news

Newcomer Hiro Magalona to join youth-oriented show Tween Hearts

by John Fontanilla posted on January 28, 2011  STATS: 12314 Views | 19 Comments

 

"Every Sunday kasi pinapanood ko yung Tween Hearts at nag-e-enjoy akong panoorin ito. Kaya naman sabi ko sa sarili ko, kung magkakaroon ako ng regular show, gusto ko Tween Hearts," says Hiro Magalona.

Photo By: File photo

Natupad na ang pangarap ng baguhang si Hiro Magalona na makasama sa cast ng top-rating youth-oriented show ng GMA-7 na Tween Hearts.

Ayon sa teen star, ito ang isa sa mga hiniling niya kay GMA Films president Annette Gozon-Abrogar nang pumirma siya ng three-year contract sa Kapuso network

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Hiro sa taping ng QTV 11 show na Full Time Moms noong January 25, masayang-masaya siya at excited nang mag-taping, lalo na't ito ang  first acting job niya.

"Every Sunday kasi pinapanood ko yung Tween Hearts at nag-e-enjoy akong panoorin ito. Kaya naman sabi ko sa sarili ko, kung magkakaroon ako ng regular show, gusto ko Tween Hearts.

"Kaya nga dream come true para sa akin nang sabihin sa akin na papasok na daw yung character ko sa show.

"Ilang buwan din kasi akong naghintay, siguro mga isang buwan at kalahati, bago nila sinabi sa akin na mag-i-start na ako sa Tween Hearts."

MAGALONA COUSINS. Ayon pa kay Hiro, "Kamuntik-muntik na nga akong gumawa ng show sa ibang network kasi may kumukuha sa akin. Pero nung ipinagpapaalam na ako na hihiramin muna pansamantala habang wala pa akong gagawing project sa GMA , sinabi nila na makakasama na daw ako sa Tween Hearts.

"Kung ako naman kasi ang masusunod, mas gusto ko talaga sa GMA-7... Gusto ko rin kasing makatrabaho yung mga pinsan ko—sila Elmo, Maxene, Saab at Arkin."

Si Hiro ay pamangkin ng yumaong rapper na si Francis Magalona, ang  ama nina Maxene, Saab, Elmo, at Arkin. Exclusive talents din ng Kapuso network ang Magalona siblings.

Dagdag ng binatang aktor, "Siguro pag nagkatrabaho kami [ng mga pinsan ko], mas makikilala nila ako at ganoon din ako.

"Kasi hindi kami nagkaroon ng pagkakataong magkakilala. Yung daddy lang kasi nila, si Tito Francis at si Lolo [the late Pancho Magalona] ang nakikita namin pag may okasyon sa pamilya.

"Pero alam ko na darating din yung time na makakatrabaho ko sila at siguro yun yung magiging isa sa pinakamasayang araw ko sa showbiz."

Kuwento pa ni Hiro, "Nakusap ko na si Ate Maxene nung nag-guest ako kasama ng mga candidates ng Mr. Olive-C sa Tweetbiz. Ipinakilala siya sa akin doon. Sobrang bait niya at kinilala niya ako bilang kamag-anak.

"Iba yung feeling ko nung mga sandaling iyon, sobrang saya talaga kasi nakausap ko siya at nagpalitrato pa kami. Sana lang mabigyan ako ng show na kasama ko kahit sino sa kanila.

WHY TWEEN HEARTS? Ano bang meron ang Tween Hearts at dito gusto makasama ni Hiro sa dinami-dami ng shows ng GMA-7?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

19 Comments

  • 19  kaheart2010

    01/29/2011 | 04:07 PM
    uy mukhang may pramis ito ah!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  jhe_tinkerbell

    01/29/2011 | 01:34 PM
    congrats HIRO..!!!bagay nga kau ni Krystal..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  Johann29

    01/29/2011 | 01:32 PM
    another starlet in the making... feeling ko after sometime bigla na rin lang tong mawawala s limelight.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  catalina

    01/29/2011 | 09:10 AM
    hehe, crush ng bunso namin ito, ang guwapo naman kasi...gma wag na ninyong pakawalan to sa bakuran ninyo. leading man material talaga ang dating. good luck!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  napazu7

    01/28/2011 | 10:16 PM
    TALBOG NA NAMAN ANG SHOUTOUT DITO LOL.... ELMO SHOULD BE IN TWEENHERATS DIN KC DAPAT SILA NI LOUISE DELOS REYES DAPAT PARTNER DUN...SAKA MAGKAKAROON NA NG LAUNCHING FILM MGA TAGA-TWEENHEARTS, GUDLUCK!..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  jajabolivar

    01/28/2011 | 06:23 PM
    He is super cute...pagleading man appeal niya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  tiu_tiuseco

    01/28/2011 | 05:55 PM
    ok GMA... next na ang JULIELMO!!! GOOOOOOOOOO!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  tiu_tiuseco

    01/28/2011 | 05:53 PM
    i knew it!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  edelinkuwait

    01/28/2011 | 05:52 PM
    congratz Hiro...hope to see more shows of you!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  dreicute

    01/28/2011 | 05:51 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angel25

    01/28/2011 | 05:41 PM
    ang gwapo naman nito. malakas ang appeal. sana galingan nya now he's given a break para magtagal sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexangel

    01/28/2011 | 05:14 PM
    yes, he's more good looking than elmo but it's unfair to elmo to be called no-talent because on the contrary, elmo is brimming with talents!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexangel

    01/28/2011 | 05:12 PM
    he will be a good addition to the show. good luck!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dreicute

    01/28/2011 | 03:28 PM
    mas pogi ka kesa kay elmo. si elmo mukang tungaw lang at walang talent.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • delightful15

    01/28/2011 | 02:49 PM
    u look much better than elmo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dreicute

    01/28/2011 | 02:48 PM
    hala lahat na ng angkan ng magalona mag si artista nalang kayo. sino pang next?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • JeMaCel

    01/28/2011 | 02:12 PM
    hes cute...infearness...hes familiar!!!xah bah ung nsa walang tulugan???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapupuyucks

    01/28/2011 | 02:03 PM
    kung hindi ka pa na offeran sa ibang channel hindi ka pa bibigyan ng show ng gma.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • poshpixie

    01/28/2011 | 01:54 PM
    Uy congrats!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About