Daniel Matsunaga says he likes "everything" in girlfriend Heart Evangelista.

 

"Lahat. That's why I chose her. She's a super nice person, very intelligent, beautiful, always happy. Very special," he says.

 

Photo: Noel B. Orsal

Nakasama ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga noong Sabado, February 12, mula 6 p.m. hanggang lampas na ng hatinggabi.

Sinamahan namin si Daniel sa isang bikini contest sa Sta. Lucia East Grand Mall sa Cainta, kung saan siya nag-perform ng dalawang kanta. Nakausap namin ang model-actor mula sa isang mall malapit sa bahay nito sa Makati hanggang sa venue ng paligsahan.

Maganda ang mood ni Daniel noong araw na 'yon. Kahit na halos apat na oras siyang pinaghintay sa venue bago siya nakakanta ay nakangiti pa rin nitong binati ang mga nanonood ng bikini contest.

Habang naghihintay ay napag-usapan namin ni Daniel ang relasyon nila ng kanyang kasintahan na si Heart Evangelista, na nagse-celebrate ng kanyang 26th birthday ngayong Valentine's Day, February 14.

Ayaw sabihin ni Daniel kung ano ang gagawin niya para kay Heart ngayong araw. Surpresa raw ito para sa kanyang minamahal na kasintahan.

"It's her birthday, the same day. So for sure, I'm planning a lot of stuff to do nicely for her," saad nito.

Tila yata engrande ang party na inihahanda ni Daniel, dahil marami ang imbitado rito.

"And she doesn't expect anything. She doesn't know anything, like she just thinks there will be something for her in Party Pilipinas, and then a dinner with her family after. She just thinks like that. But then, I'm really planning something for friends and everybody," sabi ni Daniel.

DATING DETAILS. Hindi lang daw date ang gagawin nila ni Heart mamayang gabi dahil madalas naman nila itong ginagawa.

Ang paborito raw nilang puntahang mga restaurants ay ang Kai Restaurant sa Greenbelt, at ang Chili's Bar and Grill. Hilig din daw nilang manood ng mga pelikula.

Bago raw pumasok sa sinehan ay pinag-uusapan muna nilang dalawa kung ano ang papanoorin. Magkaiba kasi ang gusto nilang genre ng pelikula.

Paliwanag ni Daniel, "Well, I prefer more action movies. Horror movies, I like. But she likes more of love, romance, you know? That kind of style. So we do all, we do all. If we have two movies, we just talk to each other like, 'Can I watch this one today, and next time we watch yours?'"

Dahil daw sa dami na ng mga napanood nilang pelikula ay hindi na niya matandaan kung ano ang paborito ng girlfriend.

"Well, there's a lot. It's a lot of movies we have watched together. I have no idea," sabi ni Daniel bago tumawa.