Sexy at daring ang roles na ginampanan ni Ryza Cenon sa mga teleseryeng Langit sa Piling Mo at Koreana.
Ngunit mas sexy at daring pa raw ang role ni Ryza sa Machete. She plays Marla, isang sculptress na obsessed sa kanyang nilikhang estatwa.
Ang Machete ay pinagbibidahan ni Aljur Abrenica at mapapanood na sa Primetime ng GMA 7.
Pero kahit sexy at daring ang pag-arte ni Ryza sa telebisyon, wala daw siyang balak sa ngayon na mag-pose sa men's magazine dahil ayaw daw nitong tinitingnan at pinagnanasahan ng mga lalaki ang kanyang sexy pictures sa comfort room.
Ito ang sinabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Machete last January 18, sa Studio 7 ng GMA Network Studios.
"Sa akin naman kasi, okey kung sasabihin nila akong sexy o daring, pero sa TV lang, wag lang sa men's magazine. What I mean is, sa CR (comfort room) kasi, di ba lagi na lang nilang paulit-ulit na titingnan yung picture ko?
"So ang mangyayari, doon na lang nila ako titingnan at hindi na nila ako papanoorin sa TV o sa pelikula," paliwanag ni Ryza.
"Sa magazine kasi kahit ilang beses mo man gustong tingnan magagawa mo, kasi nandiyan lang 'yan. Di tulad sa TV pag pinalabas na ng isang araw di mo na puwede ulitin maliban na lang kung ire-record mo o kaya ire-replay, pero kung ire-replay naman matagal-tagal pa ulit.
"Mas maganda kasi yung may mystery ka pa sa mga manonood, yung tipong nagpapa-sexy ka at nagpapaka-daring pero, hindi yung todo-bigay, meron pa ring aabangan at aabangan sa 'yo.
"Sa TV kasi di ba may limitasyon ang pagpapa-sexy. Minsan sa galaw o kaya sa pananamit lang mababase ang pagpapa-sexy mo. Kumbaga, puwede ka maging sexy kahit hindi kailangang magpakita ng sobra-sobrang flesh," aniya.
Hindi ba siya handa magpakita ng kahit konting flesh sa mga shows mo o kaya sa men's magazine?
SEXY ONLY ON TV. "Katulad ng sinabi ko, sa TV okey lang. Kasi hindi ka naman puwedeng magpakita ng maseselang parte ng katawan mo. Pero sa men's magazine talaga, no way muna ako for now. Hindi ko talaga kaya ang magpakita ng sobra-sobrang flesh sa magazine," diin ni Ryza.
"Ayoko rin namang magsalita ng tapos. Pero as of now, hindi ko pa talaga kaya at ayaw ko munang sumabak. Kung yung iba handa na, ako hindi pa talaga.
"Siguro kanya-kanya lang naman kasing pananaw 'yan sa kung anong gusto mong gawin. Like sila gusto nila yun, pero ako kasi ni maisip nga hindi sumasagi sa isipan ko na magagawa ko na," aniya.
Papano pag bibigyan siya ng solo film pero kailangan niyang magpakita ng flesh?
"Siguro puwede, pero sasabihin ko sa kanila yung limitasyon ko na hindi puwede ito, hindi puwede 'yan, at ito lang ang puwede para walang problema. Para umpisa pa lang alam na nila kung ano ang limitasyon ko.
"At saka depende rin sa script kung maganda ba yung script at kung sino yung magdidirek. Mahalaga kasi na magaling yung direktor na magdidirek ng sexy movie ko," sagot ni Ryza.
"Kasi magpapaka-sexy at daring na rin lang ako sa pelikula, e, di dapat magaling yung director na magdidirek sa akin, para maalagaan yung mga shots at hindi magmukhang bastos."




0

