One year and six months na makukulong sa Hong Kong si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson matapos mapatunayang nagkasala sa kasong illegal possession of drugs.

Photo: Mark Pimentel

Isang taon at anim na buwang pagkakabilanggo ang naging hatol ng Hong Kong court kay Ilocos Sur Rep. Ronald Singson para sa kaso nitong illegal possession of drugs.



Ngayong hapon, February 24, naganap ang pagbaba ng hatol kay Ronald sa Wan Chai District Court. Si Judge Joseph Yao ang nagbigay ng hatol.



Kinunsidera ng hukom ang guilty plea na inihain ng mambabatas at ng abogado nitong si John Reading para sa kaso.



Kinunsidera rin ang mga desisyon sa hearing na naganap kahapon, February 23, na "for personal consumption" lamang ang 6.67 grams ng cocaine at dalawang tablet ng Nitrazepam na dinala ni Ronald sa Hong Kong noong July 11, 2010. (CLICK HERE to read related story.)



Hindi umabot sa isang oras ang pagbasa ng hatol para kay Rep. Singson, na nasa isolation booth habang ginaganap ang huling hearing.



Matapos masabi ang jail term ay dinala na ang mambabatas sa inner chamber, at hindi na ito na-console ng mga kamag-anak na nasa loob ng courtroom.



Nasa courtroom din ang girlfriend ni Ronald na si Lovi Poe, na nalungkot umano sa hatol ng hukuman.