"Sa akin kasi, ayoko lang ng ganun at saka hindi pa rin siya nag-a-apologize, alam mo yun? Madali lang naman akong kausap. Pag sinabi niyang sorry, okay, goodbye! Wala, e, wala pa rin," says Princess Snell about fellow Survivor castaway Ervic Vijandre.

Photo: Noel Orsal

"Bad ako dito! Actually gustung-gusto ko yung role ko kasi ang role ko dito is addict ako sa surgery!" tumatawang bungad ni Princess Snell sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Lover, My Wife noong Miyerkules ng gabi, February 23, sa 17th floor ng GMA Network Center. 

"Ang mangyayari, friend ko si Nadine Samonte [as April], which is yung nanay niya is si Carmi Martin [as Ms. Charity]. Tapos, kasama ako sa lahat ng gagawin niya kay Maxene Magalona [as Vivian]. So, kaming dalawa yung tandem. So, 'yon, kontrabida. Excited ako kasi gusto ko yung ganito,  yung magagalit sa akin yung mga tao."

Bakit gusto niya yung kakainisan siya ng mga manonood?

"Hindi naman yung sa kinakainisan, pero gusto ko lang na mapakita sa tao na... Hindi pa kasi ako nabibigyan ng opportunity na umakting nang bonggang-bongga, which is sa Jillian [Namamasko Po!], sa Tween Hearts, more on pa-cute.

"Ito, more on, ano, e, masyadong kakaiba. So, 'yon yung gusto ko. Gusto ko yung controversial, yung challenging na role. Iyon yung gusto ko.

"At saka kakaiba itong... Kasi nabasa ko yung script, hindi siya katulad sa mga soap na nakita mo na pa-cute, pa-cute  lang. Masyado siyang daring talaga. So, iyon yung gusto ko."

ACTING OR HOSTING. Sa StarTalk TX, marami ang natutuwa sa kanya sa pagiging isa sa segment hosts ng show, lalo na sa "Tigbak Authority." Ano ang mas gusto niya, hosting or acting?

"Actually, pareho, pareho talaga. Kasi ang hosting sa akin, gusto ko yun, e. E, siyempre ang problema lang sa StartTalk, hindi  ko mapakita kung ano talaga ako. Kasi siyempre, kung ano lang yung nasa script, yun lang yung puwede mong sabihin.

"Which is dito sa My Lover, My Wife, ang maganda dito sa acting, mapapakita ko kung ano yung...kung saan talaga ako magaling or whatever.

"At siyempre, may script pa rin dito, pero more on free ka gumalaw, more on puwede kang gumawa ng expressions, hindi katulad sa hosting."

RETOKE BEAUTY? Since ang karakter niya sa My Lover, My Wife ay mahilig magparetoke, may niretoke na ba sa kanya sa tunay na buhay?

"Wala, everything, true!" tawa ni Princess.

Paano niya ginampanan ang role niya bilang retokadang babae?

"Well, sa akin lang naman kasi, sa akin kasi, ipasok mo lang 'yan sa utak mo, e. Hindi naman kailangang may ipapagawa [ipaparetoke] ka talaga."

Halimbawa may gusto siyang iparetoke sa katawan o mukha niya, ano iyon?