news

Lexi Fernandez has distanced herself from Jhake Vargas, the boy of contention between her and Bea Binene

by Ruel J. Mendoza posted on February 12, 2011  STATS: 21476 Views | 14 Comments

Lexi Fernandez explains why her mom Maritoni Fernandez went to the set of Tween Hearts. "Hindi naman sumugod si Mommy. She's not like that. Nataon lang na may lumabas na issue between me and Bea [Binene], tapos birthday ko pa yun. Talagang pumunta si Mommy sa set para magdala ng food," she says. "Pero since nandoon na nga siya, nagkausap sila ng Mommy ni Bea. Kami rin ni Bea, pinag-usap nila kasi nga they can sense na may problema sa aming dalawa."

 

Photo By: Noel Orsal

Pagkatapos ng ilang pagdi-deny, inamin na rin ng tween star at kontrabida ng afternoon teleseryeng Nita Negrita na si Lexi Fernandez na hindi na sila close friends ngayon ng kapwa ni Bea Binene.

Nabalita kasi noon na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa sa set ng kanilang top-rating teen show na Reel Love Presents Tween Hearts at sumugod pa raw ang mommy ni Lexi na si Maritoni Fernandez sa taping nila para alamin ang puno't dulo ng gulo nila.

Pero nilinaw naman ni Lexi sa press launch ng Nita Negrita last February 10 sa 17th floor ng GMA Network Center ang balitang iyon. Hindi raw sumugod ang kanyang ina sa set dahil talagang pumunta raw si Maritoni sa set ng Tween Hearts dahil birthday nga raw niya at nagdala ng pagkain ito para sa staff and crew.

"Hindi naman sumugod si Mommy. She's not like that. Nataon lang na may lumabas na issue between me and Bea, tapos birthday ko pa yun. Talagang pumunta si Mommy sa set para magdala ng food.

"Pero since nandoon na nga siya, nagkausap sila ng Mommy ni Bea. Kami rin ni Bea, pinag-usap nila kasi nga they can sense na may problema sa aming dalawa," ang saad ni Lexi.

Dati ngang close friends sila Lexi at Bea, pero bigla nga raw nagkaroon ng lamat ang friendship nila. May kinalaman daw ang ka-loveteam ni Bea na si Jhake Vargas sa pagkakaroon ng gap sa friendship nila.

"Hindi ko alam exactly kung kelan nagsimula ang lahat. It just happened and  I was surprised na hindi na ako kinakausap ni Bea kapag nagkikita kami sa set ng Tween Hearts.

"Then may nagsabi sa akin that Bea got mad noong maikuwento ko sa isang interview na crush ko si Jhake. Even before naman kasi, sinasabi ko sa mga nagtatanong sa akin na reporters kung sino ang crush ko; sinasabi ko na crush ko si Jhake," paliwanag ni Lexi.

"Wala naman masama roon kasi crush ko lang naman. I never said na I want Jhake to be my boyfriend.

"Then may nagsabi sa akin na sinabi rin ni Jhake sa isang interview na may crush din siya sa akin. Doon na yata nag-start na hindi na ako pansinin ni Bea," aniya.

"Nagulat na lang ako kasi we used to be close friends talaga. Sila nga ni Jhake ang pinaka-close ko before kasi nga we were in the primetime show na Ilumina. Wala pang Tween Hearts, close na kaming tatlo.

"Then hindi na nga ako pinapansin ni Bea. I tried texting her, pero she doesn't reply. Siyempre nalungkot ako because para na kaming sisters ni Bea."

Akala nga ni Lexi na noong pagharapin sila ni Bea ng mga mothers nila ay matatapos na ang problema nila sa isa't isa. Pero hindi pa pala sapat iyon.

"After nga na mag-usap kami with our Moms, nagyakapan pa kami ni Bea. I thought okey na kami kasi nag-usap pa kami after. Pero the next taping day, hindi na naman niya ako pinansin. As in dedma siya sa akin ulit.

