news

Vandolph Quizon signs first managerial contract with Viva Artist Agency

by Nerisa Almo posted on January 26, 2011  STATS: 14934 Views | 8 Comments

 

"Dolphy is Dolphy. Hindi natin puwedeng sabayan 'yon. I can do it but in my own way. Tingnan na lang natin kung papayag 'yong madlang people doon," says Vandolph Quizon about following the footsteps of his father, King of Comedy Dolphy.

Photo By: Noel Orsal

Simula nang pumasok si Vandolph Quizon sa mundo ng showbiz, ang ama na niyang si Dolphy, ang Hari ng Komedya, ang naging tagapamahala ng kanyang career.

Ngayong taon, napagdesisyunan ng dating child star na tanggapin ang offer ng bossing ng Viva Entertainment na si Vic del Rosario na maging parte ng kanilang hanay ng mga artista.

Kaninang hapon, Enero 26, pumirma ng five-year contract si Vandolph, pati na ang asawa niyang si Jenny Fernandez, sa opisina ng Viva Entertainment sa Tektite Bldg, Pasig City.

"Sabi ni Boss Vic, 'It's about time na raw to medyo ibahin ko or ilihis ko 'yong tinatahak ko," sabi ni Vandolph.

Ayon pa sa anak ng Comedy King, mismong ang ama na rin niya ang nagmungkahi na pumirma ng kontrata sa Viva. "Sabi ni Erpat, 'This is the time to grow na. Gawin mo na 'yong mga alam mong puwedeng okay sa'yo.'"

Bukod sa pagiging manager niya noon, madalas ding kasama ni Vandolph ang kanya ama sa telebisyon at pelikula.

Sa TV, nariyan ang long-running TV series na Home Along Da Riles (1992), Quizon Avenue (2005), John en Shirley (2006), at Pidol's Wonderland (2010).

Sa pelikula naman, nagsama sina Vandolph at Dolphy sa Home Along Da Riles, Father and Son (1995), Tataynic (1997) Nobody, Nobody But Juan (2009), at Father Jejemon (2010).

Dahil beterano na ang kanyang ama sa industriya, madalas ay napapangaralan at pinapaalalahanan si Vandolph kung paano mapapatagal ang pananatili niya sa showbiz.

Kuwento ni Vandolph, "Lagi 'yan. Minsan may ibang usapan, 'tapos biglang maiiba. Minsan sasabihin, 'Ito tatandaan mo...' Siyempre, tumatanda na raw ako, kailangan be more responsible lalo na at may pamilya na ako.

"Tama na raw ang papetiks-petiks ko. Magtino na raw ako. E, nagtino naman na ako simula noong nagkapamilya ako. Sa awa ng Diyos, strong tayo ngayon."

Sa kanyang pagpirma ng kontrata, isang pelikula ang nakahandang gawin ni Vandolph kasama ang komedyanteng si Vice Ganda.

Ayon kay Vandolph, tulad ng kanyang ama, sa comedy rin siya malilinya. Pero ano naman ang masasabi niya na siya na rin daw ang susunod sa yapak ng kanyang ama?

"I'll do my best," sagot niya.

"I'll do what I can na alam ko na na-witness ko sa kanya noong lumalaki ako sa tabi niya. I'll try my best to execute the same punch line or anything.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • amanda2010

    01/27/2011 | 11:14 AM
    iba na talaga ang maging tatay. seryoso na sa buhay. good luck vandolph.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    01/27/2011 | 09:24 AM
    magaling ka sa comedy pero why don't you try in DRAMA malay mo mas magaling ka rin palang magkontrabida.nakakasawa kasi minsan pagpalagi nalang comedy at ganoong acting pa rin ang nakikita.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kadabarkads

    01/27/2011 | 03:54 AM
    at ano nman ang gagawin nya ngayong hindi na siya cute? wala.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • flow246

    01/27/2011 | 12:13 AM
    Fav ko si Mang Dolphy in comedy and in fairness, Vandolf is good in this craft. Goodluck!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hooney

    01/27/2011 | 12:02 AM
    lol da who?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • flow246

    01/27/2011 | 12:01 AM
    Anong gagawin ni Jenny?, magsayaw? or magyaya? As far as I can remember, dancer ito sa noontime show. Atsus!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gossipmonger

    01/26/2011 | 08:56 PM
    apparently, kahit sabihin na nating small time celeb itong si vandolph, may show pa rin siya. e yung ibang bigtime noon? frozen delight na ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    01/26/2011 | 08:34 PM
    Big Da Who?? .. artista ba to before si jenny ang asawa nya??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About