"I think someone baliw. Baliw role. Because you can really get lost. While acting you can get lost in something else. I want something challenging," says Gwen Zamori about wanting to play offbeat roles.

 

Photo: Noel B. Orsal

Isa si Gwen Zamora sa cast ng Machete, ang pinakabagong primetime series ng GMA-7.

"I'm an archaelogist. I'm an old college friend of Ryza [Cenon]. I'm helping her out with her exhibit, showing her statue of Machete," paglalarawan ni Gwen ng kanyang role.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gwen sa presscon ng Machete sa Studio 7 ng GMA Network Studios kagabi, January 18.

Ayon kay Gwen, gustung-gusto niya ang role na ibinigay sa kanya.

"That's one thing I want to say. I love the character. Kasi ano siya, yung, babaeng hindi takot na... a girl that's not scared to get dirty.

"Kasi ano siya, archaelogist. She works in the soil. Yun, I love it," saad niya.

Mabait ang character ni Gwen dito sa Machete, katulad ng role na nakuha niya sa Grazilda kunsaan gumanap siya bilang Cinderella. Bakit kaya mababait na roles ang ibinibigay sa kanya ng GMA-7?

"I don't know. Maybe because I'm nice?" sagot niya.

"I believe so. If I'm not, tell me, so I can smack myself in the face."

 

FIRST MOVIE. Kahit sa Si Agimat at si Enteng Kabisote, mabait ang role na nakuha niya bilang si Faye, ang fairy na asawa ni Vic Sotto.

Ano ang masasabi niya na number one sa nakaraang Metro Manila Film Festival ang unang pelikulang ginawa niya?

 

"Dyusko, thank you, Lord! Yes. I'm really thankful. Thank you Bossing [Vic] for choosing me as Faye!" sambit niya.

Maganda rin ang mga review sa acting niya sa pelikula. Ngunit kahit ganito pa, may mga masasabi pa ring mali si Gwen sa pag-arte niya sa kanyang first movie role.

Paliwanag niya, "Well, you see, your worst critic is yourself. There's some things that I didn't like. But and then, I got so much good feedback.

"But there is still something about the way I acted that I didn't like, which I could've improved, but what's done is done. Next time.

"Sorry, it's technical. My eyebrows and my nose. Because, I started acting on stage, so your movements are very big, talkative eyes. You know?