news

Willie Revillame airs his disappointment over John Estrada and Randy Santiago's decision to accept ABS-CBN noontime show

by Mark Angelo Ching posted on January 31, 2011  STATS: 293784 Views | 562 Comments

 

"Pag hindi kayo nag-rate, tatanggalin na naman kayo, mag-isip kayong mabuti. Tama? Sa akin kayo maniwala, ako ang kasama niyo sa hirap at ginhawa. Maniwala kayo sa akin. Okay. Nasa inyo 'yan. Okay? Pag tumanda tayo, tayo-tayo pa rin ang magkakasama. Dito sa TV5, nakaplano na lahat. Okay?" was Willie Revillame's message to friends John Estrada and Randy Santiago (insets).

Photo By: Melo Balingit (Willie) and Noel B. Orsal (John and Randy)

Sa January 26 episode ng Willing Willie ay ipinarating ni Willie Revillame sa mga manonood ang kanyang sama ng loob.

Umabot sa kulang-kulang na limang minuto ang tirada ni Willie laban sa kanyang mga kaibigang sina John Estrada at Randy Santiago, na ayon sa controversial TV host ay magkakaroon na ng noontime show sa ABS-CBN.

Sa simula pa lang ng show ay sinabi na agad ni Willie ang kanyang saloobin. May bahagi ring kinausap niya sa telepono si John, at ipinarinig niya sa audience ang bahagi ng kanilang usapan.

Ayon kay Willie, hindi niya nagustuhan ang desisyon nina John at Randy na tanggapin ang offer ng Kapamilya network na mag-host ng bagong noontime show.

Sabi ni Willie, hindi raw maganda na tanggapin ng dalawang kaibigan ang offer mula sa network na "nanakit" sa kanila.

Dagdag pa niya, may inaayos na siyang noontime show para sa dalawa sa TV5, ngunit nagdesisyon nga ang dalawa na iwan si Willie.

Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Willie at ng ABS-CBN. Si Willie ay dating host ng Wowowee. Tinanggal ng ABS-CBN ang show na ito matapos ang ilang kontrobersiyang kinasangkutan ni Willie sa pagho-host nito.

Sa huli, lumipat si Willie sa TV5 para mag-host ng Willing Willie, kahit pa kinasuhan siya ng ABS-CBN dahil umano sa hindi niya pag-honor sa kontrata sa network.

Hanggang ngayon ay wala pang resolusyon ang kasong isinampa ng ABS-CBN.

Dati nang nagkasama sina Willie, John, at Randy sa noontime show ng ABS-CBN na Magandang Tanghali Bayan (MTB). Nagsimula ito noong November 1998 at natanggal sa ere noong February 2005.

Wowowee ang pumalit sa MTB, na nawala dahil sa mababang ratings laban sa Eat Bulaga!-ang katapat nitong programa sa GMA-7.

Ang pumalit naman sa Wowowee ay ang Pilipinas Win Na Win, na tumagal lamang ng limang buwan sa ere.

Kamakailan ay may umugong namang balita na may nilulutong bagong noontime show ang ABS-CBN na ihu-host daw nina John Estrada, Randy Santiago, Toni Gonzaga, at Mariel Rodriguez.

Kinumpirma na ito ni Toni sa panayam sa kanya ng The Buzz kahapon, January 30. (CLICK HERE to read related story.)

"MAG-ISIP KAYONG MABUTI." Pagbukas pa lang ng Willing Willie noong January 26 ay ipinahatid na ni Willie ang hinaing niya laban kina John at Randy.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

562 Comments

  • 342  lovetrip

    02/01/2011 | 11:26 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 341  greencardholder

    02/01/2011 | 11:24 AM
    tsk tsk talagang mentally disturbed ereng si willie. kawawa naman.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 340  verydumb08

    02/01/2011 | 11:18 AM
    ay sus willie kailangan talaga ng trabaho ang dalawa nito, career nila minsan up and down temporal jobs lang, saka willie meron ka na , says trabaho lang walang personalan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 339  manunuri1000

    02/01/2011 | 11:17 AM
    welli dong oi tawon na-a moy mga buhay buhay di lang sayo umiikot ang mundo nila may sarili silang pag iisip kung anong gawin sa buhay nila. coz the end of the day tayo ang gagawa kung anong gusto natin........... kaya wala kana don stop bitching mag tv5 ka nalang kasi dyan ka nababagay
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 338  berna

