"I'm very cheesy. I like Titanic. I like cheesy songs, romantic. I'm romantic," says Phil Younghusband when asked if he's romantic.

Photo: File photo & Noel Orsal

Kagabi, February 10, naganap ang victory party para sa Azkals sa Kyss Superclub, A.Venue, Makati City. Ito ay para sa panalo nila kontra sa Mongolia, 2-0, sa unang pre-qualifying match nila sa Asian Football Confederation (AFC) noong February 9, sa Bacolod.



Nakausap ng press ang Filipino-British football player na si Phil Younghusband, na nagpakilig sa Twitter world kahapon, February 10, nang ayain niyang makipag-date ang aktres na si Angel Locsin.

Inamin na niya noon na si Angel ay isa sa kanyang mga celebrity crushes. (CLICK HERE to read related story.)



Sagot ni Angel, may trabaho siya sa Araw ng mga Puso kaya't hindi siya makakasama sa guwapong atleta. "Let's try another day" lang ang pampalubag-loob ng Kapamilya actress sa kanya.



Sa panayam ng ABS-CBN News kay Phil, ipinaliwanag nito kung bakit sa Twitter niya naisip na yayain si Angel na makipag-date.



Ayon sa kanya, wala siyang paraan para ma-contact ang 25-year-old actress kundi ang Twitter.



Dagdag pa ni Phil, ang kapatid niyang si James Younghusband, isa pang miyembro ng Azkals, ang nagpalakas ng kanyang loob na i-tweet nga si Angel.



"My brother said that 'OK, go for it,' and I was like 'OK, at least [I'll] give it a shot," saad ng 23-year-old model-athlete.



Kahit pa tila hindi pumayag si Angel na makipag-date sa Valentine's Day, hindi raw mawawalan ng pag-asa si Phil.



"She said she's busy on the Valentine's Day, but maybe another day, so we have to wait and see.



"I'm not joking. We have to wait and see. I can't tell you what's gonna happen. I don't want to say. But let's see, she's busy also. We don't know, but let's see," sabi ni Phil.



Ayon sa nauna niyang interview sa Bandila ng ABS-CBN, apat na Valentine's Day na siyang walang ka-date. Kung sakaling hindi matuloy ang date niya with Angel, panlimang beses nang magiging loveless si Phil sa Araw ng mga Puso.



Pamilya na lang daw niya ang kanyang kasama sa February 14, kung magkataon.



Pero ano bang hanap ni Phil sa babae?



"Someone who can make me laugh, who can make me smile. I feel if I can make them smile, if I can make them laugh, then I'm happy," sagot nito.



Romantic ba siyang lalaki?



"I'm very cheesy. I like Titanic. I like cheesy songs, romantic. I'm romantic," sagot ni Phil.