"It's so convenient na huwag mong sabihin kung sino para ma-deny mo later. But kung sinabi nga sa 'yo na may ganoon, parang mapapaisip ka rin, mukhang ako nga yun," says Sharon Cuneta about Hayden Kho Jr.'s tweet.

Photo: Noel Orsal & Sany Chua

Muling nagsalita ang Megastar na si Sharon Cuneta tungkol sa kontrobersiyal niyang billboard para sa Marie France.

Una nang sinagot ni Sharon ang naturang isyu sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa artikulong lumabas noong Miyerkules, February 9, dito sa PEP. (CLICK HERE to read related story.).

Sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, February 13, sinabi ni Sharon na may duda siya kung saan nagsimula ang mga batikos sa kanyang billboard.

"Siguro kaya nagkaroon ng maraming reaction, yun nga, it's a big business. Ang beauty business, slimming business, mga hundreds of millions ang pinag-uusapan diyan. 

"Let's just say na puwedeng competitor, puwede rin naman isang tao with an axe to grind. 

"Wala, mahirap magsalita kasi parang ayokong pumatol sa isang hindi kapatol-patol," saad ng Megastar.

Ilan sa kritisismong lumabas sa billboard ni Sharon ay iba raw ang nakikita sa kanyang billboard at iba rin ang nakikita sa personal kaya hindi raw ito "truthful."

Sabi naman ni Sharon, "What do you think? Napakalayo ba ng hitsura ko doon sa billboard ko at sa after picture? 

"Kasi, ganito 'yan, ang lahat ng pictorial namin sa Marie France, yung nakikita n'yo na before and after, yung naka-blue ako, naka-gown na best gift for my 45th [birthday], at yung mga lumalabas sa diyaryo, pati ang mga hindi pa lumalabas, isang pictorial lang po yun.

"Siyempre, namimili kami dahil meron namang nakikita pa ang konting bilbil ko. Siyempre, namimili kami na maganda naman ang ipe-present na hitsura ko.

"Pero walang dinaya do'n," diin ni Sharon.

"Bakit? Kasi po, it's a series of billboard na lalabas over coming several months. Yung progress ng weight loss ko at iba pang model ng Marie France, sinusundan nila. 

"Yung first 20 pounds, after that, kukuha ulit ng litrato for the next 20 pounds. Hanggang yun, you reach your ideal weight. Para maipakita na it's working and it's gradual. 

"So, hindi puwedeng agad-agad sirain. Feeling ko, ano yun, was it my angle or was it my pose? But I can assure you, God is my witness, those pictures were not altered to make me look good and thinner at that time."

Dagdag pa niya, "Ang sa akin lang, sentido kumon, you come out with the billboard like that and you see this girl in TV shows, like The Buzz or in Star Power, every week, kung nanonood sila, tapos parang iba ang hitsura. Ang laki-laki ko sa Star Power, pero sa billboard ng Marie France, ang liit-liit ko. Sino po ba ang magmumukhang tanga ro'n, di ba, ako at Marie France?"