"I figured if I'm gonna get into business, it should be something na alam ko talaga and iyon na lang ang business ko. Imbes na bar or something, 'yon na lang," says Jay-R about venturing into record production.

Photo: Courtesy of GMA-7

"Masaya, masaya po talaga," sagot niya.

Wala bang pressure na girlfriend niya ang ipinagpo-produce niya ng album? Sino ang nasusunod sa decision-making tungkol sa album?

"A, walang pressure. Siyempre, may usapan, we talk," sabi ni Jay-R.

By August daw ire-release ang album ni Krista.

Anong klaseng mga kanta ang nakapaloob sa album ni Krista?

"Parang Black Eyed Peas, tapos mga Fergie, Lady Gaga, mga dance songs."

May duet din daw silang magkasintahan sa album ni Krista.

Kaninong idea na i-produce ng album si Krista?

"Idea ko rin, idea ko rin," sagot ni Jay-R. "Gusto ko makapaglabas siya ng album na sarili. Kasi pretty soon, yung mga CDs, magpe-phase-out na yung mga CDs, e. Lahat magiging digital na, e, puro download na, e. So, bago mangyari 'yon, gusto ko maka-release na si Krista ng sarili niyang album."

THE ACTOR. Bukod sa pag-awit, nag-e-enjoy rin ni Jay-R sa pag-arte sa harap ng kamera. Kasama siya sa cast ng bagong telefantasya ng GMA-7 na Magic Palayok, pero hindi ito ang unang pagkakataon na napanood siyang umaarte.

"Yung una po yung Narito Ang Puso Ko, yung pangalawa po yung Love To Love... Actually po, dalawang beses akong nag-star po doon. Tapos yung pangatlo yung Encantadia, then yung pang-apat po yung Lalola," kuwento ni Jay-R ng kanyang past acting gigs.