news

Was Daniel Matsunaga caught on CCTV camera kissing a woman?

by Mark Angelo Ching posted on January 24, 2011  STATS: 115265 Views | 48 Comments

Kamukha ni Daniel Matsunaga ang lalaking tila nakipaghalikan sa isang babae sa isang video na nakunan ng CCTV camera.

Photo By: Screengrab from Youtube

May kumakalat ngayong video kung saan tila nakikipaghalikan ang isang lalaki sa isang hindi kilalang babae sa loob ng elevator. (CLICK HERE to watch the video.)

Base sa hitsura ng lalaki, hawig ito sa Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga.

Naka-post na ang video sa YouTube simula pa kahapon, January 23. Ayon sa statistics ng video-sharing site, umabot na sa mahigit 1,000 ang nakapanood ng naturang video.

Kuha ng isang CCTV camera ang video na tumagal ng 38 seconds. Naka-imprint sa video ang oras at petsa na 3:17 p.m. ng January 8, 2011.

Sa video, makikitang magbubukas ang elevator, at papasok ang isang magandang babae. Susunod naman papasok ang isang lalaking kamukha ni Daniel.

Matapos magsara ang pinto ng elevator, may pupulutin ang lalaki sa sahig sa harap ng babae. Pagtayo niya, aakma siyang hahalikan ang babae, na hindi siya pipigilan.

Sa unang tingin ay parang hinahalikan ng lalaki ang babae, pero posibleng ikinakabit niya lang ang hikaw na nalaglag sa tainga ng babae.

Matapos ang pitong segundo, bubukas ang pinto ng elevator. Unang lumabas ang babae, at susunod ang lalaki.

Bago umalis ang lalaki ay titingnan niya ang CCTV camera, kung saan makikita ang mukha ng lalaki na kahawig na kahawig nga ni Daniel.

Hindi nakasaad sa video kung saan kinunan ang naturang video.

REAL OR TVC? Hindi rin malinaw sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung totoo ang video, o staged ito.

Ayon kasi sa mga nakapanood na ng video sa YouTube, maaaring eksena lamang ang video sa isang upcoming TV commercial ni Daniel, na nagbida na sa maraming TV ads tulad ng Close-Up at Coffee Mate.

Ayon sa YouTube user na si cleng77, "He looked at the camera...maybe it's a setup, maybe this is for something talaga....unless he was stupid enough to do this knowing people could see." 

Ayon naman kay candiceman01, "The kiss is not real! Daniel Matsunaga's video is for an endorsement. Don't worry nothings wrong...."

Ngunit marami ring nagsasabing totoo ang video.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

48 Comments

  • 28  MARKY2000

    01/25/2011 | 06:19 AM
    AXE commercial ni Daniel mATZUNAGA.Publicity gimmick para kapag lumabas na yung commercial sa TV eh sasabihin nating mga viewers eh....AY!Ito PALA YUN!!!...Crop!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  saturnyne

    01/25/2011 | 04:39 AM
    Publicity stint.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  randylove

    01/25/2011 | 02:08 AM
    Oo nga...pati ba naman youtube hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  diane84

    01/25/2011 | 02:03 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  1014

    01/25/2011 | 01:00 AM
    IMO, gimmick lang for his up coming commercial yan, wala pa masabi ang handler niya dahil yung commercial mismo hindi pa lumalabas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  kokuryu

    01/25/2011 | 12:57 AM
    1 word... gimik!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  ilokanang_harot

    01/25/2011 | 12:34 AM
    parang din yung kay gretchen noon, diba may kumalit din na video at pics nung kasagsagan ng hiwalayang tonyboy daw, may lumabas na mga pic na nagkakape sila nung guy at mega tawa at ngiti si gretchen dun yun pala para sa isang commercial yun sa buhok ata yun eh...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  shadow009

    01/25/2011 | 12:30 AM
    daniel ang swerte mo talaga kay heart!! dati mas gusto ko talaga sya kay john prats during der movie MY FIRST ROMANCE before, der so bagay, pero nagustuhan na din kita, sana nga wak mo lolokohin si heart!! please be careful her heart!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  cutiepnay

    01/25/2011 | 12:11 AM
    Commercial yan, if you read Heart's twitter. Masyadong bihis rin yung babae. Ang bait kaya ni Daniel!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  dazzlingiva

    01/25/2011 | 12:05 AM
    ahahhah!!! it's OBVIOUS!! TVC ni daniel... another technique para mapansin yung TCV nila... TEASER po yan ng isang commercial.. watch it soon...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  periwinkleblue

    01/24/2011 | 11:53 PM
    I'm sure that's a teaser for Daniel's commercial.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  beybong

    01/24/2011 | 11:43 PM
    Nahawa kay Heart na puro pag-gimik ang alam!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  dreamer

    01/24/2011 | 11:43 PM
    it's a tvc!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  mysty

    01/24/2011 | 11:26 PM
    Oh boy, do you people realize he is not kissing her....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  ehemm

    01/24/2011 | 11:24 PM
    sauce, naniwala naman kayo lols... para din yang yung kumalat na photos din kuno ni gretchen barretto holding hands with and kissing another man tapos part of a commercial pala... this is called tweaking the interest of the public. if the advertiser is successful with that, then he has achieved his goal lolz
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  Christiana219

    01/24/2011 | 11:12 PM
    and also why would he look at the camera straight face on. if he is cheating as what people are speculating then i dont think he would kiss her and look at the camera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  palengkera

    01/24/2011 | 11:06 PM
    The plot thickens... hmmmm...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  Christiana219

    01/24/2011 | 11:05 PM
    baka part of a commercial ito. AXE Deo Cologne or something else. sa tingin ko lang. ano yun bigla na lang pagpasok ni Daniel eh maghalikan sila ng girl. may pinulot pa nga muna si Daniel tapos inabot sa girl. smells like big time gimmick to me.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  showbizlurker

    01/24/2011 | 11:05 PM
    Gimik to!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ggb

    01/24/2011 | 11:01 PM
    choreographed and poorly acted marketing viral gimik
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About