Kylie Padilla describes working with director Gina Alajar: "I thought nga na strict si Direk Gina pero hindi naman pala. She's very nice and very helpful."

Kylie is all praises for co-star Derrick Monasterio. "At first, he was so shy. Pareho kami. Maybe because we haven't met each other yet. Pero after the workshop, naging okey na kami. Nagkukuwentuhan na kami... Then noong mag-taping na ako for Tween Hearts, he was the one introduced me to the cast," she says.

 

 

 

Photo: Noel Orsal

Nag-first taping day na nga noong nakaraang Saturday (January 22) para sa Reel Love Presents Tween Hearts si Kylie Padilla.

Si Kylie nga ang magiging bagong partner ni Derrick Monasterio sa naturang tween series bilang kapalit ni Louise delos Reyes na nagbibida na ngayon sa afternoon drama series ng GMA-7 na Alakdana.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kylie sa set ng Tween Hearts sa Albergus Restaurant sa Capitol Hills, Quezon City, masaya at sobrang excited siya sa unang taping day niya for the show. Alam daw kasi niya na big hit ang naturang series at masuwerte siya at nakasama sa cast nito.

"I'm very excited and so happy to be working here sa Tween Hearts. I got nervous at first kasi si Derrick lang ang kilala ko talaga.

"Nakapag-acting workshop na kasi kami for Dwarfina. Hindi pa nga kami nakakapag-taping together sa Dwarfina, mas nauna pa kaming magkaroon ng scene dito sa Tween Hearts," ngiti pa ni Kylie.

Hoping ang batang aktres na makasundo niya lahat ng mga tween stars sa  show.

"I am hoping for that kasi ang warm ng welcome nila sa akin. Matagal na raw nila akong hinihintay na mag-taping na kasama sila. I am happy na welcome na kaagad ako sa kanila. I hope to be good friends with all of them."

Hindi naman daw nahirapan si Kylie sa unang sabak niya sa eksena dahil very supportive daw ang kanilang director na si Ms. Gina Alajar. Tinuturo nga raw sa kanya ni Direk Gina ang mga dapat gawin niya sa mga eksena at mabilis naman daw niyang nasusunod.

"I thought nga na strict si Direk Gina pero hindi naman pala. She's very nice and very helpful," kwento niya.

"Para siyang teacher namin sa set. Parang may workshop kami parati. Kaya I feel okey sa set kasi alam ko na I will be working with one of the best people in the industry."

Tungkol naman sa ka-loveteam niya sa Tween Hearts at Dwarfina na si Derrick, very vocal nga ito na sinasabing ang ganda-ganda niya. Natutuwa nga si Kylie dahil hindi na nga raw mahiyain sa kanya si Derrick.

"Makulit na siya," tawa pa ni Kylie.

"At first, he was so shy. Pareho kami. Maybe because we haven't met each other yet. Pero after the workshop, naging okey na kami. Nagkukuwentuhan na kami.

"Then noong mag-taping na ako for Tween Hearts, he was the one introduced me to the cast. Siya pa lang kasi ang kilala ko kaya kaming dalawa ang nag-uusap parati.

"I later found out na madaldal pala siya. He has many stories kaya naging madaldal na rin ako. Now okey na kami ni Derrick. We're both makulit na with one another."