news

Melai Cantiveros receives a ring—still with its tag price—from boyfriend Jason Francisco on their first anniversary
by Nica Tomines posted on February 18, 2011  STATS: 40372 Views | 13 Comments

 

Melai Cantiveros (in photo) and boyfriend Jason Francisco topbill the newest afternoon series of ABS-CBN titled Precious Heart Romances Presents Mana Po

 

Punung-puno ng halakhakan ang press conference ng pinakabagong afternoon series ng ABS-CBN na Precious Heart Romances Presents Mana Po kahapon, February 17, sa 14th floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

Ito ay dahil na rin sa sagot ng cast members, na pinangungunahan ng magkasintahang Melai Cantiveros at Jason Francisco, sa mga tanong ng press.

Pagkatapos ng general presscon ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na makausap si Melai.

TWO-IN-ONE CELEBRATION. Unang kinumusta kay Melai ang naging Valentine date nila ng kasintahan niyang si Jason.

Aniya, may taping sila noong mismong Araw ng mga Puso, February 14. Pero sabay nilang ipinagdiwang ang Valentine's day at ang kanilang first anniversary bilang magkasintahan noong February 8.

"Sabi niya [Jason], package deal na daw yung aming date, sobrang pagkagastos niya," sabi ni Melai.

Naganap daw ang kanilang date sa Mandarin Hotel.

Kuwento ni Melai, "Nagulat nga ako kasi nag-absent siya sa taping ng Banana Split. Nag-taping kami ng Mana Po, tapos maaga siya natapos. Pagkaalis niya, nag-change location...

"Tapos, nagulat na lang ako bumili pala siya ng flowers at ibinigay niya sa akin ng alas-dose. Tapos, sabi niya, 'Meron tayong gagawin bukas, gala tayo.'

"Sabi ko, 'Meron akong gagawin, matatapos yun ng mga 7.' Nagpaalam daw siya kay Mama Bear (Cynthia Jordan, business unit head of Banana Split) na mag-a-absent siya, tapos nag-arrange pa talaga siya.

"Minsan lang kami mag-bonding nang ganun."

THE RING. Akala raw ni Melai ay bulaklak lang ang regalo sa kanya ni Jason.

"Binigyan niya ako ng ring!" bulalas niya.

Natuwa ang press sa sinabi ni Melai at saka sabay-sabay na nagtanong kung engagement ring na ba ito.

Hindi pinansin ni Melai ang tanong at ipinagpatuloy ang kanyang kuwento.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

13 Comments

  • 13  litalitz

    02/19/2011 | 01:34 PM
    sana medyo bawasan n melai ang sobrang daldal kc minsan hindi ndin maganda ang ganon, sk ang sobrang arte s pagsasalita ny. pero s totoo lang gusto ko cy, c jason kamukha ng anak n lorna at rudy fernandez.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  prettydoc

    02/19/2011 | 03:04 AM
    haha, kakatawa natural na natural.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  walau_we

    02/18/2011 | 10:32 PM
    parang kris in the making..hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  SpeedOfLight

    02/18/2011 | 09:58 PM
    naibalik na pala ni jayson yung ring ni gollum.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • paopingko

    02/18/2011 | 09:56 PM
    C-U-T-E
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • purelife

    02/18/2011 | 08:12 PM
    i want a charion
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • davao_fans

    02/18/2011 | 07:42 PM
    naka kaaliw c melai..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • filoz

    02/18/2011 | 07:33 PM
    totoong totoo. sana huwag magbago ang dalawang ito. keep it up Melason
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • bruha

    02/18/2011 | 07:08 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • winonao1

    02/18/2011 | 05:33 PM
    aw cute!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kapupuyucks

    02/18/2011 | 05:10 PM
    cute...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • rhyss

    02/18/2011 | 05:08 PM
    nice!goodluck melai and jason sa mana po
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kokuryu

    02/18/2011 | 04:25 PM
    hahahaha... love love melai... hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About