Successful at sold out ang concert ng Megastar na si Sharon Cuneta sa Cache Creek Casino sa California na dinumog ng mga Pinoy nung Friday, January 28.
Matapos ang ilang kanta, natanawan ni Sharon sa left side ng audience ang half- brother niya na si Butch Cuneta na dumayo mula pa sa Daly City (a half-hour drive from Cache Creek).
Si Butch ay nakakatandang kapatid na lalaki ni Mega. Lumaki silang pareho sa Dasmariñas noong nagdadalaga pa lang si Sharon at nag-aaral.
Malapit si Mega kay Butch at sa kanyang pamilya kahit magka-iba sila ng ina.
Guest ni Sharon sa concert ang co-host niya sa Star Power na si Christian Bautista.
Inawit nila ang medley na"How Did You Know?" and "To Love Again." Inareglo at tinugtug ito ni Louie Ocampo na kinagiliwan ng lahat.
Sa Sabado, dalawa ang shows nina Mega at Christian, isang 4:00 P.M. at
9:00 P.M. na parehong sold out din.
Masaya ang management ng Cache Creek at inaasahang babalik ang kanilang tambalan next year. Sa Mayo ay naka-sked naman mag-perform si Ms. Lea Salonga.
Inawit ni Mega ang lahat ng kanyang hits magmula nang siya'y 12 years old hanggang sa kanyang recent hits.
Natapos ang palabas ng bandang 10:30 P.M. with a standing ovation. There were photo ops after the show.
Nang matapos, sumakay si Mega at Christian sa isang limousine na naghatid sa kanila sa hotel.