PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryza Cenon says non-showbiz boyfriend does not meddle with her showbiz career

Ryza: Yes to sexy roles, no to sexy pictorials.
by Rose Garcia
Published Jan 19, 2011
"Hindi ko pa rin siya kaya. Ang hirap kasing pumasok sa isang commitment na wala naman do'n ang puso mo. Parang ang hirap. Kaya hindi ko muna siya inoohan," says Ryza Cenon about doing sexy pictorials.

Isa si Ryza Cenon sa leading ladies ni Aljur Abrenica sa Machete. Pero siya ang lumalabas na kontrabida kina Aljur at Bela Padilla kahit siya ang sculptor na lumikha kay Machete at na-in love nang husto rito.

Isa ito sa ipinaliwanag ni Ryza sa ginanap na press conference ng Machete kagabi, January 18, sa Studio 7 ng GMA Network Studios.

"Dahil nga po sa plug shoot namin, kasi, ako yung gumawa, e. Pero sila [Aljur and Bela] po talaga, istorya nila 'to. Kumbaga, yung love story nina Machete [at Aginaya] ang ipapakita rito."

Gaano ba kaseksi si Ryza bilang si Marla dito sa Machete?

"Slight lang, slight lang!" natatawa at tila nahihiyang sagot ni Ryza.

"Hindi naman ganoon ka-daring. Siyempre, sisilipin tayo ng MTRCB [Movie and Television Review and Classifacation Board] kapag sobrang daring."

Ayon kay Ryza, na-shoot na ang ilang kissing scenes nila ni Aljur.

"Bad trip nga. Kasi noong tine-tape namin yun, medyo masama ang pakiramdam ko. Wala ako sa anong umarte. So, hindi ko siya [Aljur] masyadong na-maniac!" natatawang biro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kay Ryza, ang isa pang leading lady ni Aljur sa Machete ay si Bela Padilla. Bago pa lang din si Bela na maituturing sa Kapuso network. Si Ryza naman ang Ultimate Female Survivor ng second batch ng StarStruck.

CHARACTER ROLES. Okay lang ba kay Ryza na tila support lang siya sa team-up nina Aljur at Bela dito sa Machete?

"Okay lang po yun," sagot ni Ryza.

"Maganda naman po ang exposure ko dito. At saka, part ako ng kuwento na ako ang gumawa kay Machete.

"Kung wala ako, wala sila Machete. Hindi nila magagawa ang show. Etchos!" biro pa niya.

Dagdag ni Ryza, "Kasi, kanya-kanyang oras 'yan. Siguro sila, oras nila ngayon, so okay lang."

Kapansin-pansin na tila kina-career na ni Ryza ang pagganap sa character roles. Una sa Langit sa Piling Mo at nasundan sa Koreana.

"Isa sa dream role ko kasi ang kontrabida, e," sabi ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, sobrang hirap niyang gawin. Mixed emotion ang kailangan mong gawin dito. Mahirap saktan ang mga taong hindi mo naman dapat saktan.

"Yung mga scene namin ni Bela na sinasabunutan ko siya, sinasampal. Yun, ang hirap po no'n gawin. Nangangatog ako kapag ginagawa ko yun."

NOT YET READY FOR SEXY PICTORIAL. Kung nagsisimula nang magpaka-daring si Ryza sa TV, ang pagiging cover girl ng men's magazines tulad ng FHM ang isa sa hindi pa raw niya magawa. Ito ay sa kabila ng matagal na raw siyang kinukumbinsi para mag-sexy pictorial.

Ayon kay Ryza, "Hindi ko pa rin siya kaya. Ang hirap kasing pumasok sa isang commitment na wala naman do'n ang puso mo. Parang ang hirap. Kaya hindi ko muna siya inoohan."

Ano ang fear niya?

"Hindi ko pa siguro kaya yung ganoong damit na isusuot. Tapos, makikita ng tao yung katawan ko.

"Hindi rin naman po porke't pumayag ako sa ganito, wala nang limitation. Siyempre, may limitation pa rin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sinasabi ko naman po ang kaya at hindi ko kayang gawin."

NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. May non-showbiz boyfriend si Ryza ngayon. Ito kaya ang pumipigil sa kanya para mag-pictorial sa sexy magazine?

"Wala...wala po. Yun naman ang masasabi ko, hindi po yun nakikialam sa trabaho ko," sabi ng 23-year-old actress.

Okay lang sa boyfriend niya na mag-pose siya nang sexy?

"Opo, okay lang. Napag-usapan na namin yun at saka hindi naman siya nakikialam talaga sa trabaho ko.

"Kahit dito, yung mga Machete, wala lang, dedma lang. 'Congrats,' sabi niya, ganoon."

Four years na pala ang relationship ni Ryza at ng kanyang non-showbiz boyfriend, pero nagawa itong maging pribado ng young actress.

Ayaw ring magkuwento ni Ryza tungkol sa kanyang boyfriend na pitong taon ang tanda sa kanya.

"Ano na lang po, ayoko lang kasing ipasok siya sa mundo ko. Sorry po ha, pero kasi, ayoko talaga siyang ipasok dahil hindi siya showbiz na tao," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masasabing suwerte ngayon si Ryza. Bukod kasi sa blooming ang kanyang career ay masaya rin ang kanyang love life.

"Oo nga, I'm so blessed. Ngayong year na ito, I'm so blessed," sambit niya.

"Ako naman, ni minsan, hindi ko pinilit na magka-break dito. Kung ano ang binigay sa akin, tinatanggap ko lang."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko pa rin siya kaya. Ang hirap kasing pumasok sa isang commitment na wala naman do'n ang puso mo. Parang ang hirap. Kaya hindi ko muna siya inoohan," says Ryza Cenon about doing sexy pictorials.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results