Kahapon, January 23, ipinalabas sa The Buzz ang kontrobersiyal na issue na patuloy na tinatalakay sa showbiz ngayon. Ito ay hinggil sa naging sigalot sa pagitan nina Cherry Pie Picache at Baron Geisler.
Nabanggit na ang lahat tungkol sa nangyari sa set ng Noah ng ABS-CBN at ang kasunod na reklamo ng aktres sa pamamagitan ng kanyang manager na si Ed Instrella, na sinuportahan ng Professional Artists Management, Inc. (PAMI).
Mabilis na inaksiyunan ng samahan ng mga tagapamahala ng mga artistang lokal ang naging kaso ng pambabastos umano ni Baron, bunga ng magkakasunod ding reklamo ng mga kababaihang artista o anak ng artista: simula kina Patrizha Martinez, anak nina William Martinez at Yayo Aguila, noong 2008; hanggang sa naging kaso last year, mula sa sumbong nina Yasmien Kurdi (na naihain sa korte sa Bulacan) at Julia Clarete; at ang pinakahuli, nitong January 17, ni Cherry Pie Picache.
Bugbog sa negatibong publisidad si Baron sanhi ng kasong acts of lasciviousness and unjust vexation na isinampa nina Patrizha at Yasmien, at reklamong nabanggit nina Julia at Cherry Pie, na hindi kinukunsinti ng PAMI.
THE BUZZ INTERVIEW. Mahaba ang naging interview-feature ng The Buzz na pinamahalaan ni Boy Abunda, at inilathala ngayong hapon, January 24, ng PEP (Philippine Entertainment Portal). (CLICK HERE to read related story.)
Samantala, ang interview-feature na isinagawa sa katapat na talk show sa TV5, ang Paparazzi, ay may pag-a-analyze sa naging sitwasyon ni Baron mula sa point of view ng isang psychologist.
Sa Paparazzi ay tinumbok ang lumilitaw umanong "personality disorder" ni Baron, na naging alcoholic sanhi raw ng maraming disappointments sa personal buhay at propesyon.
Masuwerte ang The Buzz ng Channel 2 dahil personal o live na nag-guest sa show ang kontrobersiyal na aktor. Na hindi naman nakakagulat dahil lumalabas si Baron sa Kapamilya network.
Muli, isinatinig ni Baron ang kanyang paghingi ng public apology sa pinakahuling insidente ng "pag-violate" niya sa isang babaeng tulad ni Cherry Pie.
Pero, sa statements ni Baron ay naroon din ang mga pangangatuwiran, na napanood at napakinggan ng mga nanood na sympathizers ni Cherry Pie. Unang nag-react uli rito ang manager ng aktres na si Ed Instrella.
PEP asked Ed, through text messages, kung sa palagay niya'y may bago pang nasabi si Baron sa The Buzz kumpara sa pagpapa-interview nito sa Headstart ng ANC at sa naunang press conference.
"Medyo mas matindi [ang sa The Buzz]," sabi ni Ed. "Parang dangerous [si Baron] at medyo nabastusan na naman ako. Although, malinaw na lumitaw ang problema niya.
"To most callers, parang si Baron ang aggrieved party. At parang pat on the back pa inspite of what he's done."
PEEVED. Hindi itinago ni Ed ang pansariling damdamin hinggil mismo sa host ng The Buzz at sa kabuuang pang-Linggong programa ng Dos dahil sa naging takbo ng interview-feature.
"Parang, if Boy would like to console with Baron... huwag sa show," ani Ed. "Kasi the public will get the notion na okey naman pala si Baron and let all his misdeeds be forgotten. And then, push Pie for an interview?"




CALLED OUT
ALL COMMENTS
103 beautiful_stranger
102 stygian
101 cham1978
100 litalitz
99 agukoy
98 babebibobu
97 fanatix
96 pinaySG_18
95 adnagam03
94 spicy_tuyo
93 wanna_change
92 ako_ito_eh_bakit_ba
91 adnagam03
90 adnagam03
89 delightful15
88 gossip_girl09
87 K4rm4
86 K4rm4
85 nagpapakatotoolang
84 adnagam03
more comments