"I figured if I'm gonna get into business, it should be something na alam ko talaga and iyon na lang ang business ko. Imbes na bar or something, 'yon na lang," says Jay-R about venturing into record production.

Photo: Courtesy of GMA-7

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa R&B Prince na si Jay-R, tinanong namin siya kung may plano na silang magpakasal ng kanyang girlfriend na si Krista Kleiner.

"Wala pa, hindi pa, si Kyla muna ang ikakasal!" natatawang reaksiyon ni Jay-R referring to his singing partner, R&B Princess Kyla, na malapit nang ikasal sa PBA player na si Rich Alvarez.

Dagdag niya, "Bago pa lang kami, e. We've only been together for one year and nine months.

"Pero, you know, parang feeling ko po, we have to get to know each other more. We want to enjoy each other's company muna po bago kami mag-isip ng getting married."

TAKAW-TINGIN. Si Krista ang current titleholder ng Bb. Pilipinas-International. Mahirap bang magka-girlfriend ng beauty queen?

"Mahirap, mahirap!" tawa ni Jay-R. "Ang mga lalaki, siyempre, lahat nakatingin sa kanya. Tapos yung mga tingin pa, parang very ano, e. E, siyempre, wala ka namang magagawa, nakatingin, e."

Hindi siya nagseselos?

"Nagseselos minsan," pag-amin niya.

Biro namin, si Jay-R naman ay tinitingnan ng girls and gays

Tumawa ang singer, sabay sabing, "Pero iba yung tingin sa kanya [Krista], di ba, yung mga lalaki."

JAY-R'S BAR. Dati ay sumubok si Jay-R na magtayo ng isang bar sa Makati, ang Rock Candy. Pero nadamay ito sa pagsabog ng Glorietta 2 noong October 19, 2007. Mula noon, hindi na ito binuksan ni Jay-R.

Bakit hindi na siya ulit nagbukas ng bar?

"Hassle, e," sabi niya. "And I noticed na nung may bar ako, yung time ko napupunta doon and... Siyempre mga guests ko pag pumupunta, binibili ako ng mga drinks. So, gabi-gabi, medyo ano nakainom na, parang napabayaan ko yung mga album ko, yung mga recording ko, yung acting ko.

"So, feeling ko, mas focused ako pag walang ganun na business po."

Nabayaran ba siya sa pinsalang nangyari sa bar niya?