Radio jock and television host Mr. Fu will be working alongside ace comedian Joey de Leon in TV5's newest Sunday noontime offering titled Pinoy Samurai.

Photo: Sany Chua

In character na dumating ang radio personality turned TV host na si Mr. Fu sa press launch ng Tanghaling Go-Go-Go! block ng TV5 na ginanap noong Lunes, February 21, sa Broadway Centrum sa Quezon City.

Tatlong bagong shows ang ipinakilala ng Kapatid Network sa media during the event: Pinoy Samurai (12 nn), Lucky Numbers (1 p.m.) at Fantastik (2 p.m.).

Magsisimulang mapapanood ang mga programang nabanggit itong darating na Linggo, February 27.

Kabilang si Mr. Fu sa Pinoy Samurai, kung saan ay makakasama niya sina Rufa Mi (Kimonay), Wilma Doesnt (Itimpura), at ang beteranong komedyante na si Joey de Leon (Emperor Yoje).

"Ako naman si Gaysha!" masayang pagpapakilala ni Mr. Fu sa kanyang gagampanang character.

"'Yong concept nung show is meron kaming trenta na mga challengers na kailangan nilang makaakyat sa castle ni Emperor Yoje. Pero bago sila makapunta dun, may mga challenges silang dapat gawin para makarating sila dun. Ang makapunta dun, siya ang certified Pinoy Samurai."

Hindi kaya parang katulad lang ito ng hit Japanese game show na Takeshi's Castle?

"Some sort of like that," mabilis na tugon ni Mr. Fu.

"Parang medyo ganun ang peg, pero iba 'yong games. Maraming games: may dulas, meron pa ngang treadmill na may basketball, sumo wrestling, maze, tapos 'yong final round na may log.

"Hindi ko lang kabisado 'yong names nung mga games. Pero masaya siya and nakakatuwa."

A HAPPY KAPATID. Ang Pinoy Samurai ang pangalawang show ni Mr. Fu sa TV5 na kasama si Joey.

Magkasama din kasi ang dalawa sa hidden camera comedy show na Wow, Meganon!

"Super cool si Tito Joey katrabaho. Tapos marami kang matututunan sa kanya, tsaka mahilig siyang magkuwento ng mga experience niya. Kasi DJ si Tito Joey dati, e—'yon yung una niyang trabaho. E, DJ din ako ngayon currently, so nagkukuwentuhan kami. Merong mga kuwentuhan moments during the break. Tsaka 'yon cool na cool siyang kasama," kuwento ni Mr. Fu about working with Joey.

Halata naman na contented si Mr. Fu sa kasalukuyang itinatakbo ng kanyang career.

Bagamat hindi madali pagsabayin ang trabaho sa radyo at telebisyon at iba pang "racket" on the side, hindi naman nagrereklamo si Mr Fu lalo pa't alam niya na hindi lahat ng nasa showbiz ay pinapalad na mabigyan ng proyekto.