Fanny Serrano in talks with Tarima director Neal Tan for another indie movie

William R. Reyes
Saturday, January 22, 2011 @ 03:09PM  |  91 views

Fanny Serrano and indie director Neal Tan are exploring three film projects. "Yung isa, Pangga ang title, last year pa ito sana nasimulan.  Pero may pumasok na dalawang material, na gustung-gustong gawin din ni Direk Neal. Isang love triangle with me and a real-life couple sana... kinunsider namin sina Eula Valdes at Rocky Salumbides... then si Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz. Yung third concept will have me as a teacher ng mga streetchildren," TF says.

 

Photo By: File Photo














Fashion and beauty expert Fanny Serrano is raring to face the cameras again.  Ayon kay Fanny, nag-uusap sila ngayon ng writer-director na si Neal Tan, para sa gagawing indie movie. 

Follow-up ito sa ginawa nila last year, ang Tarima, na nagtamo ng critical acclaim.

"Tatlong material yung pinagpipilian namin, actually," sabi ni Tita Fanny, when interviewed by PEP (Philippine Entertainment Portal) at a recent showbiz event.

"Yung isa, Pangga ang title, last year pa ito sana nasimulan.  Pero may pumasok na dalawang material, na gustung-gustong gawin din ni Direk Neal.

"Isang love triangle, with me and a real-life couple sana... kinunsider namin sina Eula Valdes at Rocky Salumbides, pero now busy na sila sa restaging ng Zsa Zsa Zaturnnah sa CCP, then si Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz.

"Yung third concept will have me as a teacher ng mga streetchildren," banggit pa ni TF.  "True story daw ito, sabi ni Direk Neal, na gusto niyang gawan ng script dahil ang ganda ng concept.  Basta, masu-surprise kayo sa treatment ng character ko dito."

Sa kaabalahan niya, kaugnay ng pagiging fashion designer at salon entrepreneur, na inasikaso last year ang ginawang paglilipat ng kanyang salon (now located  on Sct. Madriñan, Quezon City) ay pansamantalang ipinagpaliban ni Fanny Serrano ang pagsisimula ng follow-up movie project, matapos maitanghal ang Tarima late last year.

"Nagkaroon din ako ng maraming frustrations at disappointments, dahil nga sa sitwasyon sa paggawa ng indie films," wika pa ni TF, na nagbida rin sa  Tulak  noong 2009.  Ito ang una niyang indie film-starrer na sinulat at dinirek din ni Neal Tan.

MEMORABLE PORTRAYALS. Sa kanyang pagganap sa Tulak, bilang tagapag-alaga ng mga streetchildren at isang drug addict (played by Rafael Rossel), nagtamo si Fanny Serrano ng Best Supporting Actor nominations, mula sa PMPC Star Awards for Movies at FAMAS para sa taong 2010.

Ang sumunod niyang indie-starrer, ang Tarima, ay nagkaroon ng malalaking premiere showings sa CCP Main Theater at UP Cine Adarna, in August and September, respectively, bago ang commercial release noong November.

"Of course, proud ako sa dalawang movies na 'yan, talagang pinaghirapan naman namin.  Pero yung sitwasyon, sa bookings para sa commercial run, at iba  pang problema sa production, internal problems, actually... sobrang nakaka-disappoint.

"But I'm not closing my doors," sabi pa ni Fanny. "Eto nga, sinabi sa amin ni Sir Mac (Rey Maclang, producer ng Tarima) na kami na raw ni Direk Neal ang bahala sa pelikula."

At press time, Neal Tan's Tarima, which is a love story between a cloistered gay religious devotee and a prison inmate (Rocky Salumbides in his major film debut) is being considered for this year's Torino International Film Festival, in Italy.

GRAND 'PICA'  EVENTS.  Kamakailan  ay kasama naman ni Fanny Serrano, para sa post-New Year Celebration, ang mga opisyales ng PICA (Philippine International Cosmetologists Association), ang asosasyon ng mga hairdressers at salon owners na  kanyang pinangunguluhan.

Pinag-usapan nila sa bagong salon ni TF (sa Sct. Madriñan, Quezon City) ang magiging kaganapan kaugnay ng Grand PICA event sa February 22 and 23, 2011.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name