PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joanna Marie Tan is more comfortable now playing kontrabida

Joanna pits acting chops with "Alakdana" lead star Louise delos Reyes.
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 21, 2011
"Kahit daw hindi ako nagsasalita, nararamdaman na nila ang pagiging mataray ko. Sa mga mata ko na lang daw, nakikita na nila na kontrabida ako," says teen actress Joanna Marie Tan about playing villain roles.

Simula nang kunin bilang batang Eunice sa local TV adaptation ng Koreanovela na Stairway to Heaven, nagkasunud-sunod na ang pagganap bilang kontrabida ng teen actress na si Joanna Marie Tan sa ilang drama series ng GMA-7.

Pagkatapos kasi ng Stairway to Heaven, gumanap ding kontrabida si Joanna sa First Time, Basahang Ginto, The Last Prince, Bantatay, at Tween Hearts.

Pero okey lang naman daw sa kanya ang pagganap sa kontrabida roles dahil sunud-sunod ang nagiging trabaho niya. At sa bawat kontrabida role na ibigay sa kanya ay meron daw siyang bagong natututunan sa pag-arte.

"Wala naman pong problema sa akin ang gumanap na kontrabida kasi bagay naman daw sa akin!" natatawang sabi ni Joanna sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Kahit daw hindi ako nagsasalita, nararamdaman na nila ang pagiging mataray ko. Sa mga mata ko na lang daw, nakikita na nila na kontrabida ako.

"Isa 'yan sa mga natutunan ko sa mga direktor na nakakatrabaho ko sa iba't ibang series. Nakatrabaho ko na po sina Direk Joyce Bernal, Direk Joel Lamangan, Direk Gina Alajar, Direk Andoy Ranay, Direk Don Michael Perez, at Direk Mac Alejandre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Marami akong natutunan na iba't ibang paraan sa pag-arte lalo na sa pagiging kontrabida."

Dagdag niya, "Nagpapasalamat nga po ako sa kanila kasi nagkaroon ako ng chance na makatrabaho sila. Kaya tuwing may bagong series akong gagawin, ina-apply ko yung natutunan ko from the last director na nakatrabaho ko."

ALAKDANA. Ngayon ay kasama si Joanna sa malaking cast ng bagong afternoon drama series ng GMA-7, ang Alakdana, ang launching vehicle ng Tween Hearts cast member na si Louise delos Reyes na gumaganap bilang si Adana.

Siyempre pa, isa na namang kontrabida role ang ginagampanan niya rito bilang si Veronica, ang kapatid sa ama ni Adana.

"Sabay kasing nagbuntis ang mother ko at ang mother ni Adana sa kuwento. Mommy ko rito si Jobelle Salvador [as Zoila] at ang kay Adana naman ay si Jean Garcia [as Teresa]. Ang father namin dito ay si Matthew Mendoza [as Vergel].

"Magkakaroon ng conflict sa amin ni Adana habang lumalaki kami. At may itinatagong lihim sa kanyang pagkatao si Adana," paglalarawan ni Joanna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masasabing biggest break ni Joanna ang Alakdana sa pagganap niya bilang young kontrabida. Mas malaki kasi ang papel niya rito at makikipagtagisan siya sa pag-arte sa bidang si Louise.

"Kinakabahan nga po ako kasi magaling umarte si Louise," sabi ni Joanna.

"Once ko lang po nakasama si Louise noong mag-guest ako sa Tween Hearts. Pero marami na akong naririnig na kuwento from the staff na magaling umarte si Louise, kaya kailangan kahit papaano ay masabayan ko siya.

"Pero magkaiba naman kasi ang roles namin. Kailangan aapihin ko siya rito. Marami kaming mga gano'ng eksena ni Louise kaya pinaghahandaan namin 'yan.

"Friends kami ni Louise kaya may pinag-usapan na kami na kapag may masaktan man sa amin, mag-sorry kami kaagad sa isa't isa."

Dahil sa Alakdana ay kinailangang mawala si Joanna sa Bantatay kunsaan kontrabida naman siya kay Krystal Reyes.

"Nalungkot nga ako kasi magpapaalam na ako sa Bantatay. Sinabihan na po ako na mag-a-abroad ang character ko. Kailangan ko raw mag-concentrate sa Alakdana.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Mami-miss ko ang cast at crew ng Bantatay kasi sobrang saya kami sa set kapag nagte-taping kami," sabi niya.

