news

Ruffa Gutierrez confirms getting a call from Shaina Magdayao about John Lloyd Cruz

by Glen P. Sibonga posted on January 26, 2011  STATS: 892 Views | 250 Comments

 

Ruffa Gutierrez (right) has confirmed a report that Shaina Magdayao (left) called her at two in the morning to ask about her and John Lloyd Cruz (middle).

Photo By: Noel Orsal

Mukhang umiinit na naman ang love-triangle issue sa pagitan nina Ruffa Gutierrez, Shaina Magdayao, at John Lloyd Cruz.

Si Shaina ang present girlfriend ni John Lloyd, na ex-boyfriend naman ni Ruffa.

Ito ay matapos ipalabas sa showbiz talk show ng Q11 na Tweetbiz kagabi, January 25, ang kumpirmasyon ni Ruffa through text sa host na si Tim Yap.

Ayon kay Ruffa, totoong tumawag si Shaina sa kanya ng alas-dos ng madaling-araw kamakailan, at si John Lloyd nga raw ang dahilan ng pagtawag ng young actress.

Out of curiosity kasi ay tinext ni Tim si Ruffa para kumpirmahin ang naturang isyu.

Ito ang naging text ni Tim kay Ruffa: "Hey Ruffa just want to verify the tabloid item that shaina magdayao called you to ask about john lloyd? Is it true?"

Ang sagot na text naman ni Ruffa: "Realllyyy?? Who said?? Yes she called but I was half asleep next to my girls (hellow it was 2am!) so I couldn't talk. Simply told her that if she had a problem... to go ask JL not me. That's all I'm gonna say Timmie. Pasensiya na. Kaloka!"

Muntik na nga raw magkaroon ng sagutan sa phone ang dalawa, ayon kay Ruffa. Pero inalala lang daw ni Ruffa ang kanyang mga anak na katabi niya noon.

Bukod dito ay madaling-araw na, kaya sinabihan na lang daw niya si Shaina na si John Lloyd na lang ang kausapin nito.

Siguradong mauungkat na naman ang nakaraan at masisimulan ang bagong isyu sa tatlong celebrities matapos ang text na ito ni Ruffa.

Matatandaang nauna nang naisyu si John Lloyd noon na tumatawag pa rin kay Ruffa kahit girlfriend na niya si Shaina.

Idinenay ito ni John Lloyd, pero kinumpirma naman ito ng kaibigan ni Ruffa na si Dra. Vicki Belo dahil nasaksihan daw ito mismo ng huli nang minsang magkasama sila ni Ruffa sa Europa para magbakasyon. Kaya sa huli ay inamin din ito ng aktor. (CLICK HERE to read related story.)

Sinabi ni John Lloyd noon na lalayuan na niya si Ruffa para matigil na ang isyu sa kanila.(CLICK HERE to read related story.)

Pero dahil nga sa pagtawag ni Shaina kay Ruffa, lumalabas na may koneksiyon na naman si John Lloyd sa dating karelasyon.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

250 Comments

  • 250  misswa

    02/07/2011 | 07:38 AM
    Wow. I'm sure Shaina must be feeling awful. Na karma yata sya. If she didn't cheat on John Pratts, maybe her lovelife wouldn't be this messy. Mas guapo pa naman si John Pratts kesa kay JLC, at super bait and faithful pa. Yup, what goes around comes around! If I were here, dump mo na lang si JLC, hindi naman pala honest yang taong yan, she's young and pretty, she can afford to be choosy.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 249  lanalang08

    02/07/2011 | 06:23 AM
    si shaina kasi nag jumped agad para maging gf ni jlc. hindi na niya inalala ang mga mangyayari once na naging gf siya nito. so far my assumption sa kanilang dalawa ay short lived lang ang mangyayari sa relationship nila dahil hindi ang isang kagaya lang ni shaina ang pipiliin ni jlc na maging asawa at makasama sa habang buhay. I am not underestimating her as a person dahil jlc had been with gfs na pulos intellectual and educated. shaina did not falls for the category. kaya para sa isang katulad niya na tawagan ang ex nang kanyang bf ay isang malaking kamalian. unless you are insecured sa relasyon ninyo. sana inisip muna niyang mabuti ang magiging estado niya sa relasyon nila ni jlc bago niya sinagot ito. and then ang age gap nilang dalawa. 7 years age gap.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 248  ultimatetmd

    01/31/2011 | 05:45 AM
    IN YOUR DREAM RUFFA!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 247  hooney

    01/30/2011 | 01:02 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 246  mymymy

    01/30/2011 | 12:47 AM
    Nag comment na ba si Shaina and John Llyod? Havent watch ELive today. na news ba?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 245  2psinapod

