Senator Bong Revilla comments on Baron Geisler's latest harassment issue

William R. Reyes
Friday, January 21, 2011 @ 02:44PM  |  18800 views

 

"Unang-una, artista siya. Pag artista ka, maraming tao na humahanga sa iyo, na ikaw ay iniidolo. Maaaring pamarisan siya, e, kaya dapat nag-iingat. You should be a role model to your fans, kaya dapat iniingitan 'yon," says Senator Bong Revilla about Baron Geisler (inset).

 

Photo By: Noel Orsal













May pahayag si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. kaugnay ng isyung pambabastos umano ni Baron Geisler kay Cherry Pie Picache.

Naging malaking usapin ang isyung pambabastos ni Baron matapos ireklamo ng premyadong aktres ang paghawak ng binata sa kanyang dibdib sa taping nila ng teleseryeng Noah ng ABS-CBN. 

Naghain ng reklamo sa PAMI (Professional Artists Managers, Inc.) si Cherry Pie sa pamamagitan ng kanyang manager na si Ed Instrella, at humantong ang kaso sa pagkaka-ban sa aktor na makatrabaho ang lahat ng mga artistang nasa pamamahala ng mga miyembro ng samahan.

Kagabi, January 20, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Senator Bong sa isang media event. Nagpahayag ito ng kanyang saloobin bilang pakikisimpatiya sa actress-complainant.

Aniya, "Ang nakakalungkot sa pangyayari na 'yan, maybe nung time na ginawa niya 'yon, he [Baron] is under the influence of alcohol.

"Pero siyempre, kailangan may responsibilidad na kaakibat sa bawat ginagawa natin, e. Kailangan maging maingat tayo.

"Unang-una, artista siya. Pag artista ka, maraming tao na humahanga sa iyo, na ikaw ay iniidolo. 

"Maaaring pamarisan siya, e, kaya dapat nag-iingat. You should be a role model to your fans, kaya dapat iniingitan 'yon."

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Senator Bong bilang pagtatanggol sa babaeng artistang naging biktima ng pambabastos.

Sumuporta rin siya sa mga naging reklamo ni Katrina Halili laban kay Hayden Kho Jr. at ni Yasmien Kurdi laban din kay Baron. 

"Advocacy natin 'yon," sabi ng senador. "Siyempre, papangalagaan natin ang mga kababaihan. Tulad niyan, kapatid pa natin sa industriya, dapat lang na pangalagaan natin."

At sa naturang advocacy ay hindi kunsiderasyon ang kinaaanibang network ng artistang binibigyang-suporta ng mambabatas.

"Walang Kapuso o Kapamilya," sabi rin ng actor-politician, referring to GMA-7 and ABS-CBN.

"Ang isinasaalang-alang natin, yung pagmamahal sa kapwa natin, lalo na sa mga kababaihan."

Kaugnay nito, humingi na ng paumanhin si Baron kay Cherry Pie sa pamamagitan ng live interview niya sa TV at sa isang presscon ngayong umaga.

1  2  Next »

Related Articles

57 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name