news

Shaina Magdayao says intrigues make her relationship with John Lloyd Cruz stronger

by Melba Llanera posted on March 3, 2011  STATS: 905 Views | 23 Comments

 

"We have an open communication, and I can say na kung anuman yung mayroon kami, at kung anuman yung nababalitaan ng ibang tao, wala pa yata sa kalahati nung kung ano talaga yung nangyayari sa amin. We'd lke to keep it that way, we'd like to keep it private," says Shaina Magdayao about her relationship with boyfriend John Lloyd Cruz.

Photo By: Noel Orsal

Sa dami ng mga intriga at pagsubok na pinagdaanan ng relasyon nina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz, inakala ng iba na mauuwi ito sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magkasintahan at maaaring humantong sa breakup.

Pero taliwas sa inaasahan ng iba, tuloy pa rin ang relasyon ng dalawa. Masaya at kuntento rin daw sila sa itinatakbo ng kanilang relasyon.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Shaina, sinabi niya na ang mga intriga at kontrobersiya na pinagdaanan nila ni John Lloyd ang nagpatatag at nagpatibay ng kanilang pagsasama.

"Feeling ko nga, hindi kami tatagal nang ganito kung hindi yun [mga intriga] ibinigay sa amin ni Lord. Para kasing it's very rare na nalalampasan yung ganung... Usually, pag tine-test yung relationship, once na ma-test yung relationship na yun, tapos na. Yun na yung breaking point ng relationship.

"Pero imbes na mag-break kami, parang mas tumibay pa. You always think the positive way, dapat magpasalamat ka na binigyan kayo ng ganung problema. Ngayon, ganito kayo katatag," sabi ng 21-year-old actress.

SECRET TO SUCCESSFUL RELATIONSHIP. Para kay Shaina, ang pagiging bukas nila sa isa't isa at privacy ang ilan sa mga susi sa tagumpay ng relasyon nila ni John Lloyd.

Aniya, "We have an open communication, and I can say na kung anuman yung mayroon kami, at kung anuman yung nababalitaan ng ibang tao, wala pa yata sa kalahati nung kung ano talaga yung nangyayari sa amin. We'd lke to keep it that way, we'd like to keep it private. 

"So far, kung paano namin ina-approach ang relationship namin, it's working. Kahit na sobrang mayroon mang negative na lumabas or tsismis, nasa amin yun kung hahayaan naming manghimasok sila, and we always see to it na hindi sila puwedeng manghimasok. You can always say what you want to say, pero nasa amin yun kung magpapaapekto kami."

Paano ba sila nag-i-spend ng quality time together, lalo na't isa sa pinakasikat na aktor sa bansa ang kanyang boyfriend?

"Akala ko mahirap, pero wala naman siyang paghihirap na ibinibigay sa akin, wala naman. He always sees to it na magkakaroon kami ng time together. 

"Sobrang saya naman pag nagagawa namin yung nagagawa ng mga normal na tao. Yung mga kumain sa restaurant, yung magkaroon ka ng day-off, yung makanood ka ng movie, sobrang feeling mo, totoong tao ka. 

"Yung nae-experience mo yung nae-expereince ng lahat ng tao. Sobra naming thankful pag nagkakaroon kami ng chances na ganun.

"John Lloyd is a good person, mabuti siyang tao," sabi ni Shaina.

ON WORKING TOGETHER. Nagulat naman kami nang sabihin ni Shaina na hangga't maaari ay ayaw niyang makasama sa trabaho si John Lloyd.

"When it comes to personal life, you have to keep it private. Kaya nga hindi ko kaya na ang ka-partner ko ay ang karelasyon ko, kasi dun mag-i-start yun. 

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

23 Comments

  • 23  ultimatetmd

    03/16/2011 | 06:27 AM
    even though she has no project at the moment, she's been asked for interviews...that means she's still a star...SHE IS THE ULTIMATE HEART DRAMA PRINCESS.... She DESERVES all the blessings that she has right now...We ARE all excited to see you on tv for new teleserye...PAGING ABS-CBN pls....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  aiveec

    03/05/2011 | 12:09 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  jemorz

    03/04/2011 | 08:23 PM
    hndi pala seloso c johnloyd kaya ok lang na mkipagkissing scene o leptulep c shaina sa iba
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  lovedove

    03/04/2011 | 12:21 PM
    hahahhaha oo nga sabe niya "strong daw" at "open daw" sila sa isa't isa .. hindi nga? open nga ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  shidax

    03/04/2011 | 07:24 AM
    i like her maganda, malumanay magsalita at mabait.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  maeve27

    03/04/2011 | 06:57 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  kidest

    03/04/2011 | 05:42 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  kidest

    03/04/2011 | 05:37 AM
    ano ba ito... sinabi na nya ito noon ah....jawsko ko naman. para lang mapagusapan uli... puede ba. gumawa ka na lang ng ibang gimmick. arte mo lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  bostongirl

    03/04/2011 | 02:41 AM
    malabo na yata ang mga mata ko, ano daw ang strong???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  benj_aquino59

    03/04/2011 | 01:45 AM
    whatever shaina, u still got ur match..u played john prats with JL and JL played with u too! to each its own!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  camcam123

    03/04/2011 | 12:03 AM
    Sabi ni Shaina........kaya tawag ng tawag at txt si ropaa kay john loyd kasi hanggang ngayon selos parin siya sa akin at hindi nya matanggap na couple na kami ngayon at sagot ko naman sa kanya mag move on ka na, you are 20 years apart.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  akoysayo

    03/03/2011 | 11:51 PM
    oo na shaina..masaya na kayo...lols...ano bang meron?hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  fifiandtheflowertots

    03/03/2011 | 10:54 PM
    i'm sure my ''issue'' na naman ipalabas si ruffing para mapag-usapan, kesyo naghahabol pa si jlc or tawag na na naman si shaina sa kanya. lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  fifiandtheflowertots

    03/03/2011 | 10:53 PM
    magpuputok na naman ang butse ni ruffing sa balitang ito. lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iloverc208

    03/03/2011 | 10:06 PM
    I agree with number6, bakit ba nagpapa-interview o sumasagot pa sila regarding their relationship. Dati they want to keep it private. Ngayon naman sige papansin. Tama na, kung masaya talaga kayo sa isa't-isa eh d maganda. Okay na yun. Tigilan nyo na ang pag-convince sa mga tao na okay at masaya kayo sa isa't-isa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • babydrew

    03/03/2011 | 09:54 PM
    ito ang babaeng mas gusto kong nakikitang nagsasalita kaysa basta picture lang...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pepers

    03/03/2011 | 08:43 PM
    atleast she is happy...si ruffa kaya?hahaha kung masaya siya kay jl oks lang pero mas bagay talaga sila ni rayver. as for jp , di talaga lalaki dating niya sa akin. next naman nito eeksina nanaman si ruffing hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1pepaddict

    03/03/2011 | 08:09 PM
    why do they always tell people that all is well in their relationship? are they trying to convince us or themselves?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • haynakunaman

    03/03/2011 | 07:10 PM
    maganda sya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mygulay

    03/03/2011 | 07:01 PM
    try to convince yourself a little more.. baka sakaling mapaniwala mo na ang sarili pag tagal
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About