news

Was Daniel Matsunaga caught on CCTV camera kissing a woman?

by Mark Angelo Ching posted on January 24, 2011  STATS: 115324 Views | 48 Comments

Kamukha ni Daniel Matsunaga ang lalaking tila nakipaghalikan sa isang babae sa isang video na nakunan ng CCTV camera.

Photo By: Screengrab from Youtube

May kumakalat ngayong video kung saan tila nakikipaghalikan ang isang lalaki sa isang hindi kilalang babae sa loob ng elevator. (CLICK HERE to watch the video.)

Base sa hitsura ng lalaki, hawig ito sa Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga.

Naka-post na ang video sa YouTube simula pa kahapon, January 23. Ayon sa statistics ng video-sharing site, umabot na sa mahigit 1,000 ang nakapanood ng naturang video.

Kuha ng isang CCTV camera ang video na tumagal ng 38 seconds. Naka-imprint sa video ang oras at petsa na 3:17 p.m. ng January 8, 2011.

Sa video, makikitang magbubukas ang elevator, at papasok ang isang magandang babae. Susunod naman papasok ang isang lalaking kamukha ni Daniel.

Matapos magsara ang pinto ng elevator, may pupulutin ang lalaki sa sahig sa harap ng babae. Pagtayo niya, aakma siyang hahalikan ang babae, na hindi siya pipigilan.

Sa unang tingin ay parang hinahalikan ng lalaki ang babae, pero posibleng ikinakabit niya lang ang hikaw na nalaglag sa tainga ng babae.

Matapos ang pitong segundo, bubukas ang pinto ng elevator. Unang lumabas ang babae, at susunod ang lalaki.

Bago umalis ang lalaki ay titingnan niya ang CCTV camera, kung saan makikita ang mukha ng lalaki na kahawig na kahawig nga ni Daniel.

Hindi nakasaad sa video kung saan kinunan ang naturang video.

REAL OR TVC? Hindi rin malinaw sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung totoo ang video, o staged ito.

Ayon kasi sa mga nakapanood na ng video sa YouTube, maaaring eksena lamang ang video sa isang upcoming TV commercial ni Daniel, na nagbida na sa maraming TV ads tulad ng Close-Up at Coffee Mate.

Ayon sa YouTube user na si cleng77, "He looked at the camera...maybe it's a setup, maybe this is for something talaga....unless he was stupid enough to do this knowing people could see." 

Ayon naman kay candiceman01, "The kiss is not real! Daniel Matsunaga's video is for an endorsement. Don't worry nothings wrong...."

Ngunit marami ring nagsasabing totoo ang video.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

48 Comments

  • hooney

    01/24/2011 | 10:51 PM
    ang dali2 naman itanggi eh, bakit pagmimeetingan pa? para ano?para mapaghandaan ang mga dahilan?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • imba2011

    01/24/2011 | 09:51 PM
    uu nga,ganito din yung kay pokwang eh..wait nalang ang buong details..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • dragonfly55

    01/24/2011 | 09:42 PM
    c daniel yn im sure..kawawang heart! karma? agad...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • saranghaeyo143

    01/24/2011 | 09:39 PM
    tingin ko commercial yan kc tumingin pa sya sa taas at huwag munang husgahan si Daniel antayin ang iba pang detalye..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • purelife

    01/24/2011 | 09:39 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • mariankimfan1

    01/24/2011 | 09:32 PM
    Parang si glaiza yung girl
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kapamilyangigorot81

    01/24/2011 | 09:30 PM
    NAMAN!!! parang kay Pokwang din yan..... wag masyado manghusga!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • geethreeg3

    01/24/2011 | 09:27 PM
    Gimik?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About