"I'm happy for them. Siyempre everybody deserves their level of happiness and I hope that happiness will stay forever or for a lifetime," says Gabby Concepcion about the relationship of daughter KC with Piolo Pascual.

Photo: Noel Orsal

Marami ang nakakapansin na hindi visible ngayon sa mga show ng ABS-CBN si Gabby Concepcion. Kung dati ay hindi siya nababakante sa paggawa ng mga teleserye mula nang bumalik siya sa Pilipinas, ngayon ay tila nawawala na sa limelight ang aktor.

Sa presscon ni Gabby para sa Sustagen Premium noong nakaraang linggo, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gabby kung may offers ba siyang natatanggap mula sa ibang istasyon at kung mananatili pa rin ba siya sa Kapamilya network.

"May mga offers mula sa kabilang istasyon. But, right now, I'm definitely with ABS pa rin. Marami kaming naka-schedule na shows abroad, magko-concentrate muna ako sa mga yun," sagot ng dating matinee idol.

Dagdag niya, "Hinihintay ko pa yung tamang project for a teleserye. Ayoko kasing magbigay sa audience ng project na walang ipinagkaiba sa mga ginawa ko last year. I have to be different coz I owe it to them. Gusto ko maging interesting ang ibibigay ko sa kanila, gusto ko bago. 

"Marami akong natatanggap na e-mails kung kailan kaya ako gagawa uli. Sa akin kasi, mahirap yung gumawa ng kung ano na lang. Katulad nung bago ako gumawa ng teleseryes, yung sa MMK [Maalaala Mo Kaya], tatlong scripts ang pinagpilian ko and it turned out na maganda naman.

"Nagpapasalamat ako sa ABS na magaganda ang mga ginagawa nilang mga teleseryes. At yung mga pool of writers and directors nila, magagaling talaga."

KC & PIOLO. Naging bukas na sa kanilang relasyon ang anak ni Gabby na KC Concepcion at ang matinee idol na si Piolo Pascual. Bilang isang ama, sinabi ni Gabby na boto siya kay Piolo para sa panganay na anak.

"I'm happy for them," sambit ni Gabby. "Siyempre everybody deserves their level of happiness and I hope that happiness will stay forever or for a lifetime. 

"Ganun naman talaga ang magulang, kung saan magiging masaya ang anak mo, dun ka. Basta nandito lang ako para suportahan ko silang dalawa.

"Basta ang sinasabi ko lang kay KC, she has to be ready with all the intrigues. Life is not a bed of roses, especially in show business.  Maraming intriga, paghandaan niya yun."

Ayon kay Gabby, hindi pa pormal na naipapakilala ni KC sa kanya si Piolo bilang boyfriend niya.

"Hindi pa. But now it's out, ngayong inamin na nila, napag-uusapan na namin si Piolo noon pa.

"Saka okay naman siya. Mabait naman si Piolo. Wala naman akong masasabing masama sa kanya. Okay si Piolo para sa akin."

SHARON CUNETA. Bagamat matagal na silang hiwalay ng dating asawa na si Sharon Cuneta, hindi pa rin maiwasang tanungin si Gabby tungkol sa mga pangyayari o maging sa mga isyu na kinahaharap ng Megastar.

Isa na nga rito ang isyu ng aktres at ni Hayden Kho Jr. dahil sa billboard ni Sharon para sa Marie France.