news

Tikoy Aguiluz's big comeback: He will direct two indies, El Presidente and Asiong Salonga

by William R. Reyes posted on February 19, 2011  STATS: 6740 Views | 1 Comments

Tikoy Aguiluz will direct two independently-produced projects, El Presidente (True Story of Gen. Emilio Aguinaldo) and Asiong Salonga (Kingpin Ng Tondo). Ang dalawang proyekto ay parehong pagbibidahan ni Laguna Governor (and former Pagsanjan, Laguna Mayor), Jorge "E.R." Ejercito Estregan.

 

Photo By: Noel Orsal

Award-winning and internationally-acclaimed filmmaker, Amable "Tikoy" Aguiluz IV, is making a big comeback, as movie director of two independently-produced projects, El Presidente (True Story of Gen. Emilio Aguinaldo) and Asiong Salonga (Kingpin Ng Tondo).

Ang dalawang proyekto ay parehong pagbibidahan ni Laguna Governor (and former Pagsanjan, Laguna Mayor), Jorge "E.R." Ejercito Estregan.

Dumalo sa malaking press conference kaninang tanghali (sa Zirkoh Bar, along Tomas Morato Ave., Quezon City) ang kilalang direktor at organizer ng taunang Cine Manila International Film Festival, gayundin sina Gov. E.R. at dalawa pa sa mga pangunahing tauhan ng produksiyon.

By local moviemaking standards, ang mga nabanggit ay maituturing na indie movies,  to be produced by Scenema Concepts International, na bagong tatag na production company at hindi kabilang sa mga establisadong kumpanyang pam-pelikula o ang tinatawag na mainstream movie studios.

Hindi pa nagpu-full blast ang parehong produksiyon, pero sa presscon ay ina-announce na isasali ang El Presidente sa Metro Manila Filmfest (MMFF) 2011, with a 30-second teaser na ipinakita sa mga dumalong press people.

Huling gumawa ng pelikulang pang-taunang MMFF si Tikoy Aguiluz, noong 2001, sa pamamagitan ng Tatarin na base sa maikling kuwentong "Summer Solstice" ng National Artist (for Literature) na si Nick Joaquin.  Ang pelikula, prinodyus ng Viva Films, ay tinampukan nina Edu Manzano at Dina Bonnevie.

Nauna rito, ginawa rin ng premyadong direktor (Segurista, Rizal Sa Dapitan) ang Dos Ekis, an action-drama, na pinagbidahan nina Mark Anthony Fernandez at Rica Peralejo.  Ang mga nasabing pelikula'y pawang prinodyus ng Viva Films, isa sa mainstream movie studios ng industriya noong 1980s hanggang sa kasalukuyan.

Huling nagdirek ng pelikula si Tikoy Aguiluz noong 2003, sa pamamagitan ng XXX (Webdiva) na naglunsad sa sexy actres na si Juliana Palermo.  Ang proyekto'y isa sa pinakaunang digital indie movies, na kabilang si Direk Tikoy sa mga taga-suporta. 

In fact, nang simulan ang taunang Cinemanila International Filmfest, noong 1999, ang mga low-budget indie filmmakers ang nag-benefit dahil nagkaroon ng pagkakataong mapansin ang kanilang mga pelikula, hindi lang sa bansa kundi sa iba pang festival abroad. 

At nagpatuloy ang pamumukadkad ng indie filmmaking, na siya ngayong lalong nagpapasigla sa local movie industry.

Meanwhile, ang mga nasabing proyekto ng Scenema Concepts ay may kaukulang budget na hindi kukulangin sa isandaang milyong piso (P100 million). Ito ay kinumpirma ni Gov. E.R. during the presscon.

"With a 100 million-peso budget, kahit sinong bidang artista, aangat ang career!" banggit ni Gov. E.R.

Ayon pa sa produksiyon, "Full support has been given [the project, specifically, El Presidente] by: 1) former Prime Minister Cesar (E.A.) Virata, the grand nephew of Aguinaldo; 2) the living direct descendants of Emilio Aguinaldo; 3) the National Historical Institute; 4) NCCA (National Commission for Culture and the Arts); 5) FDCP (Film Development Council of the Philippines); 6) FAP (Film Academy of the Philippines); 7) KAPPT (Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon; at 8) SM Cinema, Robinsons Galleria Theaters and Ayala Theaters..."   

FDCP FUNDING.  Noong 2009, bago matapos ang termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ay prinodyus ng FDCP, sa tulong ng iba pang ahensiya o sangay-pang-kultura ng pamahalaan ang epic musical na Emir, dinirek ni Chito Roño.  Ang humigit-kumulang na 70 milyong pisong budget na nailaan sa pelikula, diumano, ay nagmula sa Presidential social fund.

Kulang sa promosyon ang pelikula at sumemplang ito sa takilya.  Samantala'y magaganda ang natamong rebyu ng nasabing obra.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1 Comment

  • todonaito

    02/22/2011 | 03:45 PM
    goodluck kung umangat nga ang career ni ER Ejercito. May nagawa ba ang budget ng ROSARIO kay jennilyn mercado or BALER for Jericho Rosales? ER is so passe. do you think Vilma Santos backed out for that project dahil busy sya? Vilma and ER? Hello?????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About