Tuloy-tuloy na ang pagpasok ng mga oportunidad ngayong bagong taon para sa Miss Universe 2010 4th runner-up na si Venus Raj.
Bukod sa pagrampa, pinasok na rin ni Venus ang concert scene. Isa kasi siya sa special guests ni Christian Bautista sa upcoming Valentine concert ng singer titled My Beautiful Girls.
Gaganapin ang concert sa mismong Araw ng mga Puso, February 14, sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.
Makakasama rin sa concert ang reigning Bb. Pilipinas-International na si Krista Kleiner at ang Miss Resorts World 2010 na si Wendy Tabusalla.
Sa concert ay dalawang kanta ang aawitin ni Venus—isang solo at isang ka-duet si Christian.
"Yung dalawang song na kakantahin ko, mag-iisang buwan ko na pong pinag-aaralan! Hindi naman po talaga ako sanay kumanta, pero lahat naman po puwedeng pag-aralan.
"Gusto ko din pong ipakita sa tao na, 'Yes, rumarampa ako, pero may konti-konting talent din naman ako. Puwede naman po siguro pag-aralan para po mapasaya yung mga tao," saad ni Venus sa presscon ng My Beautiful Girls kaninang tanghali, January 26, sa Café Republiq, Resorts World.
ABS-CBN CONTRACT. Pagkatapos ng presscon proper, nakausap ng PEP si Venus. Kinumusta namin ang tungkol sa pagpirma niya ng kontrata sa ABS-CBN. (CLICK HERE to read related story.)
"Yung Binibining Pilipinas kasi yung nakikipag-negotiate sa kanila, so minsan ini-inform na lang nila ako na ganito-ganito yung napag-usapan," paliwanag ni Venus.
Pagpapatuloy niya, "Pero since, yun nga, Binibining Pilipinas signed the contract with ABS-CBN for five years, I think it would be better naman na yung nagma-manage sa akin na Binibining Pilipinas, makakasama ko pa rin sa...
"Siyempre, Binibining Pilipinas, ine-air nila [ABS-CBN], alangan naman nasa ibang channel ako? It would be mas madali sa part ng ABS at sa Binibining Pilipinas."
Pero nilinaw ni Venus na kasama rin siya sa decision-making process.
Anu-ano ba ang considerations niya sa pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN?
"Well, kasi... Oo, may money na involved. Siguro isa yung sa mga kelangan i-consider, pero hindi naman lahat-lahat talaga pera, di ba?" sabi ni Venus.
Isa sa mga ibinigay na dahilan ni Venus ay ang renewed relationship ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) at ng Kapamilya network.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
57 melody2
56 lop74
55 mavidako
54 rakuae
53 chikorita_pikachu
52 wildtaurus692000
51 vivian_zapanta
50 hot_brat
49 gheezz123
48 goodlooks
47 agi07
46 sanmao
45 sanmao
44 sselb
43 sselb
42 sselb
41 amronayab_57
40 rainesalcantara
39 marafyah2
38 dulcinea
more comments