When asked if he minds being every woman's — and gay man's — fantasy, Aljur Abrenica says: "Sino ba ang ayaw na pagpantasyahan? Okey lang dahil kasama sa packaging ng GMA. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya akong ganitong blessings."

 

Photo: Noel Orsal

Ano ang masasabi ni Aljur Abrenica sa mga pumipintas sa kanya bilang Machete? Hindi raw kasi siya makinis kaya ayaw niyang magbahag.

"Okey lang, nagpapasalamat po ako.

"Gusto ko magbahag. Sila nagsabi na 'wag na dahil masyadong daring at may mga viewers na bata," paliwanag niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Machete noong January 18.

Paano niya ide-describe ang mga leading ladies niya sa Machete na sina Ryza Cenon at Bela Padilla?

"Si Ryza, may similarity po kami dahil pareho kaming produkto ng StarStruck. Si Bela ay mas natutuwa ako, labis kong pinamagamamalaki. Habang tumatagal ko siyang nakikilala, mas naa-appreciate  ang pagkatao niya. Pleasant ang personality niya."

Mas sweet daw siya kay Bela kesa kay Ryza?


"Parehas lang naman ang pagtingin ko sa kanila. Parehong special sila sa akin."

Mas type daw niya si Gwen Zamora?


"Pare-parehas lang naman. Kumbaga, magkakaibigan lang naman kami," sagot niya.

Kumusta naman ang love scene nila ni Bela sa Machete?

"Medyo nahirapan kami dahil first time ni Bela. First time niya na may love scene. May mga proseso kaming ginawa bago ginawa yung scene.

"Hinahangaan ko si Bela dahil nagiging professional. Sensual ang mga love scenes ni Machete dito, pero mas nagko-concentrate kami sa kuwento ng pag-ibig ni Machete.

"Hindi masyadong mahalay dahil may mga batang nanonood," sabi niya.

Kasama rin niya sa sina Ryan Eigenmann, Zoren Legaspi, Gina Alajar, Noni Buencamino, Rio Locsin, John Arcilla, Polo Ravales, Chariz Solomon, Rocky Gutierrez, Karen delos Reyes, at Stephanie Henares.

ALJUR VERSUS MARK. Sinagot din ni Aljur ang tungkol sa intrigang natalbugan na raw niya ang ibang male StarStruck graduates, partikular na ang kauna-unahang winner na si Mark Herras.

"On my part, hindi ko naman nabi-visualize. Dahil kami ni Mark ay magkaiba. May nagagawa siya na hindi ko nagagawa. At may nagagawa ako na hindi niya nagagawa.