news

Chynna Ortaleza believes in the saying, "There are no small parts, only small actors"

by Rose Garcia posted on March 5, 2011  STATS: 439 Views | 21 Comments

 

"Natatakot na talaga ako kasi ako yung bumubugbog sa bata. As in, bugbog talaga! At saka ito namang bata, gusto niya talaga na totohanin ko. Halimbawa, magba-blocking kami, tapos rehearsal, tatapikin ko siya. Pero kapag magti-take na, lalapit siya, sasabihin niya, 'Ate, totohanin mo!'" relates Chynna Ortaleza about her role in Magic Palayok.

Photo By: Noel Orsal

Isa si Chynna Ortaleza sa nananatiling loyal sa Kapuso network. Mula nang pasukin niya ang showbiz pagkatapos niyang lumabas sa isang softdrink commercial ay naging talent na siya ng GMA-7.

Nagsimula siya sa youth-oriented show na Click, kung saan naging ka-loveteam niya si Richard Gutierrez. Pero mula nang buwagin ang kanilang tambalan ay tila napag-iwanan na si Chynna, habang si Richard ay pumainlanlang ang career at ngayon ay itinuturing na isa sa top leading men ng Kapuso network.

Sa press conference noon ng Magic Palayok—kunsaan gumaganap si Chynna bilang Natasha—naitanong sa 27-year-old actress kung bakit tila hindi siya masyadong nabibigyan ng chance gayong isa siya sa pinaka-loyal talent ng Kapuso network.

Pero depensa naman ni Chynna, "Hindi, feeling ko ano lang 'yan, sometimes suwerte. Sometimes natapat ka rin sa magaling na manager. 

"Ako naman, parang sa akin, palagi ko rin sinasabi na basta may trabaho, masaya na ako. Basta may trabaho, good thing na yun... Up to sa dulo, noong muntik na akong lumipat, ang iniisip ko lang trabaho. 

"Wala akong iniisip kung bida, kontrabida, support, wala. Basta may trabaho ako. Kasi, I believe if you're an actor, kahit gaano kaliit 'yan, kung talagang magtitiyaga, magmamarka 'yan kahit na anong eksena."

Natutuwa naman si Chynna na nakikita raw ng Kapuso network ang kaya niyang gawin, lalo na sa mga role na ipinagkakatiwala sa kanya. Sa Magic Palayok nga, malaking bagay sa kanya to work side by side with her idol, Cherie Gil, kunsaan magkapatid ang role nila.

First time din ni Chynna to work with reel- and real-life sweethearts na sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.

"Ito talaga ang unang project na nakatrabaho ko sina Geoff and  Carla.  Okey naman. Ako yung panggulo sa loveteam nila rito!" natatawang sabi niya.

Pero mas natatakot daw siya dahil siya ang nagpapahirap sa young actress na si Angeli Nicole Sanoy, na gumaganap bilang Cookie.

"Natatakot na talaga ako kasi ako yung bumubugbog sa bata. As in, bugbog talaga! You know how Direk Joel Lamangan is, ayaw niya yung parang peke.

"At saka ito namang bata, gusto niya talaga na totohanin ko. Halimbawa, magba-blocking kami, tapos rehearsal, tatapikin ko siya. Pero kapag magti-take na, lalapit siya, sasabihin niya, 'Ate, totohanin mo!'

"Feeling niya, natutulungan nga naman ang emotion kapag ganoon. Hindi siya masyadong nahihirapan," kuwento ni Chynna.

May isang beses nga raw during their taping na na-guilty na siya.

"May isang time na pinalo ko siya nang pinalo. Pagtingin ko, meron na siyang red, red... Sabi ko, 'Naku, ako ba ang gumawa niyan? My God, baka idemanda ako ng nanay mo. Ano ba 'yan? Tama na.' Gumagano'n na ako, 'Hindi ko na gagawin.'

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

21 Comments

  • 21  gorgeous_aleck

    03/07/2011 | 12:05 PM
    baka naman may attitude problem? pansin ko pag may attitude, hindi masyado nabibigyan ng attention. infairness, hindi naman siya nawawalan ng work. kainis naman ang gma kasi inuna ang captain barbell, sana ni remake nalang nila ang coffe prince para pwede cla mag balik tambalan ni richard.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  rbe6599

    03/07/2011 | 01:01 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  alyannaganda

    03/06/2011 | 06:54 PM
    love this girl!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  Jamsan

    03/06/2011 | 03:14 PM
    kiti-kitext days pa lang love ko na sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  daiguro01

    03/06/2011 | 11:54 AM
    lumipat ka sa ibang station sisikat ka!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  hit_d_way_u_lye

    03/06/2011 | 11:24 AM
    Wla lang wla xang masyadong effect sa madlang pipol kya ganun siguro d masyado nagki-CLICK! Mas mabuti pang pumunta nalang xa sa CHINA OR TILI nalang XA!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  gheezz123

    03/06/2011 | 04:33 AM
    0ne of my early fave actresses. i grew up watchng CLICk so nakaka-miss. i like ur role, together with ms GIL. fave show ng pamilya q after bantatay.saya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  lotuss

    03/05/2011 | 06:41 PM
    She's an asset of GMA .. sana bigyan siya ng lead role.. not always contra bida.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  pepticulcer

    03/05/2011 | 04:13 PM
    She was an effective commediene when she was paired off with Richard Gutierrez in a TV series years back. I also think she'll do well as a kontrabida. I just hope that the story about her ganging up with Bubbles against Jewel Mische aren't true. No matter how good an artist is, madidismaya ka rin sa kanya kung masama ang katauhan nito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  aquos11

    03/05/2011 | 04:01 PM
    she's smart. i remember i used to watch "5 AND UP". sa syete din ata un dati. bata pa sila. magaling na syang maghost sila ni Atom.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  Clara Pastor

    03/05/2011 | 03:50 PM
    sya yung tipong patient na tao,at nagbunga nman di ba chynna.hope more work to come.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  hoperisen888

    03/05/2011 | 03:40 PM
    sayang talaga to..sana ito na lang ang pangkontrabida lagi...galing pang umarte nito..di katulad ng iba trying hard umiyak
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • zayden

    03/05/2011 | 03:22 PM
    like ko cya since before..hopefully she will stay being a kapuso for a longer time...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • zayden

    03/05/2011 | 03:21 PM
    like ko cya since before..hopefullu she will stay being a kapuso for a longer time...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • monzy7

    03/05/2011 | 02:35 PM
    for no. 6, nauunahan kasi ng palakasan sa GMA. sayang ang talent and loyalty niya dahil andun pa din sa GMA si Ida Henares na tita ni rhian
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rondenelli2008

    03/05/2011 | 01:59 PM
    what's happening to her? puro na lang pang support. ang tagal na rin nya sa business, ha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • florenz13

    03/05/2011 | 12:58 PM
    i love magic palayok.. ang cute nila ni cherry gil na kontrabida.. galing din nung bata..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bangenge

    03/05/2011 | 11:33 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • camcam123

    03/05/2011 | 11:18 AM
    ah sus wala kalang offer palusot ka pa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gemjustine

    03/05/2011 | 10:29 AM
    love her!! since CLICK pa ,,sila ni Richard ung IDOL ko!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About