"So I said to myself, 'Tama na.' I made an effort to reach out to her. Pero if she doesn't want to be friends with me, wala na akong magagawa. My mom said nga na huwag akong mag-give up because alam niyang maaayos din kami ni Bea.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

14 Comments

  • 14  artistafans

    02/14/2011 | 04:13 PM
    ang pagsasabi ng totoo sa kapwa ay alam ng bathala..gumawa ng mabuti at hwag manapak para di makasira sa kapwa.lahat tyo sa mundo ay may kapatawaran kay jesus.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  artistafans

    02/14/2011 | 04:02 PM
    hindi frnd ni bea si lexi,ginagamit lng name ni bea para makilala sya.kung frnd ni bea si lexi bakit may ganitong comment si lexi kay bea?at alam ng lahat na si bea ay lumaki na sa gma na mabait,dumating lng yang lexi na yan,puro crush na ang iniisip sa kapwa.si bea sa ngayon wala pa sa isip ang crush na love,ang sabi nya crush nya si jake for friendshp partner dahil sla ang loveteam,para ipakita sa mga manonood kung pano nla dadalin ang role nla.hindi para sa personal na gusto.kapag 15yrs old si bea, puwede na magsabi ng crush.tama lng si bea.sa ngayon aminin po natin na kailangan bigyan ng mabuting patnubay ang mga bata para hindi puro love-crush-.ginagawa lng ni bea ang role na ibinibigay sa kanya.i know bea since kid pa yan.i love bea...bea forever..thanks po sa mga totoong tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  dhej16

    02/14/2011 | 10:15 AM
    cousin pala niya ang mga padilla's
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  mar111mer111

    02/13/2011 | 04:05 PM
    ano ba yan ang babata niyo pa lalaki na inaatupag ninyo lalo na si bea.ganun nangaral hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  iluvyoo_143

    02/13/2011 | 12:45 PM
    We are not here to judge anyone. Baka may mabigat na dahilan bakit nagkalamat ang friendship nila not just becoz of jake. Let us give Bea the "benefit of the doubt." Kasi when a fan ask lexi via twitter who are her closest friends with the TH cast eh di rin naman namention name ni Bea eh before pa yun lumabas yung ganitong issue.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Blood_Orchid

    02/13/2011 | 06:31 AM
    geg18spirit -Bata yan, hindi nya kailangan magmukhang color wheel.Patulan ba naman? why don't you show us your face before you comment? Lalaki lang yan, he is not the only guy on earth para pag-aagawan. You are still kids, enjoy it. School and Career muna.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • super_woman

    02/13/2011 | 03:20 AM
    Si bea, pag tinatanogn, wala daw syang gusto kay jhake. pero ngayon magagalit sya. i think dapat magpakatotoo sya. hindi yung sasabihin nya wala syang crush para magmukang inosente. kaya hindi masyadong nakakarelate sa kanya ang ibang tweens na fans nila josh, barbie, jhake, lexi, joyce etc ...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aquos11

    02/13/2011 | 12:48 AM
    gene18spirit patulan ba ang bata?! i'm sure super ganda mo at rosy cheeks ka. mabait sya kya sana makita ng tao un. she's fun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • holly_heroes

    02/13/2011 | 12:40 AM
    Hormoens yan.... adolescent hormones kaya very emotional.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • caboodles28

    02/12/2011 | 10:38 PM
    naku mga ineng mag-aral muna kayo. yan dapat ang unahin nyo. wag yang mga kaartehan at kalandian inaatupag nyo. sabihin nyo sa mga magulang nyo mag aral muna kayo at wag isabak sa pag aartista. imbes na mag aral ginagawang trabaho ang pag aartista nakakalimutan na tuloy ang importance ng studies. ang babaw pa ng dahilan nyo, lalake! kakahiya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hellotweety_87

    02/12/2011 | 10:00 PM
    sus c bea pagtinatanong if crush nya c jhake lagi cnasabi hindi, taz pag may umamin crush c jhake or crush ni jhake nagagalit...dapat kay bea magpakatotoo cya, d puro pacute lang...di lang nman xa girl na mundo..pakipot pa ganun naman pala...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lola_koring

    02/12/2011 | 09:53 PM
    good, u don't need to be afraid of Bea, coz , kuya germs will soon get mad at u. sana wag i-delete ng moderator.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • eskandalosa

    02/12/2011 | 08:22 PM
    she's beautiful like Rhian Ramos, just a few more workshop i guess she's soon to be a star.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gene18spirit

    02/12/2011 | 08:14 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About