    02/01/2011 | 11:11 AM
    Willie, hindi naman dapat na yung kagalit mo ay dapat kagalit na rin ng mga kaibigan mo... trabaho lang ang gusto nung dalawa bakit mo naman papayuhan na huwag nilang tanggapin yung noontime show... tsk.. mukha yatang lalo mo lang inilalabas ang tunay mong ugali...huwag sanang ganyan, ikaw na rin ang may sabing sana wala nang kagalitan, sana magkaroon na ng kapayapaan sa lahat, bakit ngayon iba na ang mga sinasabi mo.. mag-isip isip ka kapatid...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 337  certifiedkapamilyainkorea

    02/01/2011 | 11:03 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 336  tisay20

    02/01/2011 | 10:32 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 335  DulceCorazon

    02/01/2011 | 10:25 AM
    Nothing had changed regarding Willie's attitude. YOU ARE STILL SO BAD.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 334  winged_angel

    02/01/2011 | 10:16 AM
    Eh bakit ikaw Willie, tinanggal ka rin naman sa MTB ah, bakit bumalik ka at nag Wowowee? Di nga nagalit sina Randy at John sayo na nagsolo ka sa Wowowee eh kung tutuusin, the main reason why they kept on getting suspended before was because of you. Gusto mo ikaw magproduce nang show. Gusto mo tauhan mo sila, ganun? Kaloka ka. Kung tunay kang kaibigan, you should wish them the best and hope that you all succeed. After all, di naman magkatapat show niyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 333  dominicguevarra

    02/01/2011 | 10:09 AM
    dapat di na niya inaway on air... privately nalang. masyadong papansin itong si willie... ang yabang, parang kanya ang network
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 332  elaienai

    02/01/2011 | 10:06 AM
    WALANG MANIWALA SA YO WILLIE....SANA HINDI KANA MAGHINAMBOG! DAPAT PUTULAN KA NANG PAKPAK AT PANGIL NANGANGAGAT KA SA MGA TAONG NAGPAPAKAIN AT PAGPAPALIPAD SA YO SA TUGATOG NG TAGUMPAY! We love the new host combination of the planned ABS-CBN noontime show....papanoorin namin everyday ito especially with TONI GONZAGA on show...kaabang-abang talaga!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 331  hotmomma29

    02/01/2011 | 10:00 AM
    I perfectly understand where he's coming from kasi masakit nga naman yun at magkakaibigan sila, pero ang hindi ko maintindihan is baket kelangan pa nyang i air sa buong Pilipinas ang ganung conversation nila ni John, kasi kung totoo ka ding kaibigan kay John Willie you should understand that he is just working, especially now that he will have his own family again kelangan nya talaga ng stable na trabaho. Ang totoong kaibigan ay naiintindihan palagi ang kaibigan nya despite of everything, baket ka naman affected masyado na sa ABS sila magwowork? Eh hindi mo naba naisip na dahil sa ABS kaya ka anjan sa posisyon mo ngaun? Hay naku Willie, magbago ka na!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 330  DulceCorazon

    02/01/2011 | 09:52 AM
    Talagang hindi na magbabago si Willie. Super super hambog pa rin. Ano ba ang pakialam niya kung tanggapin ng mga kaibigan niya yung noontime show sa channel 2. May sarili silang decision. At bakit pinangungunahan niya na hindi magre-rate yung show? Sabi ni Willie hindi raw maganda na tanggapin ng dalawa niyang kaibigan ang offer ng network na nanakit sa kanila. BAKIT NIYA TINANGGAP YUNG WWWEE? Ay naku Willie kinakain mo yung sinasabi mo. At sasabihin mo pa sa audience na EAT BULAGA NA LANG TAYO. Kasi hindi mo kalaban kaya ka nagko-commentTumahimik ka na lang at saka ka magsalita pag walang nangyari sa noontime show ng mga kaibigan mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 329  bb_pilipinas

    02/01/2011 | 09:51 AM
    sobra atang unstable si willie emotionally, kelangan niya muna mag-isip ng maraming beses bago siya mag-air ng mga ganyang scenes.. he should learn no to take things personally, trabaho lang talago to- nothing against him i assume...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 328  camcam123

    02/01/2011 | 09:46 AM
    ang PO 5 maging ASAPO 2
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 327  camcam123

    02/01/2011 | 09:43 AM
    ang po 5 maging pp 7
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 326  chrisia

    02/01/2011 | 09:39 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 325  mnlsantos

    02/01/2011 | 09:39 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 324  gracie_060305

    02/01/2011 | 09:34 AM
    pls wg n isama c MARIEL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 323  deity_girl

    02/01/2011 | 09:28 AM
    EAT BULAGA is THE BEST for NOONTIME SHOW..willing- willie on PRIMETIME SHOW..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About