Sid Lucero (left) and model Mikael Daez were chosen by GMA-7 to be Marian Rivera's leading men on GMA-7 epicserye, Amaya.

Photo: Noel Orsal / Candy Magazine

Pagkatapos ng mahabang paghahanap ay natagpuan na rin ang magiging leading men ni Marian Rivera sa epicserye ng GMA-7, ang Amaya.

Sila ay sina Sid Lucero at Mikael Daez.

SID LUCERO. Si Sid ang isa sa itinuturing na pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon na mula sa showbiz clan na Eigenmann. Anak siya ng mahusay ring aktor na si Mark Gil at ng dating model na si Bing Pimentel.

Identified si Sid sa ABS-CBN kung saan ginawa niya ang mga sumusunod na teleserye: Kung Fu Kids, Ligaw Na Bulaklak, Flash Bomba, Gaano Kita Kamahal, Dahil May Isang Ikaw, Magkano ang Iyong Dangal?, Habang May Buhay, at Alyna.

Pero hindi Amaya ang magiging unang proyekto ni Sid sa Kapuso network. Napanood na siya noon sa Narito ang Puso Ko, Hanggang Kailan, Darna (2005), at Etheria.

Apat na Best Actor awards na ang napalanunan ni Sid para sa pagganap niya sa indie films na Donsol, Tambolista, at Selda.

MIKAEL DAEZ. Si Mikael naman ay isang professional model na nakakontrata sa Mercator Model and Talent Agency, na pinamamahalaan ni Jonas Gaffud.

Ang Mercator din ang humahawak sa career ng Brazilian-Japanese hunks na sina Akihiro Sato, Daniel Matsunaga, Fabio Ide, at Hideo Muraoke.

Si Mikael, 23, ay graduate ng Business Administration sa Ateneo de Manila University. Masasabing "true-blue Atenean" siya dahil mula grade school hanggang college ay sa Ateneo siya nag-aral.

Bukod sa print ads, nakagawa na rin ng ilang TV commercials ang six-footer na model. Ilan sa mga ito ay para sa Jollibee Champ, Dole, at SM.

THE SEARCH. Bago napili sina Sid at Mikael ay ilang pangalan din ang lumutang at napabalitang makakapareha ni Marian. 

Ilan sa kanila ay ang Kapamilya stars na sina Zanjoe Marudo, Diether Ocampo, Tom Rodriguez, at Derek Ramsay; ang Kapuso stars na sina Geoff Eigenmann, Mike Tan, JC Tiuseco, at Luis Alandy; at ang models na sina Jome Silayan at Benedict Campos; at maging ang ex-boyfriend ni Marian na si Ervic Vijandre.

Hindi sigurado kung totoong inalok silang lahat o nag-audition sila talaga para sa role.

Sa huli ay sina Sid at Mikael nga ang napili.

Si Mikael ay napili pagkatapos niyang mag-audition sa role ng isa sa magiging kapareha ng itinuturing na premiere female star ng Kapuso network.