    01/29/2011 | 10:49 PM
    OK lang Ruffa. Libre and mangarap.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 244  lolame

    01/29/2011 | 11:42 AM
    Showbiz na showbiz ang dating ng trio na yan! ruffa u need a taller and more decent man!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 243  catalina

    01/29/2011 | 05:24 AM
    lalo tuloy nakikita yung pattern ng ugali nitong si ruffa e. gusto niya na inaassociate ang sarili niya sa mga ex niya na sinaktan siya...e itong si jlc dineny siya, panay friends lang ang inaamin noong sila pa, tapos sabi niya noong sila ni ylmaz binugbog daw siya, kinulong daw sa ''cabinet'', verbally abused daw siya, diba tinawag pa ni ylmaz na ''garbage'' ang mga gutcheres ungn nalaman niya yung tungkol ke daloia? pero tingnan mo naman, after mahiwalay ni jlc at ylmaz ke ruffa, mukhang maayos rin ang mga lovelife nila, pero si ruffa hanggang ngayon walang stable relationship…panay press release with suggestions na may feelings pa raw mga ex niya for her. huh? ang cheap diba? considering na mag fo-40 na to di pa rin maka move-on move-on.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 242  imate

    01/29/2011 | 02:23 AM
    I am not maka-Shaina, I actually don't like her coz she's TH...pero I think she doesn't deserve that John LLoyd Cruz coz he's a douchebag...If he respects her then he would stop talking to ex.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 241  00chloe004

    01/29/2011 | 12:24 AM
    I'm definitely not a fan of Ruffa but in this issue she has a point. Di ba ipinagmamalaki ng mga kapams before na si JLC daw eh totoong lalake kasi inamin niya na sila na ni Shaina? ASOWS naman. Inamin nga na sila sa harap ng camera pero pag talikod tawag pa rin ng tawag kay Ruffa. Yan ba ang may backbone? Nagtatago sa likod ni Mr. M? Poor Shaina. Move on ka na lang girl. Hanap ka ng lalakeng totoong may backbone
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 240  petiteclau20

    01/29/2011 | 12:14 AM
    kayong maka shaina itigil nyo na ang di pagsangayon sa pagtawag nya dahl totoo yun na napatunayan ng mga star magic di ako maka ruffa pero di rin ako makashaina m just wondering bat pinagkakaguluhan nila itong si john lloyd eh di naman kagwapuhan o baka kasi kung makaregalo eh parang robin ang style hahahah sige magaway kayo will just see the result kung sinong mananalo pero kung ako si jlc kay shaina na lang kasi dalaga si ruffa may sabit her 2kids
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 239  ubec_ct_mom

    01/28/2011 | 11:44 PM
    kung my tumatawag ba naman sa 'yo at 2 a.m., karibal mo pa, would you be jumping with joy ? if the call was not true at all, shaina should deny it. if it is true, bitter lesson na for shaina. ayan, nakarma ka na tuloy. mahirap magmahal sa isang JLC.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 238  Anaheim_girl

    01/28/2011 | 10:57 PM
    tsk... tsk... tsk... poor Ruffa kung ano ano ang pinagsasabi eh! looks like JLC and Shaina are not affected at all... They were at a party and sweet pa nga... tsk... tsk... Nagngingit na naman siguro si Ruffa so what's your next move??? Hindi umubra eh!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 237  teenette16

    01/28/2011 | 09:20 PM
    busy kaya si lloydie sa imortal...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 236  taoyuan

    01/28/2011 | 02:48 PM
    gimik gimik ni roping....gimikirang froggy
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 235  inquisitive

    01/28/2011 | 12:55 PM
    Gimikera talaga to si ropa pwede ba mag move on ka na palibhasa nawawala na sya sa eksena mulatto ng lumipat sa tv5 kaya kelangan gumimik!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 234  ubec_ct_mom

    01/28/2011 | 12:49 PM
    amidst all these love triangle issues...c john pratss lang ang naka move on...blessing in disguise for you John P. am sure he is grinning and chuckling. as for JLC,,,sobrang matinik sa babae,,,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 233  BeautyatSosi

    01/28/2011 | 12:33 PM
    PAPANSIN!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 232  daytoytimakunak

    01/28/2011 | 12:19 PM
    ay nako baka naman dreams lang yon ni ruffing dahil half sleep sya...ay nako talaga itong mga Gutz gusto nila lagi sila sa limelight nakakasawa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 231  brimley

    01/28/2011 | 11:20 AM
    ano ba yan mga gutierrez will you please stop, you're making up stories just so people will talk about you, ganyan na ba kayo ka desperado.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About