"Ang nakakatawa, parang I don't have to have to defend myself, pero what I'll do na lang is siguro, at this point, I'll remind na lang everybody na I've been endorsing products very credibly, very carefully, since I was 13. At hindi ko ipagpapalit sa isang endorserment yung reputation ko," says Sharon Cuneta about the controversy brought about by her billboard for a slimming program.

Photo: Noel Orsal

"Hindi pa ako napu-pullout-an ng billboard, ng commercials. Never!" diin uli ng Megastar. "Sa awa ng Panginoong Diyos 'yan! 

"So, parang why now? Maybe because some people, there's just some people who like to see you fail siguro.

"Or maybe it's hard for certain people to accept that after more than three decades, maski paano, naambunan pa ako ng Panginoon ng blessings na nakakagulat, so siguro, nagulat sila. Hindi nila akalain. When, in fact, hindi nila ako nakikita. At least kayo, nakikita n'yo ako."

MAD AT HAYDEN KHO JR. May nakakagulat ding kasunod na pahayag si Sharon matapos ang litanya niya ng mga paliwanag hinggil sa kanyang billboard.

Hindi pa man kumpirmado, may nakapag-ulat kay Sharon na ang isang negatibong reaksiyon sa kanyang Marie France billboard ay nanggaling diumano sa tweet ng kontrobersiyal ding si Hayden Kho Jr., boyfriend ni Dra. Vicki Belo at isa ring product endorser.

Agad itong sinagot ni Sharon sa interview niya sa PEP at iba pang press kagabi.

Sabi ni Sharon, "Kanina ko lang narinig. Tweet daw niya [Hayden], e. Sa Twitter daw. Kung tooo yun, ang kapal ng mukha niya!"

Ayon sa isang naunang nag-interview kay Sharon, mula sa isang TV news crew, may komento umano sa tweet si Hayden noong January 28, which said: "There's a billboard ad in Edsa developed by advertisers who think consumers are stupid. Guess."

Hindi tinukoy ni Hayden ang sinasabi niyang billboard, pero marami ang nag-conclude na ito ay sa Marie France, na maituturing na kakumpitensiya ng Belo Medical Group, na pag-aari ni Dra. Belo.

"Ako, it's my opinion," pasintabi ni Sharon, "mas stupid namang isipin mo na gagawin yung billboard na yun, starring yours truly, tapos makikita mo ako sa Star Power na 'ang laki pala!'

"Hindi naman gano'n, di ba? Sabi ko, ni-launch ko [ang endorsement], live in person, yun ang background ko—sa stage.

"Tapos, mambabastos siya [Hayden]? As far as I'm concerned, stupid people shouldn't comment on what is stupid or not!

"If I may add to that: Decent people are [the only] people I would like to listen to. Not those who do not know the meaning of decency. And who treat women like they're nothing! Excuse me!

"You know, you want to start a war with me? You? Fix all your problems first!" matapang na pahayag ni Sharon.


HAYDEN REACTS. Samantala, pinabulaanan naman ni Hayden na ang billboard ni Sharon ang tinutukoy niya sa kanyang tweet.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, ipinost ni Hayden kaninang 2:47 p.m. ang kanyang reaksiyon sa mga pahayag ni Sharon: