Luis Manzano not closing his door to possibility of ending up with "soulmate" Anne Curtis

Rose Garcia
Tuesday, February 22, 2011 @ 03:50PM  |  68 views

 

"Siguro sa dami ng relationships na napagdaanan namin—from romantic, to best friend, to tampuhan—everything is parang there na. Kumbaga, nandoon ang mga sagot kung bakit hindi. Pero at the same time, kapag tinatanong, we have no guarantee or certainty of the future, e," says Luis Manzano on his relationship with Anne Curtis.

Photo By: Noel Orsal













"Nudest scene to date" ang description ni Luis Manzano sa ilang mga eksenang ginawa niya sa pelikula nila ni Anne Curtis na Who's That Girl?, na co-produced ng Viva Films at SMDC.

"I hope hindi naman mae-MTRCB dahil sayang naman ang ginawa ko!" natatawang sabi ni Luis nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon ng Who's That Girl? sa City Best Restaurant, Tomas Morato, kagabi, February 21.

Hindi kaya ma-shock ang kanyang ina na si Governor Vilma Santos kapag napanood ang sinasabi niyang "nudest scene" niya?

"Yun nga, e. Mukhang kailangan kong magpalit ng apelyido, e. Kung sa Cosmo nga, nagalit siya, dito pa? Ewan ko! Hindi ko alam kung tanggap niya ang ginawa ko dito or matatanggap niya ang ginawa ko dito. Kaya ko ngang sabihin na the nudest scene," ani Luis.

Bakit ba naging "nudest"?

"Hubad! As in hubad!" natatawa niyang sabi. "E, kasi, nagawa ko na sa Cute ng Ina Mo na may pigsa ako sa puwet, pinakita na yun. So, siguro naisip ni Direk [Wenn Deramas], 'Ano pa ba ang puwedeng gawin dito kay Manzano? Kung napakita na niya ang puwet, hindi naman niya puwedeng ipakita ang harap niya. So, paano mahaharap ang balanse?' Nakagawa ng paraan si Direk Wenn."

SOULMATES. Noon pa man ay sinasabi na nina Luis at Anne na "soulamtes" sila. Hindi rin nila itinatanggi na there was a time na "exclusively dating" sila. Pero consistent sila sa pagsasabing never na naging sila o naging magkasintahan sila.

Kumusta sila ngayon pagkatapos nilang gumawa ng tatlong pelikula na sila ang magkapareha?

"Well, nandiyan pa rin ang kislap sa mga mata niya kapag nakikita ko," sagot ng actor-TV host. "And time and again, uulitin ko, kapag si Anne kasi ang tumitingin sa akin, parang langgam sa asukal. Ang lagkit! 

"So, sinabi naman sa akin na, 'Luis, you have to work through it.' Yung gusto niya sa 'yo, kung paano niya seryosohin ang mga kissing scenes. 

"Kaya sabi ko, Direk, 'Kailangan bang i-rehearse yun sa standby area?' 'Hindi. Bakit?' 'Sabi ni Anne, gusto mag-rehearse ng kissing scene sa standby area.'

"So, nag-heart-to-heart naman. Sabi ko, respeto naman. Work is work. Dead na dead sa akin. Pero naiintindihan ko naman siya. Naiilang lang ako minsan kapag nagki-kissing scene dahil kini-kiss niya ako kahit wala," pambibiro ni Luis tungkol sa kanyang leading lady.

Afterwards, siya na rin ang nagseryoso at sinabing, "Actually, to be very, very serious, sinasabi na nga we're very, very unbelievably comfortable with each other. Talagang wala na, e. Wala nang ilangan. Kumbaga, hindi na yung, 'Okay, 'eto yung part na magki-kiss kayo.' Hindi na kami yung parang, 'Ay, patay, 'eto na...' Okay, kissing scene ulit."

Dahil kumportable na sila sa isa't isa, hindi ba sumagi sa isip nila na sana ay naging sila na lang?

"Siguro sa dami ng relationships na napagdaanan namin—from romantic, to best friend, to tampuhan—everything is parang there na. Kumbaga, nandoon ang mga sagot kung bakit hindi. Pero at the same time, kapag tinatanong, we have no guarantee or certainty of the future, e.

1  2  3  Next »

Related Articles

10 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name