news

Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz are not married, nor are they living in; they've set the wedding for 2012

by Melba R. Llanera posted on January 30, 2011  STATS: 519 Views | 10 Comments

Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz plan to ask Willie Revillame and Stella Marquez-Araneta to be ninong and ninang, respectively, at their wedding.

Photo By: Noel B. Orsal

Walang pang kasalang nagaganap.

Ito ang klinaro ni Precious Lara Quigaman tungkol sa isyu na nagpakasal na raw sila ng fiancé niyang si Marco Alcaraz sa Canada.

"Lagi naman yan ang issue tuwing uuwi kami from Canada. Twice na yan. Every time na babalik kami, ang laging tanong sa amin, 'Kasal na kayo?'

"In-expect na namin yan, this time kasi yung parents ni Marco, nagpunta ng Canada, namanhikan kasi alam nila this year di uuwi ng Philippines si Mama at plano na talaga naming pakasal ni Marco sa 2012," ang sabi ni Lara sa presscon ng Mutya, bagong teleserye sa ABS-CBN, nuong January 27.

Pero wala pa silang definite plans. Naka-pokus ang atensyon nila ngayon sa nalalapit na kasal ng kapatid ni Lara.

"Tintutulungan ko yung kapatid ko na mag-prepare sa wedding niya so nandun talaga ang isip ko. Yung date na iniisip namin is May or October 2012 but definitely, here in the Philippines at hindi namin itatago yun," paliwanag ng former beauty queen sa press, kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

NINONG WILLIE. Lumabas din ang pangalan ni Willie Revillame na kukunin daw na ninong sa kasal nila. Naging issue ang pambabasted raw ng beauty queen sa TV host kung kaya't nawala raw si Precious sa Wowowee as guest co-host.

"May nagtanong lang sa akin, 'Iimbitahan mo ba si Willie?' Sabi ko naman, 'O sige, bakit hindi? Kung gusto niya. Ninong Willie, pahiram ng yate.' Di naman siya nanligaw, nagparamdam lang," pabirong sabi ni Lara.

Usung-uso ang hiwalayan ngayon sa showbiz. Agad naming tinanong si Lara kung ano sa palagay niya ang sikreto kung bakit patuloy na tumatagal ang relasyon nila ng fiancé niya at mauuwi na nga ito sa kasalan.

"Magtu-two years pa lang kami pero parang kilalang-kilala na namin ang isa't-isa, wala kaming tinagong sikreto. Alam namin ang lahat, inopen namin ang lahat ng mga bagay.

"Saka nakikita ko kasi kay Marco yung Papa ko, siya yung tipo ng tao na napakapasensiyoso, napakamaintindihin. Pag nag-iinarte ako sa buhay, di niya ako pinapatulan, nandun lang siya. Kahit ako ang may kasalanan, siya ang nagso-sorry para maging bati na lang kami."

Pinakita rin sa amin ni Lara ang black diamond ring na bigay sa kanya ni Marco.

"Alam niya kasi ang favorite ko is black, tapos napanood ko yung Sex In The City ni Sarah Jessica Paker na binigyan siya ng black diamond. Sabi ko pag may nag-propose sa akin, black diamond ring [ang gusto ko] so yun ang pinagawa niya.

"Ibinigay niya sa akin ito nung nag-decide kami na magpakasal, tapos tinernuhan pa niya ng earrings."

NOT LIVING IN. Isa rin sa balitang di mamatay-matay ay nagli-live in daw si Marco at Lara. Bagay na agad namang klinaro ng beauty queen.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  MandK

    01/31/2011 | 12:57 PM
    congrats Lara..happy for you...congrats din sa bago mong teleserye..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • genetophile

    01/31/2011 | 03:21 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aquos11

    01/31/2011 | 02:21 AM
    bat parang ang taba nya dito sa pic?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • showbizdak

    01/31/2011 | 01:59 AM
    in all fairness, ganda nila tingnan ni alfred vargas dun sa bagong serye. nakaka-goose bumps, parang totohanan. marco kelangan mo sigurong bantayan sa set. si willie ba, lara, imbitado sa kasal nyo?LOL-lipop! grats sa engagement.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ooooopppppsssss

    01/31/2011 | 01:59 AM
    very well said number 1.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • great_amber

    01/31/2011 | 01:36 AM
    so 3 na pala ang major local pageants ngayon, Bb.Pilipinas, Ms.Phil. Earth at Ms.Phil. World.. anong nangyari dun sa Turismo Filipina pageant ni Lara?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • marafyah2

    01/30/2011 | 11:56 PM
    Our pride!!!!!!!!!!!!!!!! More power precious!!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mikebalangsosa

    01/30/2011 | 09:38 PM
    Naunahan lang ako ni marco..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • akosimadam

    01/30/2011 | 07:54 PM
    gandang pinay. be proud
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • prettyasian

    01/30/2011 | 06:48 PM
    i like her, well mannered, intelligent and pretty
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About