated niya na luto lang daw siya nang luto sa bahay.

"Maski naman may trabaho ako, kapag day off ko, pinagluluto ko ang mga bata. I love to cook talaga.

"'Yan ang passion ko talaga. Sabi ko nga, kapag tumigil akong mag-artista, magluluto na lang ako.

"Actually, lutong bahay lang. Lahat ng Filipino foods. Mga pasta. Kasi ang mga bata gusto ng spaghetti, carbonara, yung ganoon," kuwento niya.

JENNICA & ALWYN. Kinumusta rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jean ang anak na si Jennica Garcia at ang boyfriend nitong si Alwyn Uytingco. 

Nagkaroon kasi ng impression na hindi boto si Jean kay Alwyn, lalo na noong nagsisimula pa lang ang relasyon nito sa kanyang anak.

Pero paglilinaw ni Jean, "Ewan ko nga kung saan nanggagaling yung mga ganyan. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan nanggagaling or hindi ko gusto or kinokontra.