news

Willie Revillame airs his disappointment over John Estrada and Randy Santiago's decision to accept ABS-CBN noontime show

by Mark Angelo Ching posted on January 31, 2011  STATS: 293557 Views | 562 Comments

 

"Pag hindi kayo nag-rate, tatanggalin na naman kayo, mag-isip kayong mabuti. Tama? Sa akin kayo maniwala, ako ang kasama niyo sa hirap at ginhawa. Maniwala kayo sa akin. Okay. Nasa inyo 'yan. Okay? Pag tumanda tayo, tayo-tayo pa rin ang magkakasama. Dito sa TV5, nakaplano na lahat. Okay?" was Willie Revillame's message to friends John Estrada and Randy Santiago (insets).

Photo By: Melo Balingit (Willie) and Noel B. Orsal (John and Randy)

Sa January 26 episode ng Willing Willie ay ipinarating ni Willie Revillame sa mga manonood ang kanyang sama ng loob.

Umabot sa kulang-kulang na limang minuto ang tirada ni Willie laban sa kanyang mga kaibigang sina John Estrada at Randy Santiago, na ayon sa controversial TV host ay magkakaroon na ng noontime show sa ABS-CBN.

Sa simula pa lang ng show ay sinabi na agad ni Willie ang kanyang saloobin. May bahagi ring kinausap niya sa telepono si John, at ipinarinig niya sa audience ang bahagi ng kanilang usapan.

Ayon kay Willie, hindi niya nagustuhan ang desisyon nina John at Randy na tanggapin ang offer ng Kapamilya network na mag-host ng bagong noontime show.

Sabi ni Willie, hindi raw maganda na tanggapin ng dalawang kaibigan ang offer mula sa network na "nanakit" sa kanila.

Dagdag pa niya, may inaayos na siyang noontime show para sa dalawa sa TV5, ngunit nagdesisyon nga ang dalawa na iwan si Willie.

Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Willie at ng ABS-CBN. Si Willie ay dating host ng Wowowee. Tinanggal ng ABS-CBN ang show na ito matapos ang ilang kontrobersiyang kinasangkutan ni Willie sa pagho-host nito.

Sa huli, lumipat si Willie sa TV5 para mag-host ng Willing Willie, kahit pa kinasuhan siya ng ABS-CBN dahil umano sa hindi niya pag-honor sa kontrata sa network.

Hanggang ngayon ay wala pang resolusyon ang kasong isinampa ng ABS-CBN.

Dati nang nagkasama sina Willie, John, at Randy sa noontime show ng ABS-CBN na Magandang Tanghali Bayan (MTB). Nagsimula ito noong November 1998 at natanggal sa ere noong February 2005.

Wowowee ang pumalit sa MTB, na nawala dahil sa mababang ratings laban sa Eat Bulaga!-ang katapat nitong programa sa GMA-7.

Ang pumalit naman sa Wowowee ay ang Pilipinas Win Na Win, na tumagal lamang ng limang buwan sa ere.

Kamakailan ay may umugong namang balita na may nilulutong bagong noontime show ang ABS-CBN na ihu-host daw nina John Estrada, Randy Santiago, Toni Gonzaga, at Mariel Rodriguez.

Kinumpirma na ito ni Toni sa panayam sa kanya ng The Buzz kahapon, January 30. (CLICK HERE to read related story.)

"MAG-ISIP KAYONG MABUTI." Pagbukas pa lang ng Willing Willie noong January 26 ay ipinahatid na ni Willie ang hinaing niya laban kina John at Randy.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

562 Comments

  • 262  makatingdila

    02/01/2011 | 02:03 AM
    so funny nagugutomna nga pamilya ni Johnn dami anak niyan niyan kay ate Janice at relatives pa niyan sa cebu kaya support nalang ang frienship kuya Willie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 261  matinik

    02/01/2011 | 02:00 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 260  hatekapuso

    02/01/2011 | 01:56 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 259  Teone1987

