"Pag may galit ka pa rin kasi sa katawan mo, parang may pagmamahal o may iniisip ka pa rin na memories. So, ang concern ko na lang ay maibalik sa akin ang pera ko. Wala akong galit or whatsoever, ibalik na lang nila. Yun lang ang kailangan nilang gawin—bayaran ang dapat nilang bayaran para tapos na ang lahat," says Nina about the money that ex-boyfriend Nyoy Volante and his family owe her.

Photo: Noel Orsal

"Una, huwag kang magpapautang kasi baka hindi mabayaran," sabi niya.

"Hindi mag-a-attempt na mangutang sa akin yun [her current boyfriend]  dahil hindi niya kailangan, saka alam naman niya ang mga nangyari."

Para kay Nina, mas nagwu-work ang pagkakaroon ng non-showbiz boyfriend kesa kung taga-showbiz ang kanyang karelasyon.

"Okay na okay kami ng boyfriend ko," aniya.

"For me, parang nagwo-work sa akin yung non-showbiz. Di masyadong napag-uusapan, private. Tapos pag may problema kami, kami-kami lang ang umaayos."

ESTAFA CASE. Kinumusta rin namin kay Nina ang estafa case na isinampa niya kay Nyoy. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nakikipag-ayos sa kanya ang ex-boyfriend at hindi pa rin daw binabayaran nito ang P1.4 million na utang sa kanya.

"Hindi pa, kasi feeling nga nila, wala silang utang sa akin. They think they don't owe me anything. So, ano ang iaayos nila sa akin? Wala, di ba?

"Ongoing pa rin yung kaso namin. Alam ko ipapasa na sa higher court.

"Pero yung ibang kaso nila sa mga inutangan nila, drinop na sila ng mga abugado nila. May warrant of arrest na sila.

"May utang sila sa pari, sa second cousin nila... Hindi lang pala sa akin.

"Kumbaga, marami silang inutangan bukod sa akin. So, naaawa naman ako," saad ni Nina.

Wala na raw siyang galit o anumang nararamdaman para kay Nyoy. Ang gusto na lang ni Nina ay maibalik ang P1.4 million na pinaghirapan niya.

"Pag may galit ka pa rin kasi sa katawan mo, parang may pagmamahal o may iniisip ka pa rin na memories. So, ang concern ko na lang ay maibalik sa akin ang pera ko.

"Wala akong galit or whatsoever, ibalik na lang nila. Yun lang ang kailangan nilang gawin—bayaran ang dapat nilang bayaran para tapos na ang lahat. 

"Pinaghirapan ko yun. Hindi yung halaga, e.