Sa January 24 na magsisimula sa GMA-7's Dramarama Sa Hapon ang Alakdana pagkatapos ng Eat Bulaga!. Sa January 26 naman ito simulang mapapanood sa GMA Pinoy TV sa USA, Canada at Asia Pacific.

FROM LITTLE MISS PHILIPPINES. Produkto ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga! si Joanna. Sumali siya noong 1999 at naging third runner-up siya kay Dindin Llarena, na siyang nanalo.

Gumawa ng ilang commercials si Joanna hanggang sa masubukan na niyang umarte sa ilang episodes ng Magpakailanman at sa ibang drama series ng GMA-7.

"Hinanap po nila ako para sa role ng batang Glaiza de Castro sa Stairway to Heaven. May nakaalala raw sa akin at bagay daw sa akin yung role.

"Noong mahanap nila ako, hindi na ako nag-audition. Pinabasa na nila sa akin ang script at nag-workshop na kami agad nila Barbie [Forteza], Joshua [Dionisio], at Jhake [Vargas]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasalukuyang freshman sa college si Joanna sa De La Salle-Araneta University sa Malabon taking up Hotel and Restaurant Management. Pero nag-stop muna siya dahil nahirapan na siya sa kanyang schedule.

Bukod kasi sa kanyang pag-aaral at pag-aartista, nanalo pa siya bilang vice president ng SK (Sangguniang Kabataan) Caloocan chapter.

"Nagpapatung-patong po ang mga ginagawa ko kaya kailangan may mai-sacrifice ako na isa. Ayoko man tumigil sa school, pero nakakahiya naman po kung lagi akong absent or late. Kaya nag-stop muna ako pero babalikan ko pa rin ang school. Pangako ko 'yan sa mommy ko.

"As SK Vice President naman po, may mga nami-miss akong meeting, pero naiintindihan naman nila kasi alam nilang malalayo ang taping location ko.

"Pero kapag wala naman akong taping, nakaka-attend ako ng SK meeting. Basta may project ang SK Caloocan, maaasahan naman nila ako parati."

DEBUTANTE. Sa taong ito ay ipagdiriwang ni Joanna ang kanyang 18th birthday. Sa October 9 pa ang birthday ni Joanna kaya wala pa naman daw siyang plano para sa kanyang debut.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Malayo pa naman po. May time pang mag-ipon!" tawa niya.

"Sa ngayon po, ang pinag-iipunan ko ay ang tuition ko. Just in case na mapahinga ako sa paggawa ng series, may naitabi ako for my tuition.

"Hindi ko po alam kung gusto ko ng malaking party sa debut ko. Iniisip ko rin po kasi na medyo nagtitipid ang lahat. Parang nakakahiyang gumastos nang sobra-sobra.

"Ang importante ay makasama ko ang family ko sa aking birthday. Tama na sa akin iyon," diin niya.

BROKEN FAMILY. Produkto ng broken home si Joanna. Naghiwalay ang kanyang magulang noong eight months old pa lang siya. Kaya hindi niya nakasamang lumaki ang kanyang biological father.

"May stepfather ako na Japanese. Siya ang kinilala naming father ng kapatid ko. Ang bait-bait niya sa amin at itinuring niya kaming parang mga anak niya talaga.

"Naka-base siya sa Japan, pero every three months ay nagbabakasyon siya sa Pilipinas para makasama kami. Siya na talaga yung nagpalaki sa amin," kuwento ni Joanna sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sumakabilang-buhay na ang stepfather ni Joanna na si Yokio Yoshioka.

"Nagkasakit po siya sa Japan at nabalitaan na lang po namin na wala na siya. Hindi na kami nakapunta sa Japan. Yung family na lang po niya doon ang nag-asikaso ng lahat.

"Sobrang nalungkot po kami. Iyak ako nang iyak kasi nga, siya na ang nakilala kong father. Kahit na ilang taon na siyang wala, nami-miss pa rin namin siya," lahad niya.

Nakilala naman ni Joanna ang tunay niyang ama na si Jose Tan noong eight years old na siya.

"Pinupuntahan pa namin siya ng kapatid ko sa bahay niya," pag-alala ni Joanna.

"Pero lulubog-lilitaw siya. May time na nandiyan lang siya, pero mas madalas na wala siya. Malalaman na lang namin na nandito siya kapag may tawag.

"Bilang anak niya, binibisita ko naman siya. May blessing naman from my mom."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kahit daw hindi ako nagsasalita, nararamdaman na nila ang pagiging mataray ko. Sa mga mata ko na lang daw, nakikita na nila na kontrabida ako," says teen actress Joanna Marie Tan about playing villain roles.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results