Tingin ng manager ni Nonito Donaire Jr. na si Cameron Dunkin matagal nang problemado ang relasyon nito sa kanyang ama.

 

"I think their relationship was stressed, and there was a lot of stress on Nonito, by his father who wanted him at home with him every minute. He wanted to control every aspect of his life, everything from his, you know, who he dated, who he saw, what he ate, what he did everyday, his boxing, his living, you know? Everything about him, every aspect of his life, his father wanted to control, and I think that it was just too stressful for him as he became a man, and as he got older," saad ng manager ni Nonito Jr.

Photo: Noel B. Orsal

May kumakalat na video ngayon sa YouTube kung saan ini-interview si Cameron Dunkin, ang manager ng champion boxer na si Nonito Donaire, Jr.

Ang video sa YouTube ay in-upload noong February 26 ni bmxbike247. Isa pa lamang ang video na ina-upload ng taong ito sa nasabing video-sharing website. Mapapanood ang video sa link na ito: (CLICK HERE to watch the video.)

Nanalo si Nonito Jr. sa kanyang laban sa Mexican fighter na si Fernando Montiel noong February 19, kaya naman tungkol dito ang unang tanong sa interview.

"Felt terrific about the win. Very excited. Excited for Nonito. It's like it all culminated together, all the years of hard work the came together. You couldn't have a more explosive, perfect, perfect performance. It was absolutely perfect," saad ni Cameron tungkol sa nakaraang laban ng Pinoy boxer.

FATHER-SON RELATIONSHIP. Pagpapatuloy ng boxing manager, bago ang laban ay mas naging concerned siya sa mental health ni Nonito Jr. kaysa sa physical capacity nito. Baka raw kasi naapektuhan si Nonito Jr. ng problema sa kanyang pamilya.

Matagal na kasing napapabalita ang hindi pagkakasundo ni Nonito Jr. at ng kanyang amang si Nonito Donaire Sr. Si Donaire Sr., na dating sundalo, ang dating trainer ng kanyang anak na boksingero.

Nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon noong huling bahagi ng 2008 dahil sa isyu sa pera.

Paniniwala ni Cameron, problemado na umano ang relasyon ng mag-ama sa simula pa lamang.

"I think their relationship was stressed, and there was a lot of stress on Nonito, by his father who wanted him at home, with him every minute.

"He wanted to control every aspect of his life, everything from his, you know, who he dated, who he saw, what he ate, what he did every day, his boxing, his living, you know?

"Everything about him, every aspect of his life, his father wanted to control, and I think that it was just too stressful for him as he became a man, and as he got older," saad ng manager.

FORGOTTEN ADVANCES. Ikinuwento rin ni Cameron ang ugat ng paghihiwalay ng landas ng mag-ama. Noong November 2008, panahon ng labang Donaire-Moruti Mthalane, ay may mga ginawa umanong hindi kanais-nais si Nonito Sr. na may kinalaman sa pera.

Una raw na napagkasunduang mapupunta kay Nonito Sr, bilang trainer, ang 10 percent ng kikitain ng anak. Ngunit pinataasan daw ito hanggang 12 percent, para maging $30,000 sa kabuuan.

Saad ni Cameron, "At first, he's gonna pay his father 10 percent, which is $25,000. He wanted 12 percent, Nonito agreed to that, to paying $30,000. After they settled on the 12 percent, his father was still not happy, but he settled and said he would do it."

Matapos daw ito ay nanghingi ang ama ng ilang cash advances, na binigay naman ni Nonito Jr. Umabot daw sa kulang-kulang $10,000 ang advances.