"I'm with her three times a week, for seven months. Alam ko ang ins and outs ni Marian, alam ko yung tanrums niya. Hindi naman tayo perfect, e. Ang problema dito sa atin, if you are yourself, suplada, antipatika, yung ganun. E, gusto mo yung palagi na lang showbiz? Gusto mo palagi na lang kaipokritahan, nakangiti kahit may regla ka? Hindi naman puwede yung ganun. You have to take her as she is. Marian is a very nice person!" says Celia Rodriguez about former Darna co-star Marian Rivera.

Photo: Noel Orsal

Sa kabila ng kanyang mataray at kontrabida image, napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na masaya palang kainterbyuhan ang veteran actress na si Ms. Celia Rodriguez.

Nakausap ng PEP si Ms. Celia sa presscon ng GMA-7 romantic-comedy series na I ♥ You Pare, kung saan ginagampanan niya ang papel ni Marita Castillo, "the great mother of all badings."

Kung ngayon ay si Dingdong Dantes ang katrabaho niya sa I ♥ You Pare, noon ay ang kasintahan ng aktor na si Marian Rivera ang laging ka-bonding ni Ms. Celia sa set ng defunct Kapuso telefantasya na Darna.

Miss na miss na raw ng beteranang aktres si Marian pero, 'Palagi namang nagte-text sa akin yung batang yun," sabi ni Ms. Celia.

Naging very close sa kanya si Marian?

"Very!"

DEFENDING MARIAN. Kapag nakakarinig nga raw siya ng mga negatibong balita, na sinasabing sulplada at maldita si Marian, naaapektuhan si Ms. Celia.

"Actually, alam mo, mayroon nga akong tinawagan na... Actually, hindi ko na sasabihin kung sino.

"Sabi ko, 'Tigilan mo na si Marian.' Noong we were making Darna, umiiyak si Marian.

"Sabi ko, 'Tigilan mo na. Kung ayaw mo sa kanya, alang-alang sa akin, igalang mo ako.'

"Sabi sa akin, 'O sige, Tita, hindi ko na lang babanggitin.'

"Sabi ko, 'Please lang, for my sake. Hindi mo naman kilala yung tao.' "Sabi ko, 'Hindi mo naman kilala yung bata.'

"Ako, kako, I'm with her three times a week, for seven months. Alam ko ang ins and outs ni Marian, alam ko yung tanrums niya. Hindi naman tayo perfect, e. Ang problama dito sa atin, if you are yourself, suplada, antipatika, yung ganun.

"E, gusto mo yung palagi na lang showbiz? Gusto mo palagi na lang kaipokritahan, nakangiti kahit may regla ka? Hindi naman puwede yung ganun.