news

Marian Rivera on Dingdong Dantes: "Ang relationship namin, parang ang smooth talaga. May nagiging lubak man, napapatag pa rin."

by Rose Garcia posted on March 1, 2011  STATS: 41072 Views | 144 Comments

 

"Mahirap din kasing i-please ang mga tao. Ang importante, kaming dalawa ay nagkakaintindihan kami sa mga bagay-bagay na, alam mo yun, kaming dalawa ang nakakaintindi," says Marian Rivera about the intigues on her relationship with boyfriend Dingdong Dantes.

Photo By: Noel Orsal

Larawan ng kasiyahan si Marian Rivera sa relaunching ng Yes Pinoy Foundation (YPF) na ginanap noong Linggo ng gabi, February 27, sa NBC Tent sa The Fort, Taguig City.

Bilang girlfriend ng founder at chairman ng YPF na si Dingdong Dantes, naipakita ni Marian ang buong suporta niya sa boyfriend at sa foundation nito.

"Siyempre, hindi lang ako, lahat kami ng mga taong naniniwala sa kanya ay sobrang proud. Alam mo yung nalagpasan ang expectation namin sa kanya," sabi ni Marian sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Talagang naglalaan daw ng panahon si Marian para sa YPF tulad noong araw na yun.

"Hindi lang sa araw na ito dahil simula pa lang na inisip niya itong Yes Pinoy Foundation, nasa likod na niya ko at hanggang ngayon, siyempre, sumusuporta pa rin. 

"Sabi ko nga, wala man akong maitutulong sa mga brainstorming nila, pero nandiyan yung love ko, prayers. At saka, ipinagluluto ko sila sa meetings nila. Sabi ko, yun lang talaga ang maitutulong ko sa kanila," pahayag ng aktres.

Tinanong ng PEP si Marian kung totoo bang siya ang dahilan kung bakit nabuo ang Yes Pinoy Foundation, gaya ng laging binabanggit ni Dingdong?

"Hindi lang siguro ako. Nasasabi lang siguro niyang ako, pero alam ko naman na mas maraming dahilan kung bakit niya ginagawa yun dahil napakabuti niyang tao. Yun ang totoong dahilan," sagot niya.

Nakita raw ni Marian ang pagiging hands-on at effort na ibinubuhos ni Dingdong para sa YPF.

"May mga araw 'yan na talagang nagte-text na talagang nai-stress na siya.  Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya from scratch," aniya.

Bilang girlfriend, sa paanong paraan naman niya naipapakita ang suporta niya kay Dingdong?

"Tine-text ko siya. Pinapadalhan ko siya ng mga sweet messages. At saka, palagi kong sinasabi sa kanya na, 'Kaya mo 'yan. Hindi ibibigay sa 'yo ni Lord 'yan kung hindi mo kayang gawin dahil alam niya na ikaw ang magiging way para tumulong sa ibang tao.'"

FIRST LADY? Biniro namin si Marian na "very first lady" ang dating niya nang magkatabi silang sumalubong ni Dingdong sa panauhing pandangal noong gabing yun na President Noynoy Aquino, together with GMA Network Chairman Atty. Felipe Gozon at DSWD Secretary Dinky Soliman.

"Hindi!" bulalas niya. "Natatawa nga ako kasi yung pinaka-bodyguard ni President Noy, tinawag ako. Sabi niya, Ma'am, puwede po bang pumunta kayo sa entourage ni President?' Sabi ko, 'Ako, sasama?'

"Ang ginawa ko, nag-mingle pa ako, kasi yung mga friends ko, nandito.  Nag-thank you pa ako na nagpunta sila rito dahil alam kong naglaan pa sila ng oras. It's a Sunday, it's a family day, pero nandito sila. 

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

144 Comments

  • 44  MDgirl

    03/02/2011 | 03:41 AM
    Nakakatawa talaga mga tao dito. Simple lang naman ang sinabi ko ah. Na sana may ibang article naman tungkol kay Marian..hindi lang puro love life niya. Hay nako, wala naba talagang opinion dito na hindi aatakehin ng mga fans ni Marian? Wala namang akong sinabing masama. Hindi ko naman siniraan si Marian. Grabe talaga...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  010605010605

    03/02/2011 | 03:29 AM
    cute clang dalawa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  manangdi

    03/02/2011 | 03:02 AM
    Kung bakit naman kasi binabasa nyo pa at pinagkakaabalahan pa ninyong magcomment eh, you don't find it interesting naman pala, ano kayo mga sira? ayaw nyo naman pala sa mga subject ng article, pakalat kalat kayo dito sa article ng may article. Instead, have your fave celeb pay someone to write something about them. You don't find it interesting pero nandito kayo, ang gulo nyo, huh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  tetchie_s

