Lotlot de Leon recalls playing role of Cofradia; says it's different from Barbie Forteza's Nita Negrita

Rey Pumaloy
Saturday, February 12, 2011 @ 10:26AM  |  9015 views

Totoo bang hindi nakialam ang Mommy Nora Aunor sa career niya? "Yes, hindi naman nakikialam... Kahit wala siya sa tabi ko, kung sinuman ang kasama ko, lahat yun nakakarating kay Mommy.  Yun lang ang difference.  Kasi naman si Mommy, working din," Lotlot de Leon says.

 

 

Photo By: Noel Orsal













Ngayong tapos na ang appearance ni Lotlot de Leon sa afternoon soap na Koreana sa GMA-7, may bago naman siyang daytime TV series na lalabasan. Ito ay ang Nita Negrita na pagbibidahan ni Barbie Forteza.

Ginagampanan ni Lotlot ang papel bilang ina ni Nita na nawalay sa kanya matapos dumaan sa isang trahedya. Pero muling magku-krus ang landas nila pagkaraan ng ilang taon.

Sa interview ng PEP kay Lotlot sa presscon ng serye noong Huwebes nang tanghali sa 17th floor ng GMA-7 bldg,  naalala niyang gumanap din siyang negra bilang Cofradia, sa isang triology movie ng Regal Films nong 1988 na Love Letters. 

Si Ramon Christopher, who later became her husband in real life, ang kapareha niya nuon sa episode na "Till Death Do Us Part."

Nilinaw ni Lotlot na walang katiting na pagkakahawig ang character niya noon sa ginagampanang character ni Barbie sa kanilang serye.

At sa kanyang mother role, mabait raw ang kanyang character dito.

"Mabait ako dito, longing for my child kasi nawala siya sa piling ko hanggang sa magkaroon ako ng chance na magkaroon ng bagong buhay. And I promised myself na hindi na ako magpapa-api at hindi na ako maghihirap sa buhay.  Hanggang sa makilala ko si Zoren," ang maikling kuwento ni Lotlot tungkol sa kanyang gagampanang role sa serye.

NO TANTRUMS. Nasasalang sina Barbie at ka-love team nitong si Joshua Dionisio sa isyu na mga bagong monster daw sila ng telebisyon dahil sa paglaki ng ulo at pagkakaroon ng attitude.

Kaya naman kinumusta namin ang dalawang teen actors kay Lotlot.

"Mainam... mainam.  Nakita ko naman yung pagta-tiyaga niya (Barbie) e.  Kasi ang hirap nang lalagyan siya ng make-up sa buong katawan — almost isang oras.  Kasi kailangang mapantay nila yung kulay.

"Wala naman akong nakikitang sinasabing tantrums nila, wala naman," ang sabi ni Lotlot.

Unang nakasama ni Lotlot si Barbie at Joshua sa seryeng Pilyang Kerubin, kaya kilala na raw niya ang dalawa.

"Wala naman akong napapansing kakaiba sa dalawa. Actually, mababait nga sila.  Minsan kapag mas mauuna ako at darating siya (Barbie), parang nahihiya pang mag-approach to say 'Hello.'

"Wala naman akong nakikitang ganong problema," aniya.

Ikinagulat ni Lotlot ang balita na ang mga magulang nina Barbie at Joshua raw ang pakialamera sa career ng dalawang bata kaya naman nasasabing lumalaki na ang ulo ng mga ito.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name