PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zoren Legaspi on playing father role to younger stars: "Eventually kasi dun din naman ako papunta."

Zoren bares his body in "Machete" as a tribe warrior.
by Glen Sibonga
Published Jan 19, 2011
"I feel proud for Aljur kasi malayo na rin ang narating niya. Hanga ako sa determinasyon niya, sa kanyang focus. Kasi si Aljur, pag may gustong ma-achieve, talagang tinututukan niya," says Zoren Legaspi about Aljur Abrenica, who plays his son in Machete.

Ama ng bidang si Aljur Abrenica ang role na ginagampanan ni Zoren Legaspi sa bagong telefantasya ng GMA-7, ang Machete, na mapapanood na simula sa Lunes, January 24, sa GMA Telebabad.

Kaya nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Zoren kagabi, January 18, sa presscon ng Machete sa Studio 7 ng GMA Network Studios, tinanong namin kung paano siya napapayag na gumanap bilang tatay ni Aljur gayong maski siya ay papasa pang gumanap bilang Machete?

"Oo nga, 'no, hindi ko yun naisip, bakit ako pumayag. Ang naisip ko yung suweldo, e!" birong panimula ng 38-year-old actor.

"Well, seriously, eventually kasi dun din naman ako papunta, e, sa mga ganung roles. Kaya lang siguro nasasabing parang bata pa ako for father roles because of my looks siguro. Kaya akala ng iba bata pa ako."

Sa tingin ba ni Zoren ay nauuso na rin yung middle-aged actors na gumaganap sa role bilang magulang ng mga bida, gaya na lang ni Ara Mina (31) na gumanap na ring nanay nina Rhian Ramos (20) at Jackie Rice (20) sa Ilumina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Para sa akin, hindi siya visually effective kasi nga alam naman ng mga tao na bata pa si Ara Mina. I have no question sa acting ability ni Ara, yung sa tingin lang kasi na bata pa siya.

"Kaya nga si Carmina [Villarroel, asawa ni Zoren], hindi pa pumapayag na gumanap na nanay.

"Pumapayag lang kami pag fantasy, katulad nitong Machete, medyo may pagka-fantasy siya, e.

"Si Carmina naman gumanap namang nanay ni Richard Gutierrez sa Mulawin noon kasi fantasy rin yun. Pag ganun, carry, puwede.

"Ako, naging anak ko na si Kris Bernal sa isang series [All My Life]. Kasi naman sa screen, parang ang bata-bata pa talaga ni Kris, di ba? Parang mukhang 14 lang noon."

ALL PRAISES FOR ALJUR. Nakasama rin ni Zoren sa All My Life si Aljur bilang ka-love team ni Kris noon, kaya alam niya na pangarap na talaga ni Aljur na gumanap ng role na katulad kay Machete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasama ko si Aljur noon kaya alam ko na noon pa lang ay gusto na niyang mag-action. Tamang-tama nga sa kanya ang Machete," sabi ng aktor.

Panay papuri nga ang bukambibig ni Zoren para kay Aljur.

"I feel proud for Aljur kasi malayo na rin ang narating niya," sabi niya.

"Hanga ako sa determinasyon niya, sa kanyang focus. Kasi si Aljur, pag may gustong ma-achieve, talagang tinututukan niya.

"Noon sa drama series namin, talagang inaaral niya ang script niya kaya pagdating ng take, handa na siya.

"Pati sa mga eksenang drama, talagang he tries his best to give his all. Kaya ako, proud ako na gumanap bilang tatay ni Aljur dito sa Machete."

CARMINA & THE TWINS' REACTIONS. Regular naman daw mini-maintain ni Zoren ang kanyang katawan kaya hindi na siya nahirapan sa body requirement na kailangan for his role bilang tribe warrior at ama ni Machete.

"Nagmi-maintain naman tayo ng katawan natin. Pero hindi ko ine-expect na may dadating na role na ganito for me. Kaya ngayon, continuous lang ang workout.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero ang hiningi ko lang for my role, yung props na katulad ng wig. Kailangan mahaba yung buhok ko para magmukha naman akong warrior at saka magmukhang mas matanda ang hitsura ko. Pina-tan din ako rito kasi nga maputi ako, e."

Ano ang sabi ni Carmina nung tinanggap niya ang role na ito na kailangan siyang magpakita ng katawan?

"Okay lang sa kanya yung katawan. Huwag lang daw makita yung tumbong ko!" natatawang sabi ni Zoren.

Nakabahag lang din kasi si Zoren sa Machete. Pero hindi naman daw siya nag-aalala na mabosohan siya.

"Hindi naman ako worried kasi may undergarment naman kami. At saka hindi puwede yung wala kasi pag may fight scenes kami at pag tumatakbo, pati yung ano mo, aalug-alog, e. Kailangan protected."

Sensitive din daw ang kambal nilang anak ni Carmina na sina Mavy at Cassy pagdating sa mga hubaran.

"Alam mo, yung kambal, sensitive sa mga ganyan. Kahit nga sa bahay, wala akong T-shirt, ayaw nila. Conservative yung mga yun, e. Hindi nga ako puwedeng naka-boxer shorts sa bahay, tinutukso nila ako," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano niya ipinaliwanag sa kambal na kailangan niyang maghubad for his role in Machete?

"In-explain ko, kailangan kasi warrior, e. Usually naman sa tribe warriors, nakahubad talaga kaya alam din naman ng kambal yun."

ON THE TWINS IN SHOWBIZ. Kailangan naman kaya niya papayagan mag-artista na ang kambal?

"Actually, may offer na sitcom para sa amin ni Carmina at gusto nila kasama ang kambal," banggit ni Zoren.

"Ako kasi, okay ako basta controlled location. Pag sa studio, okay lang.

"Pero pag location, hindi ako papayag kasi mapapagod yung mga bata. E, mas gusto kong mag-concentrate sila sa studies nila."

Si Carmina raw talaga ang ayaw pang pag-artistahin ang kambal.

"Si Carmina kasi ang parang ayaw pa niya. Pero slowly, she is realizing na doon talaga papunta, lalo na yung babae [Cassy], sa pag-aartista.

"Makikita mo kasi yung talent niya, e. At saka makikita mo na may patience siya sa camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung guy [Mavy], ayaw pag take two or take three sa commercial. Minsan nagre-react yun, bakit daw paulit-ulit.

"Pero yung babae, okay lang. Although pareho nilang gusto yung ginagawa nila, masasabi ko mas may patience lang yung girl," sabi ni Zoren.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I feel proud for Aljur kasi malayo na rin ang narating niya. Hanga ako sa determinasyon niya, sa kanyang focus. Kasi si Aljur, pag may gustong ma-achieve, talagang tinututukan niya," says Zoren Legaspi about Aljur Abrenica, who plays his son in Machete.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results