"Ang nakakatawa, parang I don't have to have to defend myself, pero what I'll do na lang is siguro, at this point, I'll remind na lang everybody na I've been endorsing products very credibly, very carefully, since I was 13. At hindi ko ipagpapalit sa isang endorserment yung reputation ko," says Sharon Cuneta about the controversy brought about by her billboard for a slimming program.

Photo: Noel Orsal

May isyu ngayon hinggil sa controversial billboard ng Marie France na si Sharon Cuneta ang bagong endorser. 

Naunang naiulat sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa diumano'y pag-pull out ng nasabing billboard ni Sharon. May mga komento umano na hindi bago ang pictorial at hindi ayon sa slimming program ng Marie France, na akma sa pangangailang pisikal ng Megastar. (CLICK HERE to read related story.)

Agad itong binigyang-linaw ni Sharon kagabi, February 8, pagkababang-pagkababa ng kanyang sasakyan sa bukana ng Fanny Serrano salon na nakatakdang magkaroon ng pasinaya o inauguration sa Scout Madriñan sa Quezon City. 

Si Sharon ang naimbitahan, along with her husband Senator Kiko Pangilinan, na mag-cut ng ceremonial ribbon.

"It's true! Hindi daya 'yan! What came out in the billboards were from the same pictorial," sabi ni Sharon, obviously peeved by recent turnout of events hinggil sa kanyang pagiging endorser.

"Nasa taping ako, at nagulat ako. Somebody texted me, 'there's...' ganyan. 'What? Oh, my God!'

"Sabi raw, mas parang totoo yung isang billboard kesa dun sa naka-blue [where Sharon is in a slimmer figure]. E, isang pictorial lang 'yon. Lahat yun isang pictorial. Isang araw lang lahat ang costume na 'yon. Meron pa ngang lalabas. The thing is, Marie France disputed it."

CREDIBILITY. Patuloy ng Megastar, "Ang nakakatawa, parang I don't have to have to defend myself, pero what I'll do na lang is siguro, at this point, I'll remind na lang everybody na I've been endorsing products very credibly, very carefully, since I was 13. 

"At hindi ko ipagpapalit sa isang endorserment yung reputation ko," diin ni Sharon. "Marie France has been around for 25 years. Itanong n'yo na lang kay Dawn [Zulueta]."

Si Dawn ay naging endorser din ng nasabing slimming program.

"Hindi naman ako minamadali," sabi pa ni Sharon. "Series 'yan, e. It's the first set of billboards. Kung hindi, di sana hinintay natin na super-tingting ako... It's really papayat nang papayat. Hindi naman puwedeng biglaan 'yon, e.

"So, sabi ko, bakit sila nagtataka, e, yung costumes ko, yung pini-pin sa likod! From the last fitting, mas liliit sa pictorial. 

"All they have to do is watch Star Power every Sunday, I look the same. You know, to think TV puts on more than a picture, di ba? Parang... I don't know.

"Ni-launch ko 'yan, nakakatawa naman, lalabas ako, iba ang hitsura ko sa press than sa billboard. Ang tanga ko naman. Tanga ba ako?" natatawang sabi pa ni Sharon, bagamat naiirita sa naturang isyu sa kanya.