    03/02/2011 | 02:56 AM
    tingin ako ng tingin sa picture ng Dongyan sa taas sobrang ganda kasi... di nakakasawa beutiful couple talaga...at sayo mdgirl ang walang bago bitter pa rin..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  ehemm

    03/02/2011 | 02:41 AM
    mdgirl, sa wala nang iba e. the interest has waned. but for her pans, interesting yon lols. it makes them kilig kaya pagbigyan mo na. yun lang ang happiness nila lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  landstown

    03/02/2011 | 01:24 AM
    ang ganda ni marian sa picture at ang guapo ni dong.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  gaila

    03/02/2011 | 01:10 AM
    one of a kind couple who exist in a very pretentious world. sana kasalan na !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  gaila

    03/02/2011 | 01:05 AM
    wow na wow... love it !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  TheRealKhikkai

    03/02/2011 | 12:44 AM
    naiinip na kami mapanood ka Marian sa tv! paki bilisan naman GMA at masyado nyo kami pinasasabik...grrrrr
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  strawberry5

    03/02/2011 | 12:36 AM
    28 MD girl Ang sabihan mo ang mga writers at columnists dahil sila ang nagtatanong at natural namang sagutin lang ni Marian ang tanong. Naku, wala ka lang maipintas. Manahimik ka at kung sawa ka na, huwag kang magbasa..dahil hindi ka kakulangan...iisa ka lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  strawberry5

    03/02/2011 | 12:33 AM
    28 MD girl - kung nagasasawa ka sa mga articles about Marian and Dingdong's relationship. Simple lang ang solusyon - eh di huwag kang magbasa at huwag mag comment. Lumalabas ang inggit mo eh! Wala kang magagawa at talagang silang 2 ang No. 1 lovepair, off and on screen!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  jagjof

    03/02/2011 | 12:33 AM
    MDgirl, parang mas masigasig ka pa na sundan si MR sa mga artikulo nya, kaysa sa aming mga fans........alam na alam mo lahat ang nangyayri sa buhay nya at sabi mo walang bago....lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  strawberry5

    03/02/2011 | 12:31 AM
    Both Dingdong and Marian are super blessed to have each other. Their relationship has surpassed a lot of trials and this only shows, they really love and trust each other. Marian is a good wife material - she cooks, she is very very pretty even without makeup, she dresses well, she takes care of her man, she loves her family, a true friend, generous, etc. What more can a man ask for? She really inspires Dingdong to be the best he can in any undertaking like this Yes Pinoy Foundation!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  boloboy1000_diva

    03/02/2011 | 12:24 AM
    ganda nyon dalawa... love q kau both.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  kapusoako007

    03/02/2011 | 12:17 AM
    nagseselos at naiinggit ako kay 3D. takte. ang swerte mo Pare!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  djrw76

    03/02/2011 | 12:14 AM
    MDGirl, eh yun ang tinanong sa kanya for this article. Alangan namang biglang nyang isingit ang promo sa Bampirella, Amaya, at upcoming movie kung di naman yung ang tinatanong. May article na rin about doon dito sa PEP, isa-isahin mo na lang yung mga Marian links.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  MDgirl

    03/02/2011 | 12:07 AM
    Wala bang bago sa buhay ni Marian R? Lagi na lang kasi nasusulat yung tungkol sa relasyon nila. Nakakasawa na. Oo na nag mamahalan na kayo, oo na, magpapakasal di kayo. Alam na naming lahat yun. Wala na ba talagang iba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  msmaverick09

    03/01/2011 | 11:53 PM
    I never have so much admiration for an artist than i have with Marian. She is so simple, yet so true. Unpretentious and so submissive. So humble but has elicited so much respect and adulation from many for the person that she is. She is one great woman. Ang suwerte suwerte mo talaga PaRE! Huwag mo nang pakawalan! God bless and protect DongYan always! Cheers to a happy life together DY!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  happygolucky

    03/01/2011 | 11:12 PM
    It takes a very humble person to admit na kung wala siyang maitutulong sa brainstorming... sa ibang paraan na lang. At sobrang nakaka-touch na sinabi ni Marian, gagawin naman niya lahat para kay Dong. What a beautiful, heartfelt interview. And YES, Marian, tama si Dong -- ang GANDA, GANDA mo nga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  djrw76

    03/01/2011 | 11:03 PM
    It's so fun to read Marian's articles. Malaman, masaya, to the point, may sense, at walang pa-cute ka-ek-ekan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About