John "Sweet" Lapus to sue columnist Jobert Sucaldito for false report

Trisha Alvarez
Monday, February 21, 2011 @ 06:46PM  |  215 views

 

"Jobert, tigilan mo na ako! Tigilan mo na ang paninira sa ibang tao. Tigilan mo na ang pagsusulat ng mali. Maawa ka sa sarili mo. Nawalan ka na nga ng TV show, mawawalan ka pa ba ng katiting na kredibilidad na meron ka?" says John "Sweet" Lapus (in photo) about columnist Jobert Sucaldito.

 

Photo By: Allan Sancon













"SWEET NAGWALA SA BAR"

Ito ang headline ng isang tabloid na lumabas noong Sabado, February 19.

Ang kabuuan ng report ay nasa artikulo ng kolumnista na si Jobert Sucaldito. Nakasulat dito ang eksenang ginawa diumano ni John "Sweet" Lapus matapos siyang makainom isang gabi sa The Library Comedy Bar & Restaurant sa Malate.

Ang pangungulit daw ng comedian-TV host sa isang lalaki ay muntikan nang mauwi sa hampasan ng bote ng beer kung hindi lang daw napigilan ang nasabing lalaki ng mga tagaroon.

IT NEVER HAPPENED. Pero pinabulaanan ng mga nakasama ni Sweet nung gabing yun na sina Andrew de Real at Philip Lazaro na may naganap na ganung insidente sa taped interview sa kanila ng Showbiz Central na inere nuong Linggo, February 20.

Ayon sa kanila, kaibigan pa raw mismo ng mga kasamahan ni Sweet ang naturang lalaki na nagngangalang Kiko.

Kuwento ni Andrew, na mas kilala sa tawag na Mamu at may-ari ng The Library, "February 14, nag-Valentine show si Philip at Sweet dito. Tapos siyempre, super-successful, naupo, nag-chill."

Dugtong ni Philip, "I was with Sweet at one table and some other friends, tapos si Mamu with some other friends sa kabilang table. Si Kiko was there, tapos may mga konting biru-biruan."

Dagdag pa ni Andrew, "Tapos, napunta yung topic sa mga lovelife-lovelife. Nagkaka-asaran, yung parang, 'Ay, ikaw wala kang lovelife, zero ka!'

"Nabato dun sa isang guy [Kiko], 'Ikaw syota ka ni Shalala!' Yung parang joke lang, parang... E, ano naman kung naging syota siya ni Shalala, e, okay naman si Shalala. Wala namang masama doon, pa-joke-joke lang."

Diin ni Philip, "Pero walang isyu na halos magpukpukan ng bote. We were both okay, we weren't drunk... Maaga pa yun, e."

Sabi pa ni Andrew, "Kung may mag-aaway, ako ang unang kokotong, ako muna ang aawat. So, umalis, nag-enjoy, nag-beso, nagpaalam pa sila, ganun lang kasimple.

"Tapos bumalik pa siya [Kiko] ulit dito, he was here last night. Tinatawag ko, dyino-joke ko siya, 'Mr. Shalala!' Sabi niya, 'Hindi totoo yun!' 'Ito naman, napakaseryoso, it was a joke.'"

SWEET FIRES BACK. Pagkatapos ng taped interviews kina Philip at Andrew, humarap si Sweet sa Showbiz Central co-host niyang si Raymond Gutierrez upang magsalita tungkol sa "maling balita" sa kanya.

Ano ang reaction niya sa version ng kuwento ng mga kaibigan niyang sina Philip at Andrew?

1  2  3  Next »

Related Articles

56 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name