    02/01/2011 | 01:56 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 258  sffilam57

    02/01/2011 | 01:56 AM
    Willie, i am sorry but you need to grow up. Hindi mo puedeng magdictate sa mga kaibigan mo kung ano ang gusto nila. Para ka namang BOSS nila. Ano ka DIOS nang mga kaibigan mo. I am glad that John and Randy are going to have their own show. Natatakot lang si Willie na baka mas maganda ang magiging rating nang bagong noon time show nang Kapamilya channel. Hind namin nakikita and TV5 dito sa state, so here its only Kapamilya and Kapuso. my whole family and friends are devoted Kapamilya supporters. Technically you cannot inform people that TV5 is on top of the ratings, when half the world do not see them........Kapamilya kami, mas maganda ang shows at mas popular ang mga celebs......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 257  kapamilya999

    02/01/2011 | 01:48 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 256  saharal

    02/01/2011 | 01:46 AM
    talaga wala breeding
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 255  saharal

    02/01/2011 | 01:46 AM
    arogante talaga gusto controlin nya mga tao
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 254  galore

    02/01/2011 | 01:44 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 253  misstoe

    02/01/2011 | 01:44 AM
    Sa mga suporters ni Willie, hindi porke nakakatulong siya, pwede na siyang maging mayabang at mang-api ng ibang tao na hindi sumasaludo at yumuyuko sa kanya..kahit bilyon bilyong dollars pa ang pinamimigay niya, there's no excuse for arrogance and swell headedness...period..ayaw ni God ng ganyan...tandaan mo Willie, galit si God sa mga hari noong panahon mg mga Romans...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 252  chicka1

    02/01/2011 | 01:40 AM
    i'm so excited sa panibagong noontime show ng ABS-CBN may panonoorin na naman kami araw araw... yahoooooooo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 251  aidangel0011

    02/01/2011 | 01:30 AM
    Inaayos na show on ch. 5 for his friends? Eh wala pa nga siyang show na binibigay doon sa 2, ganon na sya ka-manipulative, eh what more kung may show nga yung 2 sa singko? Eh di aapi-apihin nya yung dalawa at mag hahari-harian sya doon sa kaibigan nya and he would ask them to do anything because may utang na loob yung dalawa sa kanya. Buti at sa ibang station napunta yung mga kaibigan nya. And to those who are asking if Manny Pangilinan has a say in Willie's outburst, I think he would wash his hands because Willie actually co-OWNS his show. So talagang feeling HARI sya doon at kahit na ano pwede nyang gawin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 250  grinandgiggles

    02/01/2011 | 01:23 AM
    sama ng ugali ni willie..on air nya kinakausap si john at kung ano ano sinasabi nya dito, nahihiya ako para sa kay john at si willie parang diyos na sya lng ang pwedeng makaalam at may hawak sa kapalaran ng kapwa nya...inaayos nyang show ng mga kaibigan nya daw pero kung pahiyain nya naman eh ganon na lang..si willie sikat nga sya pero mga kaibigan nya questionable ang mga yaman, mga politiko na galing sa di maganda ang yaman..sana si shalani maisip na di maganda ito kung gusto nya na tumakbo sa higher office.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 249  aidangel0011

    02/01/2011 | 01:21 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 248  beybong

    02/01/2011 | 01:21 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 247  galore

    02/01/2011 | 01:18 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 246  SpeedOfLight

    02/01/2011 | 01:18 AM
    1 2 3 ghooow.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 245  kuribachi

    02/01/2011 | 01:16 AM
    yes. yung attitude nya. eh yun naman ang arguments ng mga fantards nya dito eh. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 244  yoyong_me0320

    02/01/2011 | 01:14 AM
    Isang malaking halimbawa ng kahambugan. WAG GAYAHIN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 243  happyhearts

    02/01/2011 | 01:14 AM
    oo nga e...mukhang mas sikat pa siya ngayon kay korina , noli boy at ted failon.. hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About