Sexy comedienne RR Enriquez plays a tomboy in TV series, Mana Po

Rommel Placente
Saturday, January 29, 2011 @ 01:12PM  |  12959 views

RR Enriquez describes her role in comedy series Mana Po: "Hindi ako rito magpapa-sexy. Tomboyin ang role ko, boyish look ako rito. Lagi akong naka-cargo pants na loose. Tapos siga-siga ako kung lumakad. Jologs ako rito. Bagay sa akin yung role. Kasi sa totoong buhay naman, jologs ako," she says.

 

Photo By: Noel Orsal













Kasama ang sexy comedienne na si RR Enriquez sa bagong serye ng ABS-CBN na Mana Po, na pagbibidahan ng reel and real-life couple na sina Melai Contiveros at Jason Francisco.

"Dito sa Mana Po, ako si Weng, best friend ni Melai. Kakaibang RR Enriquez ang makikita ng mga tao. Hindi ako rito magpapa-sexy. Tomboyin ang role ko, boyish look ako rito.

"Lagi akong naka-cargo pants na loose. Tapos siga-siga ako kung lumakad. Jologs ako rito. Bagay sa akin yung role. Kasi sa totoong buhay naman, jologs ako," kuwento ni RR nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong January 27 sa taping ng gag show na Banana Split kung saan ay regular mainstay siya rito.

First time ni RR na lumabas sa isang serye. May mga offers naman daw sa kanya noon pero hindi niya lang tinatanggap.

"Kasi nung time na yun, may Wowowee pa. Hindi ako pinapayagan ni kuya (Willie Revillame), ayaw niya. Alam naman ninyo si kuya, ang gusto niya tutok ka sa show namin. Maaga pa lang noon nasa studio na kami ng Wowowee.

"Saka mas madali naman nuon. After ng show, uuwi ka na, magpapahinga ka na. Ayaw ko rin naman kasi noon ng puyat-puyatan," paliwanag ni RR.

"Pero ngayon, naisip ko na i-try na rin yung teleserye, try ko na rin yung magpuyat. Nag-i-enjoy naman ako, masaya pala. Saka nung nag-work shop ako, sabi sa akin, may ibubuga raw ako. I can act naman daw.

"Alam ninyo dun sa work-shop namin, in fairness, ang galing nung dalawa (Melai at Jayson), may ibubuga talaga, napabilib ako," kwento ni RR.

Kapag nasa set, hindi raw niya napapansin ni RR na sweet sa isa't-isa sina Melai at Jayson.

"Hindi sila sweet-sweet-an sa taping namin. Sabi kasi ni Jayson kay Melai, bawal yung sobrang in-love sa isa't-isa. Bawal din yung kulang ang pagka-in-love sa isa't-isa. Kelangan sakto lang."

E, siya ba, in-love rin ngayon? Balitang-balita kasi na boyfriend niya na ang basketeer na si Jay-Jay Helterbrand?

"Sa sitwasyon ko ngayon, hindi pa ako in-love. Wala pa rin akong boyfriend. Naghahanap pa rin ako ng boyfriend," sagot ni RR.

"Si Jay-jay, were just dating, exclusively dating. Pero hanggang dun lang muna."

Pero posible ba na maging sila ni Jay-Jay?

"Possible na magkagustuhan," aniya.

1  2  Next »

Related Articles

12 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name