Young balladeer Gerald Santos finds new home in TV5's Fantastik

Rommel Gonzales
Wednesday, March 02, 2011 @ 04:45PM  |  7204 views

 

"Ang edge nito, ako, ang masasabi ko po, ang meron dito sa show na 'to, may puso po ang show na ito kasi talagang...yung iba yung team namin dito. Talagang iba yung samahan. So, kung may samahan, mas makakapagtrabaho po nang maayos bawat artista," says Gerald Santos about his new show, Fantastik.

Photo By: Sany Chua













Ang young balladeer na si Gerald Santos at ang Star Factor runner-up na si Morisette Amon ang singing duo sa bagong Sunday musical-variety show ng TV5, ang Fantastik.

"May segment po kami, ang title, 'Heartbeats,'" banggit ni Gerald nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng Sunday block ng TV5.

Biniro namin si Gerald kung ganoon niya kabilis napalitan ang dati niyang kasamahan sa GMA-7 na si Jonaly Viray. Parehong winners ng singing search ng Kapuso network na Pinoy Pop Superstar sina Gerald at Jonalyn; si Jonalyn ang nanalo noong Season 1 at si Gerald naman noong Season 2.

"Hindi naman po!" tumatawang sabi ni Gerald. "Si Jonalyn, friends naman kami ni Jonalyn, e. Nagkaka-text-an pa rin, pag may mga shows, nag-i-invite-an pa rin kami to each other. Pero ganun na lang. Hindi na po nagkikita, e."

Baka biruin siya ni Jonalyn na ipinagpalit na niya ito kay Morisette?

"Okay lang!" at muli siyang tumawa. "Ano naman kami nun, e, kalog din naman kasi si Jonalyn, so ano lang yun, joke lang yun."

Sa ngayon, wala pang girlfriend si Gerald. Hindi kaya ma-develop silang dalawa ni Morisette?

"Older po ako sa kanya, e," sagot ng binata.

Fourteen years old lang si Morisette at 20 naman si Gerald.

Dagdag niya, "Tingnan po natin. Hindi po puwedeng magsalita ng tapos, hindi po ba? Ngayon, nasa getting-to-know-each-other stage pa lang po kami."

Pero dahil bata pa nga si Morisette, hindi raw siya nanliligaw dito.

FREELANCER. May exclusive contract ba si Gerald sa TV5?

"Hindi pa po. Wala pa po akong contract sa kahit na saang network," sagot niya.

Sa Fantastik lamang daw ang contract niya.

Bukod sa pagkanta, open din si Gerald sa acting projects.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name